PANGARAP

1294 Words
CHAPTER 5  ARWIN'S POINT OF VIEW "May group project po kami. Tinapos lang ho namin kasi submission na bukas," nanginginig kong sagot. Hindi ako sanay magsinungaling pero kailangan dahil sa pagmamahal ko sa basketball. "Akin ngang bag mo?" Tumayo si Papa, nakatitig siya sa akin habang palapit nang palapit. "Bakit ho?" kinabahan na ako. "Basta, akin na ang bag mo!" Hinablot niya iyon sa balikat ko. Wala akong nagawa nang buksan niya iyon at inilabas niya ang uniform na gagamitin ko dapat sa paglalaro namin sa Division Level. Kasunod iyon ng pagkalaglag din ng waiver kong ako na mismo ang pumirma. Ginaya ko lang ang lagda ni Papa. “Ano ‘to?” “Pa….” nanginig na ako. “Ano ‘to? Sasagot ka o ipakakain ko sa’yo ang papel na ‘to.” “Waiver ho.” “Oh may pirma na pala e. Sinong pumirma?” Hindi na naman ako nakasagot. Parang natutuyo ang aking lalamunan. “Sinong pumirma!” dumagundong na ang boses ni Papa. Lumabas pa si Mama sa kusina na noon ay nagluluto. “Sasagot ka o hindi!” “Ako ho.” Lalong nanginig ito sa galit. "Hindi mo ba alam kung anong maging kapalit ng ginagawa mong ito, Arwin? Buhay mo at kinabukasan ng pamilyang ito!" singhal niya sa akin. Pinili kong tumahimik na muna. Ayaw ni Papa na sumasagot-sagot kapag nagsasalita pa siya. "Wala kang kinabukasan diyan sa paglalaro mo ng basketball kaya itigil mo ‘yan! Bukod pa sa mapapahamak ka lang, walang magandang ibbibigay ‘yan sa buhay mo. Pinapag-aral ka hindi ba? Bakit hindi iyon ang tutukan mo?” Hindi pa rin ako sumagot. Nakayuko lang ako. Nanginginig. “Andaming naglalaro ng basketball sa buong Pilipinas kahit nga sa mga kalye lang nagkalat. Sa tingin mo ba isa ka sa iilang maging matagumpay sa larangang iyan bukod sa hindi nga puwede sa kalagayan mo? Paano kung isa ka lang sa walang marating at ang kapalit ay ang buhay mo? Pinapapasok ka namin sa school para mag-aral at hindi para ipahamak ang buhay mo sa walang kuwentang paglalaro ng basketball!" kasunod ng pagkasabi ni Papa doon ay ang pagkuha niya sa uniform ko at dinala iyon sa labas. "Pa, saan mo dadalhin yang uniform ko!" Kinutuban na ako ng hindi maganda. "My family, my house, my rule!" Makapangyarihan niyang sagot. Pagkatapos niyang buhusan ng gaas ang uniform ko ay sinindihan na iyon ni Papa.   Kasabay ng paglagablab ng apoy na lumamon sa uniform ko ang pag-init ng aking mga mata. Ngunit hindi ako iiyak, hindi ako luluha. Karuwagan para sa akin ang pag-iyak ng isang lalaki. Kabaklaan ang pagluha. Habang pinagmamasdan ko ang paglamon ng apoy sa aking uniform ay ang parang pagtupok ni Papa sa natatangi kong pangarap. Sa pagsira niya sa natatangi kong gustong gawin. Ang pagsupil niya sa totoong buhay para sa akin. "Habang nasa poder pa kita, habang ako pa ang nagpapalamon sa'yo, wala kang ibang dapat gawin kundi ang sumunod sa kung ano lang ang gusto ko! Sa ngayon, pag-aaral ang pinagagawa ko, pag-aaral lang ang atupagin mo! Nagkakaintindihan ba tayo?" “Opo,” mahina ngunit may katapangan kong sagot. Naikintal sa isip ko ang sinabi niyang habang nasa poder niya ako. Nakasilip ako ng pag-asa. Hindi ako yumuko. Nakatitig lang ako sa kaniyang mga mata. Gusto kong makita niya sa akin na ipaglalaban ko ang gusto ko. Hindi ako patitinag. Ipamumukha ko sa kanyang may mararating ako sa mundong gusto kong tahakin. Darating ang araw na ipagmamalaki niya ako. Na hindi siya dapat makulong lang sa takot! "Kung ipagpapatuloy mo ang paglalaro mo," pagpapatuloy niya, "tumigil ka na rin lang sa pag-aaral mo. Mas gugustuhin ko pang ikulong ka sa kuwarto mo kaysa pababayaan kong mapahamak ang buhay mo!" singhal ni Papa sa akin. Nanginginig ako. Hindi sa takot sa kaniya kundi sa namumuong galit sa dibdib ko. Gusto kong manapak. Gusto kong ilabas yung galit sa dibdib ko. Ayaw ko nang manatili lang sa bahay. Pinagdaanan ko na iyon nang matagal. Hindi ako papayag. Hindi kailanman magiging kwadrado lang ang buhay ko. Hindi ako mamuhay ng walang kalayaan. "Tumigil ka sa pag-aaral o tumigil ka sa paglalaro?" Hindi ako sumagot. Kabastusan man pero tinalikuran ko si Papa. Pagod na akong susunod-sunod lang sa kung ano ang gusto niya. Nakasalubong ko si Mama nang papasok na ako sa kuwarto ko ngunit hindi ko siya pinansin. Alam ko namang magkakampi lang sina ni Papa. Wala akong malapitan, walang nagtatanong sa kung ano nga ba ang gusto ko. Kung ano lang ang gusto nila, iyon ang dapat kong sundin. May mga sinasabi siya ngunit hindi ko inintindi. Malakas kong isinara ang pinto ng aking kuwarto kasunod ng pagsuntok-suntok ko sa aking mga unan hanggang sa mapagod. Kung hindi lang sana dahil sa aksidenteng iyon, siguradong hindi ako dumadaan sa ganito ngayon. Malaya ko sanang magawa ang kinahiligan kong sport. Doon nagsimula ang matinding galit ko kay Brent. Ang batang hindi marunong mag-ingat. Sinunod ko muna ang kagustuhan ni Papa hindi dahil sa gusto ko kundi dahil wala na rin muna akong magagawa pa. Pinuntahan nila ang school ko at sinabi nila ang sitwasyon ko. Tinanggal nila ako sa team. Ang masaklap, wala na ring gustong makipaglaro pa sa akin. Natatakot sila sa banta ni Papa na kung may magyari sa akin, sagutin ng school at nang kahit sinong student na makakalaro ko. Mag-isa akong naglalaro. Para akong tanga na nagdi-dribble at nagsu-shoot ng bola. Ngunit habang ginagawa ko iyon ay nangangarap akong maraming sumisigaw sa pangalan ko. Magiging Philippine Basketball Guild Player ako. Magiging MVP ng ilang beses. Yung malagpasan kahit pa si Alvin Patrimonio. Balang araw, magiging matagumpay ako. Ang sabi ni Papa, habang nasa poder niya ako, siya ang masusunod. Kung aalis ako sa poder niya, masosolo ko na ang buhay ko. Makakapagdesisyon na ako ng sarili ko. Gagawin ko ang lahat ng gusto ko. Patatakbuhin ko ang buhay ko sa paraang nais ko. Ayaw kong mabuhay sa takot. Gusto kong kung mamatay man ako, nagawa ko ang mga bagay na nagpapasaya sa akin. Anong silbi ng mahabang buhay kung igugol ko lang ito sa mga bagay na gusto ng iba at hindi ako? Buhay na mahaba na puno ng takot. Nagbalak akong kapag nagtapos ako ng High School ay tatakas ako sa poder ni Papa. Luluwas ako papuntang Manila. Maglalaro ako sa mga kilalang Unibersidad na maaring may makapansin sa galing ko sa paglalaro. Ang tanging problema ko lang noon ay perang magagamit sa pagluwas. Buo ang tapang at determinasyon ko. Lalaki ako. Astig! Hindi kailanman puwedeng matakot. Siguradong hindi ako bibigyan ni Mama ng pera. Malayong pagbibigyan ako ni Papa sa hiling kong sa Maynila ako magkokolehiyo. Alam kong gusto niyang doon lang ako sa GenSan magpapatuloy ng pag-aaral. Doon ay kaya niya akong hawakan. Puwede niyang patakbuhin ang buhay ko sa paraang gusto niya dahil nga nasa poder pa rin niya ako at siya pa rin ang magpapalamon sa akin. Hindi mangyayari iyon. Hindi ako papayag. Mayabang na kung mayabang pero nakikita ko ang pangkahalatan ko sa salamin. Marunong akong tumingin ng kaaya-aya at hindi kaya malakas ang loob kong sabihing maganda akong lalaki. Kaya ko rin nasabi iyon dahil lapitin din ako ng mga babae at bakla. May angkin akong astig na kaguwapuhan at tangkad, ganda ng katawang dala ng paglalaro at hindi banat sa gym, alam kong kaya ko muna iyong gamitin bilang baitang sa pagkamit ng tagumpay. Tama, gagamitin ko ang kagupuhan ko at kagandahan ng katawan para umangat. Bahala na. Ang importante ay maging ako yung gusto kong ako. Marami naman napapabalitang ginagamit ang katawan at sumikat. Iyon ang tanging daan para sa aking pangarap. Wala sa akin ang makapipigil. My life! My Dream! My Rules!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD