Chapter Twenty Seven

1879 Words
Diretsong pumasok si Dos sa vip room pagdating niya sa club na pag-aari ni Toby. Naalala niya ang bilin sa kanya ni Grant na sumunod siya roon. Noong una ay wala siyang balak na makipagkita sa mga kaibigan pero nagbago ang isip niya dahil pakiramdam niya ay kailangan niyang mag-unwind ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa pagbisita ng kanyang Ina o dahil sa balitang nakalabas na si Savannah sa bilangguan. But either way, he suddenly sensed a need of companion. Isa pa ay matagal na rin niyang hindi nakaka-bonding ang mga kaibigan. “Happy birthday, bro!” Napatigil si Dos sa muling pagsara nang pinto sa kanyang likuran nang biglang sumabog sa harapan niya ang mga confetti mula sa dalang party popper ni Jasper. He was grinning from ear to ear saka umakbay sa kanya. “Welcome back!” Pilit siyang ngumiti saka napailing na lang. Hanggang ngayon ay may pagkaisip-bata pa rin si Jasper. Inalis niya ang kamay nito na nakaakbay sa kanya saka tinanguan isa-isa ang mga kaibigan na lahat ay nakangiting bumati sa kanya. Umupo siya sa mahabang leather sofa kung saan nakaupo si Jax at tumabi rito. Si Grant ay sandaling lumingon sa kanya habang may kausap ito sa telepono. Habang si Toby naman ay tumayo at lumapit sa mga nakahilerang iba’t ibang klase ng alak sa mga glass cabinet nito. “Kanina ka pa namin hinihintay,” ani Jax na prenteng nakasandal sa sofa. “Akala namin ay hindi ka na naman darating. It’s been years, Dos. Buti hindi ka naligaw pagpunta rito,” pabirong dagdag nito. Nagkibit siya ng balikat. He looked at the surrounding. Wala naman halos nagbago sa lugar maliban sa mas maraming dumagdag sa mga wine and liquor collection ni Toby. Sinundan niya nang tingin si Jasper na tumayo at lumapit kay Toby pagkatapos ay kinuha ang bote ng alak na katabi ng alak na akmang kukunin na sana ni Toby. “This one. It’s Dos’ favorite, bro.” Ngumisi ito saka tinapik ang balikat ng kaibigan. Toby didn’t say anything and let Jasper took away the bottle of Dalmore 62 from his collection. It is one of his expensive collections of whisky na siyang paborito ni Dos. Sumunod si Toby kay Jasper at nakangiting umupo sa tapat niya. “Since birthday mo ngayon, you can have anything you want from my collection, bro and it’s on Jasper.” “What?!” gulat na nilingon ni Jasper si Toby saka napailing. “Tsk! Why do businessmen like you are so stingy?” Ngumisi si Toby habang naiiling naman binuksan ni Jax ang bote ng alak at isa-isang sinalinan ang baso na nasa tapat nila. Dos silently took the glass and gulped the whisky in one shot pagkatapos ay muli nitong sinalinan iyon ng alak. Habang ang tatlo niyang kaharap ay pinagmamasdan ang tila pagkauhaw niya sa alak nang ubusin na niya ang laman ng bote dahil sa sunod-sunod niyang pagtagay. “What are you all staring at?” sandaling niyang sinulyapan ang mga ito saka ngumisi. “Hindi ba’t pinapunta niyo ‘ko rito to celebrate my birthday?.. Come on, let’s drink!” Napatingin si Jax kay Grant na nakatayo sa may di-kalayuan sa kanila na kahit kasalukuyang may kausap sa telepono ay nakatuon naman ang paningin sa kanila. “Ayos ka lang ba, Dos?” tanong ni Jax bago sumimsim sa baso ng alak. Matamang niyang pinagmasdan ito saka ibinaba ang baso. “You look uneasy.” Sandaling niyang sinulyapan si Jax saka bahagyang ngumisi at umiling. He may have missed several occasions and lots of time together with them but they would never forget each other’s behavior. Ganoon na sila mula pa ng mga bata. They knew each other too well. Na kahit hindi magsalita ay alam nila kung may mali o problema ang isa’t isa. They may have had a lot of misunderstandings in the past and maybe they will still have a lot of it in the future but they can find a way to seek a justifiable reason to understand one’s flaws or faults. Tulad na lang ngayon, he knew very well what’s playing on their mind while some of them looking silently on him instead of asking him directly. He took a deep breath and make a toss, chuckling. “I’m exhausted with work, that’s why… And some personal matters that I don’t want to discuss on my birthday.” He lifted the glass and gulped another shot. “Well, Dos is right.” Sang-ayon ni Jasper na nakangising itinaas-taas ang kilay kay Toby na tila may ibang gustong ipakahulugan. “Then, let’s have fun tonight.” “Oh, bro, stop that. Alam ko ang iniisip mo.” Palag ni Toby. Kung mayroon man silang mas pinagkakasunduan ni Jasper, iyon ay ang mga kalokohan. Though, they look all professionals, the two of them still usually act impulsively and childishly which the rest of them don’t really trust their ideas. “Save that. I’ve prepared a better idea to celebrate Dos’ birthday. “And what’s that?” walang tiwalang tanong ni Jax. Ngumisi si Toby saka kinuha ang cellphone niya. Maya-maya ay kausap na nito ang pinsan nitong si Cheska sa kabilang linya. Ni-loudspeak niya iyon kaya’t narinig ng lahat kung ano ang selebrasyon na sinasabi nito. “Pool party? Are you kidding us?” natatawang tanong ni Jasper. “Bukod sa december ngayon, nag-invite ka pa ng mga bata.” “But they are not as young as like our niece or daughter at worst,” sabat ni Jax na kahit hindi pabor sa pool party idea ni Toby ay nakuha agad ang intensyon nito sa idea na iyon nang malaman kung sino ang mga inimbitahan nito. They were only at their late twenties, not too old for a nearly college student graduates na siyang mga nadagdag sa kaibigan ni Cheska na ngayon ay kasama nito. Pero hindi naman iyon ang iniiwasan ni Jasper kung hindi ang dati nitong best friend na business partner ngayon ni Cheska, si Ysla. He knew how Jasper has been hiding his true emotion behind his bubbly façade. There were a lot of things that happened in the past between the three of them. Ysla and Jasper are both important to him but he hurt them at the same time. At ang makita lang silang masaya ang makakaalis sa guilt na nararamdaman niya. “Whatever, out ako diyan!” matinding iling nito. “You don’t want it too, right, Dos?” “It’s fine with me,” sang-ayon ni Dos na ikinagulat nila. Toby has been contemplating how he could persuade Dos to come out and have fun with some of their acquaintances but he didn’t expect that he will agree without question. For all he could remember, Dos has secluded himself and became colder ever since Savannah has been convicted. And the party he had prepared was one of his ways of letting Dos breathe and make him free from locking himself from the unfortunate past they had. And that idea also goes for Jasper. He grinned and was about to stand up and leave when Grant stopped them. “Hold on. I’ve got something to tell you,” ani Grant na nakatingin kay Dos. Napakunot ang noo ni Dos nang lingunin si Grant na tila seryosong seryoso ang mukha. Kanina pa niya gustong itanong sa mga kaibigan kung sino ang kausap nito dahil pakiramdam niya ay konektado siya sa pinag-uusapan nito at nang kung sinuman kausap nito sa telepono. But he must be overthinking things and was not used to poke his nose into other’s business just like Grant. Pero ngayon na sinasabi nito na may gusto itong sabihin sa kanya ay sigurado siya na may kinalaman ito sa kausap nito sa telepono. At may kutob siya kung anuman iyon. “What is it?” “It’s Savannah…” Toby and Jasper gasped when they heard her name. Alam nila kung ano ang hindi magandang ending ng dalawa at naging epekto nito kay Dos. They all agreed not to mention their past especially anything connected with Savannah. Among them all, si Grant ang mas istrikto sa kasunduan na iyon pero heto ngayon at ito pa mismo ang nagbanggit sa pangalan nito. Bahagyang tumango si Dos saka nagkibit ng balikat na tila hindi interesado sa narinig. “What? Don’t you want to know—” “I think I knew it,” bale walang sagot nito saka muling naupo at muling lumagok ng alak. “Nakalaya na si Savannah. Is that what you want to say?” Matamang pinagmasdan ni Grant si Dos. He once again tried to read his mind. Kung totoo ang sinabi nito kanina nang mag-usap sila sa opisina nito ay wala na siyang dapat ipag-alala. He only want to test his friend about his feeling towards his ex-fiancèe. He only want for both of them to move on and let go of their past para na rin sa ikatatahimik ng isa’t isa. Dahil iyon lang ang paraan para lubayan na si Savannah ni Marietta. Since Dos was very calm and collected, Grant was partially convinced that he really doesn’t care about Savannah, that’s why he doesn’t want to pursue the matter. Tumango siya kay Jax nang masalubong niya ang nagtatanong nitong mga mata to confirm what Dos had said, maging kina Jasper at Toby na biglang mga naging seryoso ang mukha. Unang nakabawi sa pagkabigla sa balita si Toby na biglang tumayo at tumawa. “Since, we’re complete and all done here, let’s go to my house and celebrate with the girls,” anito na hindi na hinintay ang sagot ng mga kaibigan. “Sayang ang foods, ang dami ko pa naman ipinahanda.” Isa-isa niyang pinalabas ang mga ito na hindi na nagawang tumutol. Pagdating sa ground floor ay sumalubong sa kanila ang maingay at maharot na musika sa dance floor. Nanguna sa paglalakad si Toby na agad na nilapatan ang ilan sa mga staff niya. Pagkatapos magbilin sa mga tauhan ay nilingon niya ang mga kaibigan nang mapansin na hindi pa lumalabas ang mga ito. He frowned when he saw them silently standing at the staircase and followed their gazes. Napaawang ang bibig niya nang makilala ang babaeng tinitingnan ng mga kaibagan. It was Savannah. Mula sa kinatatayuan ay kitang kita ni Dos kung paano lapitan ni Savannah ang isa sa mga business rivalry niya. Akala niya ay namamalikmata lang siya kaya’t binalewala iyon at nagpatuloy sa paglalakad pero napatigil siya nang marinig ang boses ni Jax. “Is it Savannah?” Muli siyang napatingin sa kinatatayuan ng dalaga at huling huli ng mga mata niya ang pagkabig ng lalaki sa baywang nito at ang malagkit na tingin nito habang tila gusto na nitong lunukin si Savannah habang may ibinubulong dito. Ikinuyom niya ang mga kamay at mariing pinaglapat ang mga labi. Savannah was wearing a red bodycon dress with heavy makeup. He averted his gaze and planned to ignore them but seeing how flirtatious she acted in front of other men makes it suffocating. Hindi na siya nag-isip at inilang hakbang ang pagitan nila. Savannah stopped from giggling nang bigla niyang binigwasan ang kalandian nito pagkatapos ay marahas niya itong kinaladkad palabas ng club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD