PAGBALIK namin ni Serge sa mga silid namin ay tulog pa rin si Rina. Nahiga ako sa tabi niya at hinintay na mag-alas onse y media bago siya gisingin. Maliligo pa kami at magpapalit ng damit bago magpunta sa pananghalian na gaganapin sa malaking bulwagan sa main bulding ng Retreat House. Habang hinihintay ko siyang magising ay naisip ko ang sinabi ni Serge sa akin na tagpong nakita niya. Ano kaya ang dahilan kung bakit nakikiapid ang mga asawa? Ano ang rason kung bakit nagtataksil ang mga tao? Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko malalaman ang dahilan dahil hindi ako papasok sa ganoong klaseng sitwasyon. "Lina? Hindi ka natulog?" tanong ni Rina. Bumangon ito at nag-inat. Mabuti na lamang at hindi ko na siya kailangang gisingin dahil kung mahirap akong gisingin ay mas mahirap gawin iyon

