FINALE PART 1 Arwin's Point of View "Pahinga muna tayo pare ko!" abut-abot ang paghinga ko sa pagod at tagaktak ako ng pawis. "Pagod ka na agad? Sa'n ka ba hindi unang mapapagod? Sa kama ikaw laging unang suko pati ba naman sa basketball?" natatawang banat sa akin ni Breana. "Mas bata ka sa akin, isa pa alam mo naman ang pinagdaanan ko sakit." Hinihingal kong hirit saka ko ibinato ang bola sa kaniya. "Para namang ilang dekada ang tanda mo sa akin. Ang sabihin mo, lampa ka lang talaga. Sige na kasi tapusin na natin ang laro." Lumapit siya sa akin saka niya ako inakbayan. "Tang-ina naman pare ko oh, pawis ng kili-kili mo dumidikit sa balikat ko!" kunyaring reklamo ko. "Ahh, nandidiri ka sa akin gano'n?" itinulak niya ako. "Hindi..." sinikap kong lapitan

