Capitulo Veinte Siete

1028 Words

PAKIRAMDAM ko, ang anim na oras na biyahe simula sa Baguio pabalik ng Maynila ay isang buong maghapon. Hindi ko magawang pumikit o matulog dahil sa tuwing pipikit ako ay naiimagine ko ang mukha ng aking Papa. Isang mukha na hindi ko na makikitang nakangiti o nakadilat pa kailan man. Nagpapasalamat ako na kasama ko sina Serge at Rina at hindi nila binitiwan ang aking kamay. Kahit papaano ay naramdaman ko na normal ang buhay ko dahil narito sila sa tabi ko. Kahit kumain ay hindi ko magawa. Nag-stop over kami sandali noong makababa kami ng Baguio at may madaanang fast food chain. Bumili kami ng makakain ngunit hindi ko malunok ang pagkain. Pakiramdam ko ay isusuka ko lang ito kaya't hindi na nila ako pinilit. "Sabi ng Mama mo, sa bahay na raw tayo dumiretso dahil baka wala na sila sa ospit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD