LUMAPIT sa akin si Redentor. Noon ko napansin na parang ang laki ng itinanda niya. Kahit isang taon ang nakalipas pa lang ng huli ko siyang makita noong reading ng sentensiya niya. Sa suot niyang puting t-shirt at itim na pantalon at itim na rubber shoes na mukhang natuyuan ng putik, ibang-iba ang itsura niya sa mayaman at mayabang na taong una kong nakita noon sa korte. "Kung nakipag-areglo na lang ang Mama mo, hindi sana masisira ang buhay ko!" Napalitan ng poot ang kaninang nakangisi niyang mukha. "Buhay namin ang nasira nang mawala si Papa!" Hindi naman ako nagpatalo. Masakit sabihin ngunit hindi na naging normal ang buhay namin ni Mama noong nawala ang aming padre de pamilya. "Maayos ang buhay ninyo. Magkasama kayo ng nanay mo. Nag-aaral ka, maayos na ang negosyo ninyo, pero ako

