CHAPTER 103 ARWIN’S POINT OF VIEW Lumipas ang ilang araw na gano'n pa rin kabigat sa akin ang lahat. Madalas akong tuliro at wala sa sarili. Palapit na palapit na ang araw ng kasal namin ni Anne. Malapit na akong matali sa isang kasal na di ko alam kung saan ako dadalhin. Kasal na siyang tuluyang sasakal sa akin. Nakikita ko ang saya ng aking mga magulang na siyang tumutulong kay Anne na asikasuhin ang espesyal na araw na iyon. Para sa kanila, espesyal na araw ng aming pag-iisang dibdib ngunit para sa akin iyon ang araw na sadya kong dinidibdib ang sakit. Noon ko lang nakita sina Papa at Mama na proud sa akin at masaya. Nasabihan na yata lahat nila ang aming mga kamag-anak at kaibigan. Para akong sunud-sunuran sa kung ano lang ang sa tingin nila ang nakabubuti. Kung ano ang gusto ni Anne

