MAGKAKASABAY kaming nagtungo sa istasyon ng Pulis sa kabayanan ng probinsiyang iyon. Napagtanto ko na napakahaba ng tinakbo ni Arturo dahil isang oras din ang biyahe namin habang nakasakay sa mala-multi cab na sasakyan ng mga pulis. Kung tatantyahin ay mahigit dalawang oras hanggang tatlong oras siyang tumakbo at naglakad para marating ang mga pulis. Layo-layo din ang mga bahay at mukhang napagpasiyahan niyang dumiretso na lang kaysa humingi pa ng tulong sa ibang tao. “Ang layo ng itinakbo mo. Ayos lang ba ang paa mo?” bulong ko sa kaniya nang makababa na kami sa tapat ng istasyon ng mga pulis at naglalakad na papasok doon. “’Wag kang mag-alala, ayos lang ang paa ko. Sanay din naman akong tumakbo dahil nag-jojogging ako tuwing umaga.” Napailing ako at ngumiti. Kaya siguro

