"Aray..." wala sa sariling bulong ni Hera sa sarili habang hawak ang ulo. Marahan siyang bumangon upang hindi masyadong kumirot ang ulo niya. Paano ba ako nakauwi? Pilit niyang inalala ang tagpo kagabi at nangislap sa saya ang mata niya nang maalalang si Zic ang huli niyang kasama. Siya ba ang naghatid sa akin kagabi? Napangiti siya sa isipang inihatid siya ng binata sa kanilang mansion. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at nakita niya roon ang Kuya Harry niya. "Ang saya ng gising mo ah?" "Kuya si Zic ba ang naghatid sa akin kagabi? OMG! Inihatid niya ako for real?! I'm so kilig!" Natawa ng malakas ang Kuya niya. "Hindi siya. Ako ang nag-uwi sa'yo, sinundo kita." "You're so sinungaling!" Maktol niya. "I'm not. He's not that gentleman na ihahatid ka pa niya r

