CHAPTER 117 BREANA’S POINT OF VIEW "Brean..." bulong niya. Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang duguang kamay. "Arwin! Buhay ka!" hinawakan ko ang duguian niyang palad. "Tulungan ninyo kami! Buhay pa siya! Pareng Aldrin, tumawag kayo ng ambulansiya o tulungan mo akong buhatin siya ng maayos" sigaw ko. "I'm sorry. I'm sorry Arwin." humihikbi na ako. Akmang bubuhatin ko na siya ngunit nagsalita siya. "Huwag na... huwag mo na akong dalhin pa sa hospital. Gusto ko lang sabihin na Ma-hal ki-ta. Ma- mahal na ma-hal kita Brean." hirap niyang sinabi iyon. "Oh my God. Arwin, mahal din kita. Sobrang mahal na mahal pa rin kita, Arwin..." humihikbi kong sagot habang nasa bisig ko ang ulo niya. "Oh! Pareng Aldrin, nadinig mo 'yon ah!" bumangon siyang bigla. Nagulat ako. "Oh, Crysta at Al

