CHAPTER 98 BREANA’S POINT OF VIEW Dahil sa ilaw na nakatutok sa amin nakita ko nang malinaw ang mukha ni Anne. Mugto ang mga mata niya na halatang galing sa pag-iyak. Halatang gusto na niya akong saktan. "Anne huwag dito," babala ko sa kaniya dahil nasa lansangan kami at hindi kaaya-ayang doon siya magwawala at doon niya ako sasaktan. Kung masasaktan niya ako dahil hindi ko siya uurungan. Nakilala ko kasi siyang gano'n. Dahil sa ilaw ay para tuloy kaming nasa spotlight. Mabilis na pumagitna si Arwin. Nakaharap siya kay Anne. “Umalis ka sa harapan ko Arwin, please,” sa nakikiusap na tono. Kumunot ang noo ko. Hindi ko napaghandaan na ganoon kapamagpakumbaba ang boses niya. “Okey, promise that don’t create a scene.” “I will not. I just talk to her once and for all.” “Okey.” Umatras s

