NANG bumalik sa dilaw na silid ang lalaking nakatakip ang mukha ay may dala itong supot ng pagkain. Nakahinga ako ng maluwag nang nakitang isang fast food brand ito at kumpleto pa na may soft drinks. "Ikaw lang ang kilala kong nangidnap na may pa-chicken joy pa." Tiningnan ng masama ni Redentor ang lalaki at umiling na lang ito. Inilapag niya sa kama ang dalang pagkain at saka lumabas na ng silid. Nang humarap muli si Redentor sa akin ay seryoso ang mukha niyang sinabi, "Huwag ka nang magtangkang tumakas. Mapapagod ka lang. May banyo dito sa silid na 'to. Wala kang kailangang gawin sa labas. Hindi ka rin naman makakaalis dahil walang ibang sasakyang nakakapasok dito." Tumingin lang ako sa kanya at sinikap na walang ekspresyong mukha ang makita niya. Kailangang mong maging matapang, A

