“Bibilhin ko na ‘to, Miss.”
Dinukot ni Savannah ang pera sa bulsa saka binayaran ang cellphone na napili niyang bilhin.
Kahapon lang ay nandito siya para bumili ng cellphone pero wala pang bente kwatro oras ay nandito na naman siya para bumili ulit nang panibago.
It's all thanks to Dos, she needed to buy a new one. Mabuti na lang at kabisado niya ang nag-iisang numero na naka-save sa cellphone niyang iyon.
Pagkatapos niyang magbayad ay dali-dali siyang lumabas ng shop bitbit ang biniling cellphone at agad na nag-dial doon.
Ilang ring palang ay narinig na niya ang pamilyar na boses mula sa kabilang linya.
“Hello? Who’s—”
“It’s me,” putol niya sa tanong nito.
“Sav? Is that you?” natutuwang tanong sa kabilang linya na may kasamang paniniyak sa tono ng boses nito.
“Yes,” maikling sagot niya.
“Thanks God. I was worried sick last night when I didn’t reach your phone. What happened? Are you okay? Were you fighting with someone when your call suddenly disconnected?” sunod-sunod na tanong nito. “And why were you calling Dr. Nelsons’ name?” Ang tinutukoy nito ay ang doctor ng anak niya.
Naalala niya na binanggit niya ang pangalan ng doctor nang tumawag ito kagabi bilang parte ng pagpapanggap niya.
Tumingin muna si Savannah sa paligid saka lumayo ng konti sa mga taong dumaraan sa harapan niya.
“I’m okay… Si Jewel? Kumusta ang anak ko?” balik tanong niya, ignoring her anxiousness.
Sabik na sabik na siyang makita ang anak niya pero dahil sa kalagayan nito ay hindi pa siya maaaring umalis para makasama ito.
She knew she needed to wait for at least one month.
“S-she’s fine… I always let her see your photo para maging pamilyar ka sa kanya. That way, it won’t be difficult for you to bond with her. Pero minsan ay tinatawag ka niya… Kelan mo ba balak umuwi na rito?”
Wala sa sariling napangiti siya. Ini-imagine pa lang niya na nasa bisig niya ang anak at malusog ito ay halos umapaw na ang puso niya sa saya.
She bit down her lower lip and suppressed the tears that about to fall down.
Lahat ay gagawin niya para sa anak niya. Nakahanda siyang magtiis para sa ikabubuti nito. Patunay doon ang ginawa niya kagabi.
And she could set aside her dignity and could even swallow her pride for her daughter’s sake.
Tulad na lang ngayon.
She had never imagined that one day, she would accept her fake mother’s help.
Nang mga panahon na nasa loob siya ng kulungan ay tanging si Lucille ang hindi sumuko sa kanya.
Even though, she deliberately showed her disgust and hated her to the core that she always pushed her away, Lucille never back down and didn’t leave her.
Ito ang sumuporta sa kanya sa lahat ng pangangailangan niya sa kulungan.
At first, she thought she was up for something and refused to forgive her.
Pero ipinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal ng isang Ina na ipinagkait nito sa kanya noon.
She never once neglected her lalo nang ipinagtapat niya rito ang pagbubuntis niya.
Lucille became a mother she had dreamed of, her whole life.
Pero sa kabila nang lahat ng iyon ay hindi pa rin niya magawang ibalik ang tiwala rito.
Maybe, she was too afraid to trust those people who never wanted anything but to hurt and use her.
At ayaw na niyang maramdaman iyon.
But the fact that she was the only one who was taking care of her daughter, she had no choice but to trust her and be grateful.
“T-thank you.”
It was the first time that her voice became warm towards her.
Sandaling tumahimik sa kabilang linya at gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Lucille.
Kahit dalawang salita lang iyon pero napakalaking bagay sa kanya para gumaan ang pakiramdam niya.
She knew Savannah hadn’t forgiven her yet. At naiintindihan niya iyon. She could wait when Savannah can fully accept her in their lives.
Napakalaki ng kasalanan niya rito lalo na sa totoo niyang anak na hinayaan niyang mamamatay sa pangangalaga ng pinagkatiwalaan niyang umampon dito.
Indeed, she can’t turn back time and bring back those people she had lost.
She must be the most vicious mother in the world and what she did is unforgivable.
Lalo na sa ginawa niya sa sarili niyang anak.
And sincerely helping Savannah out is only one of her ways to repent her sins. At nakahanda siyang gawin ang higit pa roon kung kinakailangan.
Dahil ang ginagawa niya ngayon ay walang halaga para sa kabayaran sa mga kasalanan niya.
