CHAPTER 106 BREANA’S POINT OF VIEW Hanggang sa biglang may humawak sa braso ko. “Carlo? Anong ginagawa mo rito?” gulat kong tanong kalakip ng takot ko na mabuking. Inisip ko kasi agad si Brent. Paano na siya ngayon na nabuking ako? Pati siya na nananahimik ay nadadamay. Si Carlo, anong meron at bigla-bigla na lang siyang nagpapakita? “Ano Coach? Bakit hindi mo magawang iharap sa amin ang buong team para magkaalaman,” giit ng bayarang reporter. “Okey! Okey! Para matapos na ito. Lahat ng team, magsilapit lalo na si Teng! Brent Teng lumapit ka rito at patunayan sa lahat na ikaw ay tunay na lalaki!” malakas na wika ng aming Coach. Nakatayo na siya. Sandaling nagtama ang aming paningin. Nagsilapitan na ang lahat ng aking mg aka-team. Huminga ako nang malalim. “Brent Teng? Nasaan ka? Lum

