"Nisha," ulit niya sa pagtawag sa babae at tila doon pa lamang nito iyon narinig. "Ikaw pala, Hera." Agad nitong nilamukos ang putid pad na tila nahihiya. Lalo tuloy siyang na-curious. "Anong dino-drawing mo?" Usisa niya at dinampot ang nilamukos nitong papel. Huli na para maagaw ito pabalik ng babae. Niladlad niya ang papel at napahanga siya sa nakita, tila kasi totoo ang bulaklak na nakaukit doon. Napakaganda. Binalingan niya si Nisha at nagtanong, "talaga bang gawa mo ito?" Nahihiyang tumango ang babae. Tila hindi proud sa gawa at iyon ang hindi niya maintindihan dahil napakaganda naman ng gawa nito. "P-Pangit ba?" "Anong pangit ka diyan, ang ganda! Pwede kang maging isang painter, Nisha." Nakita niyang natigilan ang babae at ngumiti ng mapait na may kasamang l

