“ Bakit ba mas kinakabahan ka kaysa sa akin Ponce? Hayst. ” Itinapon ko sa labas ng kotse ang kaninang bubble gum na nilalaro ng aking bibig. Narito na kami ngayon sa tapat ng isang hotel. Dito raw ang meet up with Mr. Benedicto kaya't, narito kami ngayon. “ Mapanganib na tao po kasi si Mr. Benedicto ngunit, ang company niya ang pangalawa sa may pinaka mataas na ratings. Kaya't nais ng mga Del Mundo na makuha ang taong ito para mag invest sa kanila. ” Napa angat ang kilay ko. “ Kung gayon, sino ang nangungunang company? ” Tanong ko. “ Ang mga Mendoza po. ” Tumango tango ako. Kinuha ko ang aking sling bag at ang contract para kay Mr. Benedicto. “ I'll go ahead. Hintayin mo ako rito Ponce. Kung gusto mo Kumain ka muna heto ang pera. ” Inabot ko sa kanya ang pera na inabot sa akin ka

