Katulad nang mga karaniwang umaga, naroon na naman si Nisha sa kanyang shop ng sumunod na araw na iyon at kakwentuhan niya. Si Lexie kasi ay busy nitong mga nakaraang araw kaya pasulpot-sulpot lamang. Napansin niyang biglang natigilan si Nisha at napatitig sa likuran niya, nakatalikod kasi siya sa may main entrance ng kanyang shop. Nagtataka niyang sinundan ang tinitignan ng kaibigan para lang mapatda. Dahil ang taong nakita niyang nakatayo sa likuran niya ay ang huling taong inaasahan niyang makita sa shop niya nang mga sandaling 'yon. "Z-Zic?" Hindi makapaniwalang sabi niya at napatayo. Tuluyang hinarap ang binata na blanko ang ekspresyon ng mukha at tuwid lang na nakatitig sa kanya. "A-Anong ginagawa mo rito?" Huminga ng malalim ang binata at tumingin kay Nisha na tahimik l

