Capitulo Veinte Tres

1682 Words

      “Mama, Papa, pagkasundo ninyo sa’kin saan po tayo pupunta?” Tanong ko sa kanila habang binabaybay ng kotse namin ang lang kilometrong daan patungo sa eskwelahan kung saan kami sasakay ng mga bus papunta sa retreat house sa Baguio. Grade six na at matatapos na ang school year namin. Parte ng taong iyon ang pagkakaroon ng retreat ng mga estudyanteng magtatapos ng middle school para tumuntong sa high school.   “Mamamasyal na rin tayo para hindi sayang ang biyahe natin. Saan mo gusto magpunta, Lina?” tanong ni Papa sa’kin. Kung close kami ng aking Mama ay pinakamalapit naman ako kay Papa. Tuwing gabi bago matulog ay walang palya si Papa na pinupuntahan ako sa silid at kinukumusta ang araw ko. Alam niya lahat ng nangyayari sa ‘kin at mas nasasabi ko sa kanya lahat ng aking saloobin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD