LUMIPAS ang mga araw mula nang maihatid si Papa sa huli niyang hantungan. Dahil sa nangyari ay napabayaan ni Mama ang negosyong pinaghirapan nilang palaguin ni Papa. Dalawang buwang nagkulong si Mama sa kwarto nila at tanging kami lang ni Yaya Marta ang pinapayagan niyang pumasok doon. Natapos ang graduation ng Grade 6 na iisang magulang lang ang kasama ko. Dahil bakasyon noon, mas pinili kong manatili sa bahay nila Rina at Serge. "Yaya, punta po muna ko kina Rina," pagpaalam ko kay Yaya nang bumaba siya sa Dining Room matapos niyang hatidan ng pagkain si Mama na hindi naman nito kinakain. Tuwing gabi lang siya kumakain kung kailan ko siya mapilit. "Dito ka muna ngayon, Lina. Pupunta ang abogado ng Papa mo. Kailangan ka ng Mama mo." Napabuntonghininga ako at tumango. Nanatili lang ak

