ALEGASYON

2571 Words

Chapter 105 Breana’s Point of View   "Dad! Sorry po." maluha-luha kong sambit nang si Daddy mismo ang nagbukas ng pintuan. Naisip kong panahon na din para bumalik ako at makipag-ayos sa kanila. Hindi kasi ako tinitigilan ni Brent sa pangungulit na kausapin na sina Daddy at Mommy. Nalulungkot na sila. Alam ng kakambal ko na hindi kailanman ako pupuntahan ni Daddy at kakausapin. Sila ang naghihintay ng aking pagpapakumbaba. Naisip ko rin kasi, nawala na si Carlo sa akin, mawawala na din sa akin si Arwin nang tuluyan. Pamilya ko na lang ang alam kong tangi kong masusukuban. Sila na ang alam kong tatanggap sa akin sa kabila ng lahat at kung sakaling galit pa rin sila sa akin, nakaplano na ang aking pag-alis. "Anak." Hinila ako ni Daddy at niyakap. Nakatayo lang sa likod ni Daddy si Brent

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD