PAGMULAT ng mata ko ay nakita ko ang isang taong hindi ko inaasahang makita roon. Napansin kong nakakunot ang noo niya at nakatitig sa akin. Sigurado akong namukhaan niya kung sino ako. Agad akong sumenyas sa kanya. Naningkit ang aking mata at umiling sabay tingin kay Redentor na kasalukuyang nakatingin sa may lamesa doon sa klinika. Lumapit ang lalaking teen ager na kaedad ko sa lamesa at kumuha ng clipboard na mayroong form. Kumuha din siya ng bolpen mula sa basong puno ng panulat sa may sulok ng lamesa sa tabi ng telepono. “Paki-fill up na lang po ito, Sir. Heto po ang ballpen,” sabi nito nang iabot ang clipboard at bolpen kay Redentor. Ang lolo naman ng lalaki ay lumabas ng silid at naiwan kaming tatlo roon. Nagsalita muna ang doktor bago tuluyang lumabas ng silid. “May titingnan l

