CHAPTER 107 BREANA’S POINT OF VIEW “Yan! Yang babaeng iyan ang pretender! Yan ang naging Brent! Siya ang nagkuwaring Brent!” sigaw ni Anne mula sa likod ko. Lahat ng mga tao ay sa akin na nakatingin. Hindi pa pala ako nakalusot. Hindi pa pala tapos ang palabas ni Anne. Paano ko lulusutan ang kahihiyang ito? “Anne, please! Stop this nonsense!” sigaw ni Arwin na hindi ko namalayang nasa gitna na namin ni Anne. Nahawakan niya ang kamay ni Anne na dapat ay hahablot sa aking wig. “Nakakahiya ka na. Ipinahihiya mo ako at ang sarili mo.” “Bakit ako ang mahihiya? Hindi ba dapat ang mahiya ay ang mapagpanggap na babaeng ‘yan? Saka bakit ako ang inilalayo mo? Ako ang magiging asawa mo for God’s sake.” “Tama na! Inuubos mon a ang pasensiya ko!” mahina iyon ngunit dinig ko. Nakita ko kung gaan

