Gabi na nang makauwi si Hera sa kanilang mansion, masyado silang nalibang kakapasyal nina Nisha at Lexie. Dinatnan niya sa balkonahe ang kanyang Kuya Harry na busy sa pagtipa sa laptop nito na nakapatong sa glass table sa harap nito. May isang tasa ng kape rin ito sa tabi nito at panaka-nakang humihigop. Nilapitan niya ang kanyang kapatid at bumeso rito. Nagulat pa ito na tila hindi man napansin agad ang presensya niya dahil sa pagkatutok sa laptop. "Hey, lil' sis," anito na tinapunan siya ng tingin. Umupo siya sa tabi ng kanyang Kuya at nakisilip sa kung anong ginagawa nito at bakit tila lunod doon ang atensyon. "What ba ang ginagawa mo? Why are you so busy naman? Kulang na lang you make subsob your face sa screen." Natawa ng bahagya ang Kuya niya at muling tumipa. "May pina

