KABANATA 16

3594 Words
Sa isang tago na gubat kami muling nagtatago. Sobra na ang sama ng loob ko kay Jace ng sa pagkagising ko ay naalala ko ang ginawa nya. Hindi ko akalain na mas magtitiwala sya sa babaeng iyon kesa sa akin. Umiiyak ako habang narito sa loob ng isang tent. Napatingin ako kay Tiago na gumapang palapit sa akin at inaabot ang mukha ko kaya naupo ako at kinandong sya paharap sa akin. "Pagod na pagod na ako sa ama mo, Anak. Nasasaktan ako dahil nagawa nya akong saktan at hindi nya ako pinagkatiwalaan." "Mama!" Humagikgik si Tiago habang binabatak ang damit na suot ko. Wala syang kaalam-alam sa paligid nya at nagpapasalamat ako doon. Kaya ayokong lumaki sya na ganito parin ang sitwasyon namin. Ayokong lumaki sya na malamang napakasiraulo ng ama nya. Napatingin ako ng bumukas ang harang na lona sa tent at napairap ako ng makita si Jace. Umiwas ako ng tingin at kay Tiago ako tumingin. Dinapa ko ito sa unan at hinaplos ang likod nito. "Are you hungry?" Hindi ko sya inimikan at mahinang tinapik ko ang pang-upo ni Tiago. Napahinga ng malalim si Jace at naupo sa kabilang gilid ni Tiago. "I'm sorry for hurting you.." aniya kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi ko kailangan ng sorry mo. Hindi ko akalain na kaya mo akong saktan! Dahil sa babaeng iyon ay nasaktan mo ako at mas pinaniwalaan mo sya!" Hindi ko mapigilan na samaan sya ng tingin at napaiyak ako habang nakatingin sa kanya. "Can you please calm down? Hindi mo ako masisisi kung mas naniwala ako kay Orfina dahil palagi kang tumatakas at nalaman ko pa na katawagan mo pala si Dad." "Oh, bakit may hawak ba akong cellphone sa tingin mo, ha? Sumagot ka! Di ba nasa iyo ang cellphone ko!" Hinampas ko sya sa sobrang galit ko. "s**t! Honey, stop! Okay, stop it!" Pinigil nya ako sa kamay at napahinga sya ng malalim habang nakatingin sa akin. Inagaw ko ang kamay ko sa kanya. "Tandaan mo ito, Jace. Oras na may mangyari kay Tiago dahil sa paniniwala mo sa mga tauhan mong hindi mapagkakatiwalaan, hinding-hindi kita tiyak na mapapatawad." Tinahiya ko si Tiago ng higa at nahiga din ako sa tabi nito bago kunin ang kumot para mag kumot kami mag-ina. Banas na tumayo si Jace at lumabas ng tent. Napapikit ako habang pumapatak ang luha ko. Dumilat ako at tumingin ako sa bubong ng tent at hindi ko akalain na dito kami mauuwi mag-ina. Na-miss ko na ang dating buhay ko. Sila Inay at tiya. Maging ang mga kaibigan ko at pati sila Nana. Dati ay pangarap ko lang magkaanak at ayos na ako doon. Hindi ko naman akalain na may lalakeng magkakagusto sa akin at mismong ama pa ng anak ko. Pero hindi ko naman pinangarap na isang baliw na lalake ang mababaliw sa akin. Pero handa ko naman na tanggapin ang lahat kung hindi nya ako sasaktan. Hindi sya mananakit ng ibang tao. Na puro saya lang sana. Mahal na mahal ko sya. At kaya siguro hindi ko rin masabi sa kanya na mahal ko sya ay dahil siguro ganito nga na wala syang karapatan na marinig sa mismong bibig ko na sabihin iyon hangga't hindi sya nagbabago. Hindi ko mapatulog si Tiago dahil gusto pa ata ng laro ng anak ko. Binuhat ko sya at naisipan kong lumabas para magpahangin kami mag-ina at nakakarinig rin kasi ako ng katuwaan sa labas. Hindi ko akalain na napakabilis mag provide ng gamit ni Jace. May tent agad sa paggising ko. May aircon din kaya walang ano mang insektong maaaring makakagat sa aming mag-ina. Paglabas ko ay malalim na ang dilim. Ang liwanag na nagbibigay sa paligid na kinalalagyan namin ay galing sa kahoy na umaapoy na pinarikit para magbigay ng liwanag. Nasa paligid ang tauhan ni Jace at may mga tent rin na medyo malayo sa tent namin. Nag-iinuman sila. Ang kinainis ko ay ang makitang nagsasayaw si Orfina sa gitna ng mga lalake na napakalaswa at tuwang-tuwa naman ang mga lalakeng ito. Tumingin ako kay Jace na napatingin sa amin. Inirapan ko sya at muli kaming pumasok mag-ina sa tent. Pumikit ako at pinakalma ang sarili ko. Muli kong hiniga si Tiago at naupo ako habang napapakuyom ang kamay ko. Napatingin ako kay Tiago. "Ano ba naman, Anak. Matulog ka na, please.." Dumapa na naman kasi ito at tila walang balak na matulog. Habang lumalaki sya ay tila kumukulit. Binuhat ko ito at nahiga ako bago ko sya idapa sa akin. Napangiti naman ako ng ihiga nya ang ulo sa dibdib ko. Gusto lang naman pala na kayakap ako. Hinele ko sya habang mahinang tinatapik ko ang pang-upo nya. Napatingin ako sa pinto ng tent at umirap ako ng makita muli ang pagpasok ni Jace. "Don't be jealous. Orfina is not my type." paliwanag nya. Sus. Kunwari pa pero tulala nga sya habang nagsasayaw si Orfina sa harap nya. Nahiga sya sa tabi namin at humawak sya sa kamay ko na tumatapik sa pang-upo ni Tiago. "Honey, I'm sorry.. Please, forgive me." Hinawi ko ang kamay nya at hindi sya inimikan. Napahinga sya ng malalim at kinuha nya si Tiago sa akin. "Ano ba! Kita mong pinapatulog ko na, ginising mo pa!" Ngumisi sya at inupo nya si Tiago sa tiyan nya. "Don't worry ako na ang bahala na magpatulog rito sa makulit na ito. Matulog ka na ng mabawasan ang init ng ulo mo." Hinampas ko sya sa braso at tinalikuran sa sobrang inis ko sa kanya. Pero ang siraulo ay tumawa pa at kinausap si Tiago. Pinakinggan ko lang sila at kahit hindi pa nakakapagsalita ng ibang salita si Tiago ay maligalig ito tila nakikipaghuntahan kay Jace sa pamamagitan lamang ng paghuni nya. Napangiti ako at pumikit dahil sana ganyan nalang. Sana wag ng atakihin si Jace. At sana makita nya na hindi pagkakatiwalaan sila Orfina. Tinatak ko sa isip ko na kailangan kong malaman ang pinaplano nila Orfina. Kung hindi makita ni Jace na hindi pagkakatiwalaan ang mga tauhan nya ay ako ang gagawa ng paraan para makita iyon. Sandali lang ako nakaidlip dahil nakaramdam ako ng gutom. Bumangon ako ng dahan-dahan at napatingin kela Jace. Nakatulog na si Tiago sa ibabaw ni Jace habang yakap ito ni Jace. Napangiti ako at kinuha ang kumot bago ikumot sa kanila. Tumingin ako sa mukha ni Jace at marahan kong nilapat ang kamay ko sa mukha nya. Hinaplos ko ang mukha nya at gwapo sana sya kaso malakas lang talaga ang topak. Napailing ako at bumangon na. Marahan akong lumakad palapit sa pinakapinto ng tent. Wala ng gising pa sa mga tauhan ni Jace. Tila ang ilan ay nasa tent na nila at ang iba ay nakatulog sa labas na dapat sana ay magbabantay pero nakatulog naman sa kalasingan. Napahimas ako ng braso ko dahil umihip ang hangin. Lumapit ako sa kalderong nakasalang kanina sa nagbabagang kahoy. May kanin pa at nasa loob nito ang natirang ulam. Kinuha ko ang ulam at kumuha ako ng plastick plate at naglagay ako ng kanin. Binitbit ko ang mga ito para sana doon kumain sa loob ng tent. Pero napatigil ako ng makarinig ng nag-uusap. Napakuno't noo ako at marahang lumakad habang hinahanap kung nasaan ang boses na iyon. Sa