"What took you so long?" Ang tanong ni Mike kay Zic nang makabalik ito sa pwesto nila. Pabagsak siyang umupo at pinag-krus ang mga binti sabay stretch ng isang kamay sa sandalan ng sofa. "Matagal ba ako?" patay malisyang tanong niya sa kaibigan. "Yes. Akala nga namin umuwi ka na or..." pabitin na sabi ni Greg. "Or?" - Zic "Or may nadaanan kang chix and have a good time with her, gawain mo noon pa mang college," natatawang dugtong ni Greg. Napatawa siya ng pagak. I'm almost there kung hindi lang dumating si Brat. Pagkaalala sa tagpo kanina ay tila nakaramdam siya ng konsensya sa mga sinabi niya kay Hera, baka sumobra naman yata siya? Kita kasi niya ang sakit at pagkabigla na bumalakid sa mukha ng dalaga kahit pa medyo dim ang pasilyong 'yon. Gusto man niyan

