CHAPTER 102 ARWIN’S POINT OF VIEW Cellphone? Tama! Ang luma kong cellphone. Sinikap kong buhayin pero dead na ang baterya kaya naman nagmamadali akong lumabas ng kuwarto at tahimik na kinuha ang charger. Muli akong bumalik at pasalampak akong umupo sa tabi ng outlet. Matiyagang naghintay na muling umilaw ang cellphone. Nang nagkailaw at nabuksan ko ay nanghihingi ng password. Nakatatlong subok ako sa mga numerong mahalaga sa akin bago tuluyang nabuksan. At nang buksan ko ang photos ko ay nakita ko ang mga makukulit na litrato namin ni Breana. Nasapo ko ang aking ulo at maluha-luha ngunit may sumisilay na mapait na ngiti sa aking mga labi. Hindi na mauulit ang lahat ng ito. Isang nakaraan na nakulong na lang sa alaala at sa mga litrato. Binuksan ko na din ang video at may isang video doo

