CHAPTER 97 Breana's Point of View Sumabit ang aking paghinga! Kahit ang pangalan ko bilang babae ay alam na niya! Hindi ko tuloy alam kung bigla ko na lang siyang yayakapin at aminin na palabas lang ang lahat sa amin ni Aldrin. Sa mga sandaling iyon, biglang naging buo ang aking kasiyahan. Alam kong bumakik akong muli sa puso niya. Hindi ko man sinabi ang version ko, kusang ipinaalala ng kanyang puso ang nakalimutan ng kanyang utak. “Naaalala mo na ako? Ibig sabihin kilala mo na kung sino talaga at kung ano ang bahagi ko sa buhay mo?” “Oo, bumalik na sa akin ang ilan, maaring may mga hindi pa pero kilala na kita.” “Pero paano ‘to? Paano si Anne? Paano tayo?” "I understand. Nirerespeto ko rin kung anong meron kayo ni Aldrin," pabulong iyon. "Hindi pa ba tayo aalis?" si Aldrin sumili

