CHAPTER 7

1052 Words
    "Nasaan na ba that boy?" kausap ni Hera sa kanyang sarili, habang iginagala ang paningin sa paligid at sa mga taong nag-uumpukan, hinahanap niya si Z. Hindi pa kasi bumabalik ang binata buhat nang magpaalam ito sa kanila kanina. Kaya napagpasyahan na lang niyang iwan ang Kuya Harry niya at hanapin si Zic.    Naglakad-lakad pa siya sa kung saan-saan, hangang sa mahuli ng mga mata niya ang hinahanap. May babaeng nakalingkis sa braso nito at agad na nangunot ang kanyang noo sa nakita, pinag-aralan niya ang mukha ng babae. Well, maganda ang babae, kaano-anu kaya ito ng lalaki? Mabilis siyang naglakad papalapit sa dalawa na nagkakatuwaan habang umiinom ng alak sa hawak na kopita.   "Z!" ngiting-ngiti na tawag niya sa binata na agad naman siyang nakita. Alam naman niyang pilit lamang ang ngiti nito nang makita siya pero wala siyang pake.    "Hera, bakit iniwan mo sina Harry?" salubong na tanong nito sa kanya nang makalapit na siya.   Agad naman siyang kumawit sa kabilang braso ni Zic at lumingkis doon. Hindi niya alintana ang mga tinginan ng babaeng kasama ni Zic bago siya dumating. "Naiinip ako kasama them eh. Gusto ko ikaw ang kasama ko," aniya habang nakanguso. Tila nagpapa-cute kay Zic na ngayon ay napapangiwi.   "Ah Hera..." marahang sabi ni Zic, habang pilit na tinatanggal ang pagkakalingkis ng mga kamay niya sa braso nito. "I'm with my girl," dugtong nito na agad na ikinatigil niya.    "Girl? Siya?" Turo niya sa babae sa tabi ni Z.    Tumango ang binata, at siya namang pag-ngisi ng babae sa kanya. Hindi niya itinago ang pagsimangot, girlfriend ito ni Z? Duh!    "Yep. She's my girlfriend. By the way, her name is Cassy," pakilala pa ng hudlom.    "Hi, you must be Hera, right? Maraming nakukwento sa akin si Zic about sa'yo, nice to meet you, " nakangiting sabi ng babae.    Peke siyang ngumiti pero deep inside ay naiinis na siya. Tinignan niya mula ulo hangang paa ang babae, hindi mga ganito ang tipo ni Zic, how come na magkaka-girlfriend ito biglaan na wala siyang nasasagap na balita? Hindi siya papahuli kapag tungkol kay Z. Baka ginu-good time na naman siya ng mokong na 'to para lubayan niya?   "Yes, ako nga si Hera. Hera Madrid, you look familiar, parang nakita na kita somewhere," aniya kay Cassy kahit sa totoo lang ay hindi pa naman talaga niya ito nakita. Tinignan niya si Z na tila hindi mapakali at naging mailap ang mga mata. Sinasabi ko na nga ba eh.   "Really?" nakangising sabi ng babae at humigop sa hawak na kopita.    "Yes, Z saan mo ba siya nakilala? Saang pamilya siya sa galing? " Usisa pa ni Hera.    "I think it's none of your business, Hera. Go back to your brother and I think by this time he's looking for you, " taboy ni Z sa kanya na lalo niyang ikinasimangot.    "Hindi mo siya girlfriend." Matapang niyang bwelta kay Z at tinitigan ito ng diretso sa mga mata. Alam na alam niya kapag nagsisinungaling si Zic, siya pa ba?    "She's my girlfriend." -Zic    Ah talagang ipinaglalaban pa nito iyon ah.     "Prove it to me. Kiss her on the labi," aniya na may paghahamon sa mga mata     Nanlaki ang mga mata ni Z at Cassy. Pagkaraan ay humalakhak si Cassy at napailing-iling. "Ayoko na," ani Cassy at itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Wala akong oras sa mga ganito, cousin kung ganyan kakulit ang babaeng 'yan. Forget about na hundred thousand, " pagpapatuloy ng babae.    Sabi ko na eh...    "What?!" inis na sabi ni Zic na ngayon ay na kay Cassy ang tingin. Siya naman ay humalukipkip at may ngiting tagumpay sa labi. Akala ba ni Z ay maiisahan siya nito?    "She's beautiful." Tsaka siya tinapunan ng tingin ni Cassy, tapos ay ngumisi "...but she's a crazy brat." Iyon lamang at umalis na ito.    "Cassy!" tawag ni Zic.    "Kaya mo na 'yan. Ciao!" Cassy said habang naglalakad na palayo.    "Akala mo siguro maiisahan mo ako ulit noh?" Aniya kay Z.    Marahas itong lumingon sa kanya. "Shut up, Hera."   Pero hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Ginawa mo na that to me noon eh. When you told me na girlfriend mo na- wait. What's her name again?" umakto siyang nag-iisip. "Oh shoot! si Vexie. Yeah right, noong sinabi mong girlfriend mo that girl tapos hindi naman pala, " mahaba niyang sabi sa kaharap na hindi na maipinta ang mukha.   "Hindi ka pa rin ba nagsasawang mangulit sa akin?" maya-maya ay tanong ni Zic.    Umiling siya nang mabilis. "Nope."    Tila nauubusan na ng pasensya ang mukha ni Zic sa kanya. Pero hindi siya kinakabahan o natatakot, lalo lamang siyang ginagana'an mangulit dito kapag ganoon ang hitsura ng binata.    "Ako nagsasawa na sa kakakulit mo." -Zic    "It's okay, pero hindi ako mag-stop until you're mine."    "Hindi mangyayari iyon, Hera. Gaya ng sinasabi ko noong una pa lamang, we will never hit the card. I don't like you, " diretsahang sabi ni Zic na hindi na inisip kung masasaktan siya sa mga salitang binitiwan nito.    Oo, nasaktan siya sa harapan nitong pag-reject sa kanya. Pero hindi niya ipinahalata sa kaharap at hindi pa rin siya titigil kakahabol kay Z hangat hindi niya ito napapaibig.    "You know Z. Para kang Star sa akin, kaya hindi kita titigilan cause Star can fall at hihintayin ko ang araw na 'yun kahit gaano pa katagal." Tsaka siya ngumiti ng matamis sa binata.   Napailing na lamang si Zic sa kakulitan ni Hera. "Diyan ka na nga," aniya at tinalikuran ang dalaga. Pero makulit talaga ito dahil humabol sa kanya.   "Z! Wait for me, OMG! Hirap humabol ng naka-heels e," ani Hera at dagliang tumigil. Tinanggal ang suot n stilletos at tsaka humabol sa mabilis na lakad ni Z. Wala siyang pake kahit nakatingin na sa kanya ang ibang bisita.    Tumigil ang binata at hinarap siya. "Will you please wear those sandals? Nakakahiya Hera."    Ngumuso siya na tila inapi. "Just promise na don't takbo takbo na, okay? Hirap humabol na mataas ang heels. Kapag natapilok ako, kasalanan mo."    Nahilamos ni Zic ang palad sa kanyang mukha. Frustration's written all over his face. "Okay. Just wear them," nauubusang pasensyang sabi niya habang tinitignan ang paligid dahil nakakaagaw na sila ng eksena.    Mabilis pa sa alas-kwatrong sinuot ni Hera ang mga stilletos. "I'm done!" Tsaka lumapit kay Z at kumapit sa braso nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD