SA bawat paglapit ko sa kabaong ng aking ama ay tumitindi ang kagustuhan kong makita at sisihin ang taong gumawa nito sa kanya. Sa bawat pagkakataong nakikita kong umiiyak si Mama ay mas lalo kong nararamdaman ang sakit. Matapos ang pagiyak namin noong araw na dumating ako sa bahay, hindi na 'ko lumuha pang muli. Pinilit kong palitan ng galit ang sakit. Pagkagalit sa nangyari at sa hindi ko pagkakaroon ng pagkakataon na makapagpaalam ng personal kay Papa. Hindi ko matanggap na hindi ako sinabihan kaagad noong nangyari ang aksidente. Binilang ko ang oras ng aksidente, pagtawag ni Mama sa Retreat House at ang pagkapatid ng hininga ni Papa at kung susuriin ay aabot pa sana ako kung nasabihan ako kaagad at nakababa ng Baguio para puntahan siya. Pakiramdam ko noon ay pinagkaisahan ako maging ng

