DAHIL magkasama ang mga babae at nakahiwalay ang mga lalaki, magkasama kami ni Rina sa isang kwarto. Sampu ang double deck na kama kung saan kailangang mag-share ang mga estudyante sa silid kung saan kami itinuro para ilagay ang aming mga gamit. Bago ang building kung saan kami naka-assign na magkwarto kaya’t hindi gaanong nakakatakot kumpara sa ibang grupo na mukhang luma na ang gusali. Kahit na tig-isa dapat kami ni Rina ng kama ay napagpasiyahan naming mag-share na lang muna. Alas-nueve ng umaga noong dumating kami ng Baguio at may hanggang alas-dose ng tanghali kaming free time bago muling magtipon tipon para sa pananghalian at pagtakapos noon ay mga activities na inihanda ng organizers. "Inaantok ka pa rin?" tanong ko kay Rina na nahiga na sa kama na naka-assign sa amin. Imbis na mag

