Naging maganda naman ang naging kasal ni Mike. It was a splendid and romantic wedding, kasal na papangarapin ng kung sino mang babae. Halata sa dalawa ang pagmamahalan, hindi tuloy maiwasan ni Hera na mangarap na ikinakasal kay Zic. Ganitong kasal ang gusto niya, at ang kanyang groom ay si Zic La Gresa. Napabuntong-hininga ang dalaga nang maalala ang naganap kanina sa tabing dagat, kung paanong masuyong buhatin ni Zic patungong pampang si Nisha. Kung paano niya nakitang mag-alala ang binata para sa dalaga, teka, ano ba ang iniisip ko? Malamang mag-aalala si Zic kay Nisha dahil magkaibigan ang mga ito... Sabi ng isang bahagi sa isipan ni Hera. Oo nga, wala akong dapat ipagalala at ipagselos... Bigla siyang siniko ni Lexie na nasa tabi niya na kumakain din, si Nisha ay nagpaalam na gagamit

