PAUWI ako galing sa school. Second year high school at katutuntong ko lang ng trese anyos nang maranasan kong mawalay sa piling ni Mama at ng aking mga kaibigan. Wala noon sina Rina at Serge dahil may pinuntahan silang kasalan ng Tiyahin nila sa America noong panahong iyon. Naghihintay ako ng sundo noon sa waiting shed ng school. May humintong itim na van sa tapat ng shed at nang bumukas ito ay dalawang armadong lalaking nakatakip ang mukha ng itim na stockings ang tumambad sa akin. "Sino kayo?" Patakbo na ako nang hilahin ako ng dalawang lalaki at sapilitang isinakay sa van. Kahit magpumiglas ako ay hindi ako nakaalpas, "Bitiwan ninyo ako! Tulong! Tulungan n'yo ko!" sigaw ko kahit hindi ko alam kung may nakarinig. Naiwan ang bag kong dala sa waiting shed. Hindi ko rin sigurado kung naki