malayong isang malaking puno ay nakita ko si Orfina na nakikipaglampungan kay Daniel. "Kailan ba natin liligpitin ang tatlo? Naiinip na ako." "Just wait and I need to wait the right time. Jace is so f*****g piece of cake. So don't worry.." "Just make sure, Daniel. Hindi na ako makapaghintay na makuha ang yaman ng Esteban na 'yon.. At tiyak akong matutuwa si King." Napahigpit ang hawak ko sa plato at mangkok sa narinig ko. Naghalikan ang dalawa kaya napaatras ako. Napasinghap ako ng may nagtakip ng bibig ko at hinatak ako palayo doon. Pumasok kami sa tent at tumingin ako kay Jace na syang humatak sa akin. "Narinig mo ba ang sinabi nila? Jace, nais nila tayong patayin. Hindi sila mapagkakatiwalaan." "I know." Napamaang ako. Napakuno't noo ako habang nakatingin sa kanya. "Alam mo?" "Shhh..." Lumakad sya palapit sa higaan namin at naupo. Nahiga muli sya sa tabi ni Tiago na hiniga nya pala pero mabuti't hindi nagising. "Alam mo, kelan pa?" Nilapag ko sa upuan ang plato na may kanin at mangkok na may ulam. Lumapit ako sa kanya at tinignan sya na pumikit bago ipatong ang isang braso nya sa noo nya. "Ngayon lang." nakita ko ang pagkuyom ng kamay nya at pagtagis ng bagang nya. "Kung gano'n ay bakit hindi pa tayo umalis. Tara na at baka mapahamak pa tayo kung hindi tayo aalis rito." Lumuhod ako para buhatin si Tiago kaso napatingin ako kay Jace na pinigil ako sa kamay. Napatingin ako sa kanya na nakahiga habang nakatingin sa akin. "No, we need to stay here. I need to know who's that King." Hinawi ko ang kamay nya. "Gusto mong manatili pa kami rito ng anak mo? Nababaliw ka na talaga. Hindi ako makakatagal rito kung alam ko na nasa panganib ang buhay natin. Bahala ka, basta aalis kami." "Tsk. Trust me, I can protect you and our son." "Wag ka ngang mayabang. Baka nga kasabwat din ang iba pang mga tauhan mo. Kaya mag-isa ka nalang." Ngumisi sya. "Well, kung sino man ang trumaydor sa akin, titiyakin kong hindi sila makakalabas rito ng buhay." Napahinga ako ng malalim at naupo ng maayos. "Jace, masama ang pumatay. Umalis na tayo rito at manghingi tayo ng tulong sa Dad mo." Umusog sya palapit sa akin at hinawi nya ang buhok ko sa kaliwa at inipit sa kaliwang tenga ko habang nakatingin sa akin. Pinatong nya ang braso nya sa tuhod nya. "Hindi ako hihingi ng tulong kay Dad. At walang masama kung inaalis ko sa mundo ang mga masasama at pangit sa paningin ko." Inirapan ko sya at bumangon ako para lumipat sa tabi ni Tiago. Inayos ko ito ng higa at nahiga ako sa tabi nito. Ang gutom ko kanina ay nawala dahil nawalan na ako ng gana.. Nahiga na rin si Jace at humarap sa amin. Tumingin ako sa kanya. "Kumain ka na at bukas ay kakailanganin mo ng lakas." Nagtaka naman ako. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" Medyo umangat sya at lumapit sa akin ang mukha nya. May binulong sya sa akin at kinabahan naman ako. "S-Sigurado kang gagawin natin i-iyon?" Ngumisi sya. "Yeah." Napalunok naman ako kaya natawa sya. "Sige na. Kumain ka na." Yumakap sya kay Tiago at pumikit. Napahinga ako ng malalim at inisip ang pinaplano nyang gagawin namin. Bumangon ako para kainin ang kinuha kong pagkain. Kung iyon lang ang paraan para naman maging ligtas kaming tatlo ay gagawin ko para makatulong kay Jace. - Bago pa man sumikat ang araw ay ginising na ako ni Jace para gawin ang pinaplano nya. Nilagay nya sa likod nya si Tiago habang nakapulupot sa puting kumot ito upang hindi mahulog at nakatali naman sa katawan ni Jace ang kumot. Tulog na tulog parin ito kahit na inilagay namin ito doon. Pero nagpapasalamat kami dahil walang ingay na mailalabas si Tiago na maaaring makabuking sa pinaplano naming gawin. Tumingin ako sa paligid habang kinakabit ni Jace ang bawat dulo ng lambat sa mga puno. Kinakabahan ako sa ginagawa namin. Kung gaano katapang si Jace ay ganun naman ako ka-nerbyos. "Matagal pa ba? Bilisan mo at baka magising na ang mga iyon." bulong ko. "Wait, I'm already done." Tinignan ko sya na naitali na lahat ng lambat. Sa hinukay nyang napakalalim na lupa ay tinakpan nya ito ng isang lambat at pagkatapos ay naglagay na sya ng mga tuyot na dahon. Nang hindi na halata ang lambat at hukay ay napapagpag ako ng kamay bago tumingin kay Jace na lumapit sa akin. "Let's go back." "Huh? Hindi pa ba tayo aalis?" "No. C'mon." Hinawakan nya ako sa kamay at hinila na. Mabilis kami bumalik sa lugar kung nasaan ang mga traydor nyang tauhan. Inalis nya ang pagkakatali ng kumot kaya marahang kinuha ko si Tiago. Inakay ako ni Jace na pumasok sa tent. Napahinga ako ng malalim at maingat na hiniga si Tiago. Nagising naman din ito kaya kinuha ko ang alcohol at naglagay ako sa kamay. Nang makapagpahid sa kamay ay tsaka ko muling binuhat si Tiago habang nakaupo ako sa kaninang hinihigaan namin at nilagay ko ang ulo nito sa bisig ko. "Morning, baby." bati ko. Nag-unat ito at humikab. Napangiti ako at hinalikan ito sa noo. "They are awake." Napatingin ako kay Jace na uminom ng tubig habang pinapakiramdaman ang labas. Napatingin kami sa aninong tumapat sa pinto ng tent. Dahil medyo hindi pa umaakyat ang liwanag ay nasisinagan parin ng kaunting buwan ang kinatatayuan ng tent. "Boss, nawawala ang bolt." Nagkatinginan kami ni Jace ng malamang si Daniel ito. Ngumisi si Jace at binuksan ang pinalonang pinto ng tent. Kinakabahan man ako ay binaba ko muna si Tiago. Kinuha ko ang nakita kong bag at sinilid doon ang lahat ng gamit ni Tiago. Maging ang ilang damit namin ni Jace. Nang ayos na ay muli kong binuhat si Tiago. Tumayo ako at binitbit ang bag. Lumapit kami sa gilid ng tent at pinakinggan ko ang pag-uusap sa labas. "Hindi nawawala ang bolt. Kundi tinago ko para makasiguradong walang makakakuha no'n habang narito tayo." dinig kong sabi ni Jace. "May I ask where you hide the bolt?" tanong ni Daniel. Sabi na. Interesado nga sila sa kayamanan ni Jace. "I'll tell you later. But make sure this is between of you and me, Daniel." "Sure, Boss." Binaba ko sa gilid ang bag at inayos ko ng kilik si Tiago at lumabas ako ng tent. Paglabas ko ay napatingin ako kela Jace. Napatingin ako kay Orfina na ngumisi sa akin. Hindi ko na ito pinansin at tumingin ako kay Jace na tumingin sa akin. Inakay nya si Daniel at masinsinan silang nag-usap tila sinasabi nya rito ang pinagtataguan kuno ng bolt. Pero ang totoo ay wala doon sa hinukay na lupa ang bolt. Hindi ko alam ang sinasabi nilang bolt pero hindi ko rin alam kung saan tinago ni Jace iyon. Napatingin ako kay Orfina na lumapit sa akin. Nakahalukipkip sya habang nakangisi sa akin. "How's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?" Ngumiti ako. "Syempre naman.. Ikaw, nakatulog ka ba? Tingin ko napuyat ka pa?" Natawa sya at pinaikot ang daliri sa dulo ng buhok nya. "Of course...sobra." ngumisi sya at medyo nilapit sa akin ang mukha, "Magdasal ka na at sulitin mo na ang mga araw na ito dahil baka mag iba ang araw mo." Ngumiti ako. "Okay, thanks." Kita ko ang inis sa ngisi nya kaya mas ngumiti pa ako bago lumapit kay Jace. "Nakakainis ang babaeng iyon." sabi ko. "Relax. Don't show them that you know something." Kinuha nya sa akin si Tiago at nilagay sa bisig nya. Inakay nya ako palapit sa kahoy na ginawang upuan. Dahil isa lang iyon ay naupo sya at inupo nya sa isang hita si Tiago at nahiya naman ako ng paupuin nya ako sa isang hita nya. "Get ready." bulong nya. Tumango ako. Nagising na rin ang ibang tauhan ni Jace. Nagsilabasan na sila sa kanilang Tent. May nagluto na rin ng pagkain namin. Napatingin ako sa isang tauhan nya na si Mario.. May dala itong pagkain. "Boss." "Honey, ikaw muna ang kumain." Lumunok ako at tumango. Kinuha ko ang plato at tumango ako kay Mario. Hindi ko alam kung dapat ko bang kainin ito. Umalis na ito kaya tumingin ako kay Jace. "We trust him." Nang sabihin nya iyon ay tumingin ako kela Orfina. Nakatingin si Orfina at Daniel sa amin habang nakangisi. Palihim na lumunok ako at kinuha ang kutsara. Tikim-tikim lang ang ginawa ko dahil baka mamaya ay may totoong lason ito. Nang mangangalahati na ako ay nabitawan ko ang plato at napahawak ako sa tiyan ko. Biglang nakaagaw ng atensyon ang nangyari. Tinayo ako ni Jace at pumikit ako. Naramdaman ko ang pagbuhat nya sa akin. Naramdaman ko ang mabilis na paglakad ni Jace. Medyo dumilat ako at tumingin sa kanya. Tumingin sya sa akin at ngumiti. Nang makalayo na kami ay huminto sya at binaba ako. "Si Tiago." Agad kong hinanap ang anak namin at nakita ko na buhat ito ni Mario. Agad kong kinuha ang anak ko rito at tinignan ito na kay Jace na tumingin. "We need to go back. I think they will go there to find the bolt." Tumango ang Mario kaya napatingin ako kay Jace. "Honey, you may go first. Nasa dulo nitong gubat kung saan ay kalsada. Nakatago ang kotse ko doon. Susunod ako sa inyo oras na matapos ko ang mga traydor." "Pero.." Tinignan nya ako ng mabuti. Hinaplos nya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo maging si Tiago. "I need to do this. Dahil kapag binuhay ko pa ang mga iyan ay tiyak na gaganti sila." Kinakabahan ako pero tila desidido na sya. Tumango ako kaya binigay nya ang susi ng kotse. Tinignan ko muna sya bago ako tumalikod habang buhat ko si Tiago. Mabilis na lumakad ako pero lumingon pa ako. Nakatingin samin si Jace kaya nagpatuloy na ako. Nang makalayo na kaming mag-ina ay hinanap ko ang sinasabi nya. Lumakad ako ng lumakad habang mabuti kong buhat si Tiago. "M-Mama.." Tumingin ako rito. "Gutom ka na ba, Baby. Wait lang at kailangan lang natin makarating sa kotse na sinasabi ng ama mo." Malayo-layo ko ring tinahak ang direksyon ng daan at nakita ko rin sa wakas ang kotse. Agad na lumapit ako doon at pinindot ko ang un-lock ng kotse sa susi. Kusang tumaas ang pinto at nang tuluyang bumukas ay papasok na sana kaming mag-ina ng biglang dumagundong. Napamaang ako sa lakas ng dagundong at tila may sumabog na bomba. Bigla akong kinabahan para kay Jace. Hindi ko alam kung sasakay ba ako ng kotse para hintayin ito dito o babalik doon para makasigurado sa kaligtasan nya. Nabigla ako ng may humablot ng buhok ko. Napalingon ako at nakita ko si Orfina. "Hay*p kang babae ka! Papatayin kita para makaganti sa ginawa ng hay*p na Esteban na 'yon!" Nagpumiglas ako. Biglang umiyak si Tiago kaya mahigpit ko itong niyakap. Agad na inapakan ko ng malakas ang paa ni Orfina kaya lumuwag ang hawak nya sa buhok habang dumadaing sya. Sinipa ko mula sa likod ko ang hita nya at nang tuluyan nya akong nabitawan ay agad na tumakbo ako. Pero hindi pa ako nakakalayo ng mapahinto ako at mapaubo. Napapikit ako at nangilid ang luha ko. Tuluyang nanlambot ang katawan ko at ramdam ko ang pagbagsak naming mag-ina sa lupa. Kahit nanghihina ako ay siniguro ko na hindi masasaktan si Tiago. Dumilat ako at tinignan ang anak ko. Unti-unti akong pumikit at nawalan ng malay sa nangyaring pagbaril sa akin ni Orfina mula sa likod. - Sa isang purong puting paligid. Wala akong ibang makita kundi puti. Hindi ko alam kung nasaan ako. "Mama!" Napatingin ako sa batang nakahiga sa isang tela. Napangiti ako ng makita ko si Tiago. "Tiago anak!" Lumapit ako rito pero bakit parang hindi ko sya marating-rating. Panay ang tawag sa akin ng anak ko ng 'Mama' at naguguluhan ako dahil mas lalo syang lumalayo sa akin. Nataranta ako ng makitang may kumuha sa kanya. Bigla ay hindi ko maigalaw ang mga paa ko at napaiyak ako ng makitang palayo ng palayo na ang kumuha kay Tiago. "Anak! Tiago!" Napadilat ako at hingal na hingal. Tumingin ako sa paligid at purong puti na pader habang may dextrose sa gilid. "Honey." Napatingin ako sa kabilang side ko sa kaliwa at kita ko si Jace na may pag-aalalang tingin habang nakatingin sa akin. "Thanks god gising ka na. You are two days unconcious after the incidents." Napamaang ako sa sinabi nya. Naalala ko bigla ang anak ko. "Si Tiago? Ang anak natin nasaan?" Tinignan nya ako at hindi sya makapagsalita kaya kinabahan ako. "Jace, sagutin mo ako! Nasaan si Tiago?" "Honey, kinuha sya ni Orfina at inutusan ko na ang private investigador ko para hanapin ang babaeng iyon." Napaiyak ako at bumangon ako.. "Hahanapin ko si Tiago!" Pinigil ako ni Jace sa pagtanggal ng dextrose sa kamay ko. "Honey, kakagising mo lang. Hayaan mong ako ang maghanap." "Hindi! Hahanapin ko sya! Hindi ako matatahimik sa pag-aalala hangga't kasama sya ni Orfina!" "Hindi ka pa masyadong magaling. Please, hayaan mo na ako ang gumawa. Hindi ko kaya na pati ikaw ay mawala." Napatingin ako sa kanya. Napaiyak ako lalo kaya niyakap nya ako. Napahagulgol ako habang sobra-sobra akong nag-aalala para kay Tiago. Nakaramdam ako ng sakit sa likod ko kaya binitawan ako ni Jace. Inalalayan nya akong mahiga muli. Hinawakan ko ang kamay nya habang umiiyak na nakatingin sa kanya. "Please, ibalik mo agad ang anak natin." "Yes, I promise. I will do everything to find him." Hinalikan nya ako sa noo at pinunasan ang luha ko. Pero kahit punasan pa ng punasan ang luha ko ay ayaw tumigil sa pag-iyak ang mga mata ko habang patuloy na nag-iisip ang isip ko sa maaaring kinalalagyan ngayon ng anak namin. Baka gutom na iyon. Tiyak na hinahanap ako ni Tiago. Baka sinasaktan sya ni Orfina. Baka.. Ang daming baka na naiisip ko ay lalo akong hindi mapalagay. Jusko. Para na akong mababaliw sa kakaisip kay Tiago. Gusto kong bumangon na rito at hanapin mismo si Tiago pero ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. Inaasahan ko na sana mahanap agad ni Jace si Tiago. Dahil hindi ko kaya na matagalan ang paghahanap sa kanya at baka may mangyari na ritong masama. Hindi ko kakayanin iyon. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD