MARAMI pa kaming mga ginawang activities sa hapon na iyon pero pinakanagtagal kami sa Sharing Circle. May mga kaklase pa kaming umiyak dahil sa pagninilay-nilay sa mga sagot nila. Sa pwesto namin ay si Dan lang ang tinamaan ng husto sa isang katanungan. "Ano ang isang pangyayari na pinagsisisihan mo at gusto mong balikan at gawin ang lahat para baguhin?" Kahit siya ang namili ng tanong ay ilang minuto rin siyang nag-isip ng isasagot. "When my parents got separated. Gusto ko balikan kung may pang-time travel ako. Gusto ko bumalik sa panahon na masaya silang dalawa at masaya kaming tatlo. Gusto ko balikan ang time na laging busy sa trabaho si Mama kaya't naiiwan kami ni Papa sa bahay. Gusto ko sana pilitin si Papa na sunduin si Mama sa opisina. Gusto ko balikan ang pagkakataon na iyon pa

