"Behave, Hera. Ayokong gagawa ka ng kung anong mga eksena," bilin ni Harry sa kanya habang nasa kotse pa lamang sila at patungo sa mansion ng mga La Gresa. Kaarawan ni Zic at talagang gumawa siya ng paraan para maka-attend.
"I know, Kuya. I will not make eksena na nakakahiya," aniya at malawak na nginitian ang kanyang Kuya na inirapan lamang siya. Ayaw talaga siya nitong isama pero nagpumilit siya, she needs to be in Zic's party or else mag-g-gate crash talaga siya at sinabi niya iyon sa Kuya niya kaya napilitan na itong isama siya. Mas nakakahiya nga naman ang gate crashing.
"Atsaka ano ba 'yang suot mo? Too much revealing," sita pa nito sa kanyang suot. Halatang hindi nito nagustuhan 'yun. She was wearing a black and white colored dress na may malalim na huka sa bandang cleavage. Above the knee iyon at hapit sa kanyang makurbang katawan, mas lalong lumitaw tuloy ang taglay niyang tangkad.
"What's wrong with my outfit? Ayaw ko naman na magmukhang low budget sa mga katulad kong girls sa loob. Pretty naman me, right? "
Tutok lamang ang Kuya niya sa daan na halatang naiinis na natatawa sa kanya. "Atsaka 'yang make up mo, is it too much?" muli ay pansin na naman nito sa make up niya. Siya lang naman kasi ang gumagawa nun sa sarili niya and okay naman. Pero para sa Kuya niya mukha siyang clown.
"What's your problem ba with my make up ah?" nakanguso niyang tanong sa kapatid.
"Mukha kang payaso, your lipstick--"
"Shut up! You make fun on my face naman eh, " aniya na naiinis na.
"Fine. Sinasabi ko lang ang totoo," ani Harry na tatawa-tawa. Iningusan na lamang niya ang kapatud at hindi na kumibo. Ang mahalaga sinama siya nito, period.
_______________________________________________
____________________
"Oh geez!" Zic hissed when he saw who's walking with Harry.
"Why?" usisa ni Greg nang mapansin ang biglang pagkabalisa niya at sinundan ang tingin niya. Pagkaraan ay napangisi ito. "Whoah. Your walking disaster is coming..." tila pang-aasar pa nito.
"Too late. Hindi ka na makakatapagtago, she already saw you, man." Natatawa namang sabat ni Mike nang mapansin na akma siyang magtatago para hindi makita ni Hera.
"It's my birthday. Masisira ito dahil sa kanya," napapalatak niyang bulong sa mga kaibigan dahil alam naman niyang kukulitin siya ni Hera. Ano ba ang naisipan ni Harry at isinama pa nito ang kapatid?
Hell, she just came to seduce the hell out of me.
"Happy birthday, bro." Bati ni Harry nang makalapit ang mga ito sa kinaroroonan nila. He saw how Hera's face lit up upon seeing him, hindi pa rin ito nagbabago mukhang may tama pa rin talaga ito sa kanya.
"Thank you, bro." Tsaka niya inabot ang bigay nitong regalo.
"Happy Birthday, Z!" masayang sabi naman ni Hera na lumapit at yumakap sa kanya. Nanigas ang kalamnan niya bigla, well in fairness ang bango ng pabango ng dalaga. "Here." Kumalas ito sa kanya at may iniaabot na paper bag.
"Thanks. But what is this?" -Zic
"I baked them for you. Masarap 'yan," masayang sabi nito sa kanya. Napilitan siyang ngumiti sa dalaga. Buti at hindi conyo masyado magsalita ngayon si Hera, last time kasi halos mairita ang tenga niya sa pagsasalita nito ng conyo.
"How sweet of you, Hera. For sure, magugustuhan 'yan ni Zic," sabat ni Greg na tinapunan siya ng nakakaasar na ngiti.
"Really?!" sa kanyan ito tumingin kaya napatango na lamang siya. Damn! Paano ko ba mapapatapos ang gabing 'to na hindi maaasiwa kay Hera?
"Wait for me, guys. Ipapasok ko lang 'to and I'll be back," paalam niya sa mga kaibigan na may mapang-asar na ngiti sa labi. Talagang gustong gusto ng mga ito na nakikita siyang ganoon.
"We'll wait for you, bro," sabi ni Harry na ang sarap batukan. Talagang isinama pa si Hera alam naman nitong hindi siya komportable kapag nasa paligid ang brat na babae.
Pumasok siya sa loob ng mansion at ibinigay ang mga dala sa nakasalubong na kasambahay. What now? Anong gagawin niya e ayaw niyang bumalik muna sa umpukan nina Greg dahil naroon si Hera. Napagpasyahan niyang magtungo muna sa gilid ng mansion kung saan naisipan niyang manigarilyo muna.
Maya maya pa ay nakarinig siya ng mga hakbang sa kanyang likuran pero hindi na siya nag-abalang lumingon pa. "Give me one," anang isang tinig na alam na alam niya kung sino. Si Cassidy. Nakabalik na ito mula sa hiatus nito. Tinignan niya ito at inabot dito ang kaha ng sigarilyo at ang lighter.
"May problema ba?" usisa ng pinsan na tumabi sa kinatatayuan niya.
"Hindi naman malaki."
"Ano ba 'yon? Might help."
Bigla ay muli siyang napatingin sa pinsan at may naisip tsaka napangisi. "Will you pretend to be my girl?"
Humalakhak bigla si Cassidy at napailing-iling. Tila nawi-weirduhan "Pretend to be your girl? For how long?"
"Just this night."
"And why would I?"
Kulit din ng pinsan niyang 'to. Somehow may pagkakahalintulad ito kay Hera. Isang brat din kasi ang pinsan niya. "Okay. Let me explain this to you. There is a girl na humaling na humaling sa akin-"
Humalakhak na naman si Cassy. "Humaling na Humaling? What a term!"
"Oh shut up! Let me finish my words first. Her name was Hera, she's getting into my nerves and I badly want to get rid of her. I am f*****g desperate."
Humithit muna sa sigarilyo ang kaharap at pinag-aralan ang hitsura niya. "Ayaw mo ba nun?"
Nangunot ang noo niya. "What?"
"You're a womanizer. You love girls and anything na nakapalda e papatusin mo. But now? Ganoon na ba kapangit ang sinasabi mong Hera kaya gusto mo siyang mawala sa landas mo?" -Cassy
"She's not ugly. Tama ka, I love girls pero I don't like Hera. Hindi siya ang mga tipo ko, too clingy, makulit, liberated and all!" Eksaheradong sabi na niya sa pinsan para mapapayag na ito.
"Fine. But you need to pay me, hindi libre 'to," anang pinsan niya na nakahalukipkip ang isang kamay habang humihithit sa kanyang sigarilyo.
"How much?"
"Ummm." Tila nag-isip pa ito. "What about, a hundred thousand?"
"Okay." Ganoon siya kabilis kausap.
"Deal. So, nasaan na ang Hera na sinasabi mo?"
"Come with me and you'll see her." Tsaka siya nagpatiunang maglakad.
"I hope she doesn't know na magpinsan tayo," ani Cassy na nakasunod sa kanya.
"Hindi niya alam, don't worry." - Zic