Chapter 20

489 Words
Akmang aatras s'ya nang maramdaman n'ya ang kamay ng binata sa likod ng kaniyang ulo at nakahawak ito doon upang pigilan s'ya. Ang lakas na pintig ng kaniyang dibidb ay hindi n'ya inasahang may ilalakas pa, dahil ngayon ay pakiramdam n'ya naghuhurumintado na naman ang kaniyang dibdib at hindi n'ya na ito mahabol. Hanggang sa napansin n'ya na lang na wala sa sarili n'yang Ipinikit ang kaniyang mga mata at hinayaan ang binata sa ginagawa nito. Napa-ungol s'ya nang maramdaman n'ya ang pagkagat ng binata sa kaniyang ibabang labi dahilan upang mapanganga s'ya at magkaroon ng kalayaan ang lalake na maipasok ang dila nito sa bibig n'ya. Napahawak s'ya sa braso ng binata habang nakatukod ang kamay nito sa damo. Nakapikit s'ya habang binabalik dito ang klase ng halik na binibigay naman nito sa kaniya. Wala nang kahit na anong pumapasok sa isip n'ya kung hindi ay ang gawin ang kung ano ang hinihingi ng katawan n'ya at iyon ay ang sakyan ang nararamdaman n'ya dahil sa ginagawa ng lalake. Napaliyad s'ya nang bahagya nang maramdaman n'ya ang kamay nitop na humahaplos sa likuran n'ya at sa loob ng kaniyang damit. Nakalapat ang kamay nito sa kaniyang balat kaya pakiramdam n'ya ay napapaso ang balat n'ya sa sobrang init nang bawat paghawak nito sa kaniya. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa braso ng binata at ramdam n'ya kung paano mas tumigas ang biceps nito dahil sa ginagawa n'ya. Pareho nilang hinahabol ang kaniyang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi at idinikit ni Vince ang kaniyang noo sa noo ng dalaga. "I'm sorry," hinging paumanhin ng binata. "I just couldn't resist the beauty in front of me. But I am not sorry that I was kissing you for I love kissing you." Hindi na maisip ni AJ kung anong klaseng kahihiyan ang mararamdaman n'ya habang kaharap ang binata sa katotohanan na ito ang unang beses na nagkasama sila nang walang kinalaman sa trabaho. Hindi pa nila kilala ang isa't-isa pero pakiramdam n'ya ay matagal na silang magkakilala dahil sa compatibility na mayroon silang dalawa. Napakurap s'ya nang hawakan ni Vince ang kaniyang baba at iangat ito nang bahagya. Napatingin s'ya sa mata ng binata at halos magwala ang kung ano ang mayroon s'ya sa kaniyang t'yan nang makita ang mga mata ng binata. Hindi ito seryoso, kakaiba ang emosyon na mayroon sa mga mata nito. Lumunok s'ya nang hindi gumagalaw at hawak-hawak pa rin nito ang kaniyang baba. "I am sorry for I will kiss you again," nakangiting saad ng binata. Pero hindi n'ya nakontrol ang kaniyang sarili nang bigla na lamang gumalaw ang kaniyang katawan at kusang inilapat ang kaniyang mga labi sa labi ni Vince. Kung paano nangayri ay hindi n'ya alam at hindi n'ya maipaliwanag dahil ngayon ay nakadikit na ang kaniyang buong katawan sa katawan ng binata, ang mga braso n'ya ay nakapulupot sa leeg nito habang ang kamay naman nito ay nakasuporta sa kaniyang likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD