Chapter Twenty Eight

1819 Words
Savannah looked back and pretended to worry when she saw the two groups of men fighting with one another. She smirked and play along with Dos and pretended to break free from his tight grip while dragging her outside. Pagdating sa labas ay pabalya siyang binitawan ni Dos. “Ouch! Ang sakit no’n ah!” nakangusong reklamo niya. Hinawakan niya ang namumulang braso na binitawan nito at bahagyang hinaplos iyon. “Is that your way of welcoming your ex-fiancée? Come on, Dos, two years—" He dangerously looked at her and cut her off, “What do you think you’re doing huh?” “Nagta-trabaho, ano pa?” sarkastikong sagot niya. Nangunot ang noo nito na tila naguluhan sa narinig. “Trabaho? What kind of job?” “Ano sa tingin mo?” naghahamon na tanong niya habang naglalaro ang pilyang ngiti sa labi niya. Mula sa makapal na make up sa mukha niya ay bumaba ang tingin nito sa pulang dress na suot niya na hapit na hapit sa katawan niya. Though, her body became a little bit skinny due to the hard work she needed to tend inside the prison, she maintained her sexy curve and alluring body. Lalong dumilim ang mukha nito at muling tumingin sa kanya. “Fvck! Just answer me!” Bago pa niya maibuka ang bibig ay tumunog ang cellphone niya. She gestured him to shut up saka mabilis na sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Nelsons,” malambing na bati niya sa tumawag. She bit her lower lip and slightly flipped her long wavy hair. “Oh, yes. I’m still here… Really? So, tuloy tayo?” Ngumiti siya nang matamis saka bahagyang kinagat ang dulo ng daliri niya. Bahagya pa siyang tumalikod pagkatapos sulyapan sandali si Dos saka hininaan ang boses. “No, it’s okay… You’re place na lang siguro? Ayoko sa hotel na ‘yon… Yes. Ok, I’ll wait your driver here.” “Hey, my phone!—” Hindi pa siya tapos magprotesta sa biglang pag-agaw sa cellphone niya nang muli siyang kaladkarin ni Dos at sapilitang ipinasok sa loob ng kotse. “Ano ba? Ibalik mo nga sa ‘kin ang cellphone ko. Hindi pa kami tapos mag-usap ng customer ko—” “Customer? And what are you selling, huh?” He glared at her with his bloodshot eyes while looking down at her dress. “Are you a stripper?” “Yes!” Napaawang ang bibig nito sa diretsahang niyang sagot. Pinagmasdan niya ito saka naiiling na tumawa. “What? Are you surprised? Ano pa ba ang aasahan mong magiging trabaho ng isang ex-convict na tulad ko, ha?” kaswal niyang tanong. “Now, give me back my phone dahil minsan lang ako magkaro’n ng big time client.” She silently cheered when she saw him clenching his jaw. Mukhang mapapadali ang misyon niya. Tumuwid ito ng upo saka tumingin sa harap ng sasakyan at pinaandar ang kotse. “Sandali! Bababa na ‘ko. Dito kami magkikita ng customer ko.” Hindi ito sumagot habang tuloy-tuloy na pinaandar ang kotse at nagmaneho. She pouted her lips habang tila kunwari’y nag-iisip pagkatapos ay nakangiting humarap sa binata. “Wait! Bakit parang nagagalit ka? “ she teased. “Nagseselos ka ba? O siguro hindi mo matanggap na ganito na ang dati mong nobya, ano? Sabagay, hindi naman kita masisisi. Kahit sinong makakita sa ‘kin ngayon, they all surprised to see me becomes a wh*re. Tsk! Ganito naman talaga ang buhay—" “Stop it , Savannah!” Napatigil siya nang bigla itong sumigaw kasabay nang mabilis na pagpreno at galit na humarap sa kanya. He was about to say something when her phone suddenly rang. Pareho silang napatingin doon at nagulat na lang siya nang ibinato nito ang cellphone niya sa labas ng bintana ng kotse saka mabilis na pinasibad ang kotse. They were fighting along the way hanggang sa kaladkarin siya ni Dos papasok sa isang hotel. Walang kahirap-hirap na ipinasok siya nito sa isang kwarto at itinulak sa kama. She was taken aback to see how angry he was. His bloodshot eyes focus on her while he was starting to take off his clothes. “You said it yourself that you are a w***e? Then, let’s see how good of a slut you are.” Pagkasabi noon ay pumaibabaw ito sa kanya at marahas na hinubad ang suot niyang dress. The room gradually filled with sensual moans. She doesn’t resist but instead, she deliberately expressed her pleasure na lalong nagpaliyab sa init ng kanilang katawan. Sa wakas ay tila napagod din si Dos pagkatapos nang ilang beses na pag-angkin nito sa kanya. Pabagsak nitong inihiga ang pagod na katawan pagkatapos ay tumagilid paharap sa kanya saka ipinulupot ang mga kamay nito sa tiyan niya. Hanggang ngayon ay naaamoy pa rin niya ang alak sa bibig nito. He must be drunk even before they met awhile ago. Iyon na siguro ang gawain nito habang nasa kulungan siya. Ang magpakasaya at magpakakasasa sa mga babae. Tahimik niyang pinagmasdan ito habang nakapikit ang mga mata. Akala niya ay napagod lang ito nang husto pero maya-maya ay narinig na niya ang pagkalma ng hininga nito. She smiled wryly habang masama ang tinging ipinukol sa binata. Whatever he does with his life has nothing to do with her. She was not here to rekindle her feelings towards him. She even felt disgusted by herself for doing this, in the first place. Kung hindi lang matindi ang dahilan niya sa paglapit dito ay gugustuhin pa niyang tumira sa kabilang panig ng mundo h’wag lang niyang makita pa ito. She glared at him once more and threw his hand that was hugging her waist. Then, she turned her back on him. What a scumbag?! Dos being disturbed from his slumber murmured something that she hardly understood. She kept her distance but soon tiredness consumed her. Hindi na niya namalayan na nakatulog na rin siya. Pagkalipas nang mahigit isang oras ay naalimpungatan siya nang maramdaman ang braso na humapit sa baywang niya. Bigla siyang napabangon. She thought she was still in prison that’s why she instantly kept her guard. Napakunot ang noo ni Dos at awtomatikong iminulat ang mga mata nang maramdaman ang tila paghagis sa braso niya. Unang bumungad sa paningin niya ang namumutlang mukha ni Savannah habang mahigpit na hawak ang nakatabing na kumot sa hubad nitong katawan. “What’s wrong?” Napalunok si Savannah at pilit na agad na ngumiti nang maalala kung bakit siya naroon at kasama ang dating nobyo. She must be careful to avoid suspicion. “Wala. Nanaginip lang ako. Akala ko nasa kulungan pa rin ako at ang katabi ko ay ‘yong lalaking mabantot na una kong naging customer.” Pagkasabi noon ay tumawa siya. Nahuli pa niya ang paggalaw ng panga ni Dos at pagdilim ng mukha nito. But she only tapped his face and said, “Pero ayos lang, madatong naman at isa pa, binigyan niya ako ng proteksyon sa kulungan kaya wala nang nam-bully sa akin doon.” Nakangiting itinaas taas pa niya ang kilay para kumbinsihin ito na isa na talaga siyang bayarang babae. Tiningnan niya ang oras sa relo ni Dos na nakapatong sa side table nang hindi ito sumagot. It was four in the morning. Tumayo siya at pinulot ang nagkalat na damit at mga underwear sa sahig. Dos silently watched her the whole time. Nang maayos ang sarili ay nakangiting nilingon niya ang binata at inilahad ang kamay. Nangunot ang noo nito na tila hindi maintindihan ang inakto niya. “Mr. Lacsamana, hindi libre ang serbisyo ko, ‘no? Inabot na nga tayo ng madaling araw, oh!” Mula sa mukha niya ay lumipat ang tingin nito sa nakalahad niyang kamay. “What did you say?” Tumayo siya at inayos ang bra sa harap nito. “Ano ba naman ‘yan? H’wag mong sabihin na porke’t ex kita eh inaasahan mo na libre ‘yong nangyari sa atin?” Bigla itong tumayo at napangiwi siya nang mahigpit nitong hinawakan ang braso niya. “What exactly your purpose is, Savannah?” She pretended to look puzzled and twitched her lip. “Purpose? Tsk! Hindi pala tayo nagkaintindihan, eh,” iiling-iling na sambit niya. “I work as a bed warmer for a living. Oh, ayan ha? Para naman hindi masyadong masakit sa tenga… Okay na ba ‘yon?” nakangising biro niya. “So, akin na ang bayad mo para makaalis na ako. Pinagod mo ‘ko nang sobra kaya dapat lang na lakihan mo ang tip, ha?” Matagal siyang tinitigan nito na tila hindi makapaniwala sa mga sinabi niya but he still got his checkbook and wrote a generous amount pagkatapos ay pinunit ang isang piraso ng tseke. Napatigil ito sandali bago iabot sa kanya ang hawak na tseke saka muling tumingin sa kanya. “Anong nangyari diyan?” turo nito sa tiyan niya. Napalunok siya nang maunawaan kung ano ang tinutukoy nito at sandaling nag-isip saka nagkibit ng balikat. Napahawak siya roon at agad na nakapa ang malaking peklat mula sa panganganak niya. “Wala ‘to. Something that is not worth your attention.” She faked a smile to hide her nervousness. She tried hard to conceal her emotion. Hindi pwedeng malaman ni Dos ang tungkol sa peklat na iyon. But he seems to make it difficult for her. Akmang tatalikod siya nang bigla siyang pinigilan ni Dos at mahigpit na pinisil ang braso niya dahilan para mapangiwi siya sa sakit. Sa tagal nang pinagsamahan nila noon, kahit kailan ay hindi ito naging marahas sa kanya. He’s always been gentle and considerate to her. Pero bakit nga ba nagtataka pa siya? However he treats her in the past was just all part of their plan. Planado ang lahat ng iyon para sa paghihiganti nilang mag-ina. Natural na halos ilagay siya nito sa pedestal. Pero ngayon na nagtagumpay na ang mga planong iyon ay tapos na rin ang pagpapanggap nito bilang mapagmahal na nobyo. She lifted her head and greeted his eyes with the same fierceness. “Ito ba?” Itinaas niya ang suot na dress. She intentionally touched her underwear and gradually moved her hand up to the scar. Pagkatapos ay ngumisi. Dos swallowed hard and refused to lower his eyes under the scar. Tila ibang babae ang nasa harapan niya ngayon at hindi ang dating konserbatibo niyang nobya. “Normal sa mga inmates ang magbenta ng kidney kesa mamatay sa gutom!.. Gets?” kaswal na sagot niya saka inagaw ang hawak nito. “Wow! Ang galante mo talaga!” palatak niya habang halos mapunit na ang labi sa lapad ng ngiti saka hinalikan ang hawak na tseke. “Ayos ‘to! Oh, pa’no aalis na ‘ko. Salamat.” Sinamantala niya ang pagkatulala nito na tila namatanda dahil sa kakaibang kilos at lumalabas sa bibig niya saka mabilis na nilisan ang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD