Nag inat ako ng katawan ng magising ako. Hindi ko alam kung anong oras na kami naka uwi ni Ponce. Nalasing din ako at ngayon ay inaalala ang mga nangyare. “ Ayst. Masakit pa rin ang aking ulo. ” Muli akong huminga at pumikit ngunit, may kumatok na sa aking silid. “ Pasok. ” Sigaw ko n sapat lang para marinig. Bumangon ako at naupo sa kama. “ Mabuti naman at gising na kayo Ma'am Natasha. Kanina pa po kayo hinihintay nila Madam na bumaba para mag umagahan. ” Napa hilot ako sa aking sintido. Muli akong nahiga at nag talukbong ng kumot. “ Kaya naman siguro nilang kumain ng wala ako sa dining. ” Saad ko. “ Ma'am Natasha Kasi po Bilin ito ni Madam. Hindi ba't kapag narito kayo ay lagi kayong naka sabay sa kanilang kumain? Batas iyon sa bahay na ito. Pasensya na po may amnesia nga pala