She must be thankful for this opportunity to be of help to Savannah.
Kaya ang pasasalamat nito ay hindi karapat dapat na ibigay sa kanya.
“Can I see her?”
She snapped back and held the tears back. “O-of course.” In-accept niya ang video call request ni Savannah at mabilis na itinapat ang camera sa malaking crib kung saan mahimbing na natutulog si Jewel.
Kinagat ni Savannah ang labi habang hindi mapigilan ang mapangiti nang makita ang ang mala-anghel na mukha ng anak.
Wala sa sariling hinaplos niya ang screen ng cellphone at mahinang tinawag ang pangalan ng bata.
“I miss you—”
“Savannah?”
Natigilan siya nang marinig ang hindi pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya.
Hindi man siya sigurado kung siya nga ang tinatawag nang kung sinuman may-ari ng boses na iyon ay nagsigurado na rin siya.
Palihim niyang pinindot ang end button ng tawag saka balewalang isinuksok iyon sa bulsa pagkatapos ay humakbang paalis sa lugar.
Hindi siya lumingon. Kung kakilala man niya ang tumawag ay wala siyang balak na makipag-usap dito o makiharap sa kahit na sino.
“Hey! Why are you suddenly so snob?” a strong male voice echoed that made her abruptly stop.
Nakapikit siya at napilitang humarap dito nang kasabay nitong hawakan ang braso niya.
Bahagyang napakunot ang noo niya nang tumingala sa lalaking nasa harapan niya. She contemplated why his looks was familiar.
“Why?” he asked dangerously while staring at her. “You don’t know me, now?”
Bahagya nitong hinaplos ang sulok ng labi saka ngumisi. Mapula at may gasgas ang bahaging iyon ng labi nito na tila dulot ng pakikipagkipag-away.
She narrowed her eyes when she suddenly remembered him.
It was Hayson.
She looked at him deeply saka marahas na binawi ang braso na hawak nito.
“Pasensya na pero nagkakamali ka yata. Hindi kita kilala.”
She pretended to look frightened and innocent, a real contrast of what she’d shown last night.
It was all for show and just a part of act she needed to play to have her target take the bait and continuously playing the drama is deemed unnecessary.
Akmang tatalikod siya nang pinigilan siya sa braso ni Hayson.
Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa saka nangunot ang noo pero agad din sumilay ang tila mapanuksong ngiti nito sa mga labi.
Hindi niya gusto ang paraan ng pagngiti nito. He was standing tall and quite handsome in his casual jeans and shirt.
Ngayon niya lang natitigan ang mukha nito sa malapitan. She didn’t expect him to be this charming and good looking from last night, maybe because she was too focused on how to lure and seduced Dawson.
But his appearance is the least of her concern let alone entertain what it seems to be in his mind.
“What’s that innocent look for?” He frowned while sizing her up. “Whoa! I didn’t expect you to have an alter ego.”
Saglit niyang tiningnan ito saka niyuko ang sarili. She was wearing a faded jeans and loose white t-shirt. Nakapusod nang mataas ang buhok niya at kahit polbo ay wala siyang ipinahid sa mukha niya.
She was sure, her appearance right now was totally different from what she appeared at the club last night. So, how could Hayson still recognized her in her shabby appearance?
Nasalubong niya ang malalim nitong mga mata na tila binabasa ang nasa isip niya pagkuwa’y mabagal na napatango-tango.
“I don’t know if my guess is right but how about you repay me for what your ex-fiancè did to me, huh?”
Her brows furrowed and looked at him in confusion. Hindi siya nagsalita habang nakikipagpalitan ng tingin sa lalaking kaharap.
One of the lessons that she had learned from being imprisoned for almost two years was to determine if someone could harm you or could be your ally.
Unfortunately, the person in front of her could do both at the same time.
Limitado lang ang pagkakakilala niya kay Hayson. She knew nothing about him aside from being Dawson’s business rival.
And being her ex-fiancè’s competitor, hindi na siya dapat magulat kung pati ang tungkol sa naging relasyon nila ay alam nito.
She narrowed her eyes and stopped her act. Tutal, sa nakikita niyang kaseryosohan sa mga mata nito behind those irritated smirk on his lips ay sigurado siyang hindi si Hayson ang klase ng taong babalewalain ang nangyari kagabi.
“Anong kailangan mo sa ‘kin?” diretsong tanong niya.
Tumaas ang kilay nito at bahagyang ngumiti nang tila hindi inaasahan ang sagot niya.
“Wala naman talaga. But looking at you right now, I must say, you should be the one who needs my help."