Kinagabihan, matapos magpalipat-lipat ng bar na mapupuntahan ang grupo nina Zic, napunta sila sa Mariposa Bar sa may taguig. Inokupa nila ang pinakamalapit sa sulok, maya-maya pa ay nagpaalam siya kina Harry na magtutungo sa CR. Naglalakad pa lamang siya palapit doon ay may babaeng humarang sa kanya sa madilim na pasilyo. Nakasuot ito ng pulang dress na hapit sa katawan nito, mababa ang huka ng suot nito sa bandang dibdib kaya halos lumuwa ang naglalakihang hinaharap nito, hangang taas ng tuhod nito ang haba ng dress na bumagay naman sa balingkinitan nitong katawan. Nakalugay ang wavy na buhok ng babae at may mapang-akit na ngiti sa mga labi. Maganda ito, morena beauty. "Hi handsome," sabi ng babae na kulang na lang ay magdikit ang kanilang mga katawan dahil sa pagkakalapit. I

