Nagising si AJ dahil sa tunog ng kaniyang cellphone. Napa-ungol s'ya at akmang gugulong nang may matamaan s'ya ng kaniyang braso. Unti-unti n'ya itong tiningnan at ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita ang mahimbing at guwapong mukha ni Vince na nasa tabi n'ya.
Agad n'yang iginala ang paningin at doon n'ya napagtanto na wala s'ya sa kuwarto n'ya. Ibig sabihin ay wala s'ya sa kaniyang sariling condo. Nakalimutan n'ya ang dahilan nang kaniyang pagkagising pero napalingon ulit s'ya sa kaniyang cellphone na nakapatong sa isang maliit na mesa katabi ang isa pang cellphone na panigurado ay kay Vince nang tumunog ulit ito at ang kaniyang manager na si mimi ang tumatawag.
Kumunot ang kaniyang noo kung bakit s'ya nito tinatawagan eh sa pagkaka-alam n'ya ay wala s'yang shoot o taping ngayon dahil kakatapos lang ng kaniyang taping 2 weeks ago at ang susunod naman ay sa susunod pa na linggo. Mabilis s'yang kumilos at akmang bababa ng kamay uoang abutin ang kaniyang cellphone na nasa bandang gilid ng nakadapa na si Vince.
But she gasped when the moment she stood up and stepped down the bed, she saw her fully naked and nothing of a clothes that has been converted in any part of her body. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang sarili n'yang wala na kahit anong saplot kaya agad n'yang hinila ang kumot na nakatakip kanina sa kaniyang dalawa ngunit mas nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita naman ang kabuuang likod ng binata na wala ring saplot.
"Sh*t!"
Napamura s'ya dahil sa gulat kaya ibinaling n'ya ang kumot sa binata at hinanap ang kaniyang mga d amit ngunit tanging ang kaniyang panty at bra na lamang ang kaniyang nakita na nakakalat sa sahig at pati na rin ng boxers ni Vince. Pinulot n'ya ang kaniyang panty at bra at saka isinuot iyon. Nagtataka s'ya kung nasaan na ang kaniyang mga damit. She was certain she was wearing a dress and a cycling, pero wala dito, wala rin ang damit ng binata.
Napatingin s'a ulit sa kaniyang cellphone nang sa ikatlong pagkakataon ay tumunog na naman ito. Pinulot n'ya ang kaniyang cellphone sa maliit na mesa at saka sinagot ang tawag. This time, number naman ng kaniyang personal assistant na si Rina ang tumatawag.
"Rina?" Tawag n'ya sa pangalan nito nang sagutin n'ya ang tawag.
("Ms. AJ, nasaan ka po? *Akin na nag cellphone Rina,* sige po, *Hoy babae, nasaan ka?!"
Napangiwi s'ya dahil sa pag-panick ni Rina at ng kaniyang manager na si mimi. Alam n'yang nagpa-panick ang baklang iyon dahilk sa tono nito nang kuhain nito ang cellphone ni Rina.
"Mimi, nandito lang ako, why are calling? Kanina pa kayo tumatawag," mahinahong sagot n'ya dito at hindi na naman nakatakas sa pandinig n'ya ang pag-ipit nito ng sigaw na tila ba may hindi s'ya magandang nagawa. "Bakit ba? May problema ba?"
("Problema? Oo meron! AJ naman, nasaan ka nga ba? Bakit wala ka dito sa unit mo?")
Kumunot ang kaniyang noo nang marinig ang sinabi na iyon ng kaniyang manager. How come that they were in her condo when in fact, neither of her team has the key of her condo. Siya lang ang amy access doon. "Nasaan kayo, mimi? Nasa condo ko kayo? Ano ang ginagawa n'yo riyan at paano kayo nakapunta riyan?" tanong n'ya dito sa seryosong boses.
"Nandito kami sa building ng unit mo at nandito kami sa lobby tumatawag sa unit mo pero walang sumasagot kaya alam ko na wala ka doon, nasaan ka ba? AJ, ngayon ang premiere ng movie mo, ano ka ba naman. Isang oras na lang magsisimula na ang screening, paniguardo this time ay naroon na ang mga media at hinahanap ka na ng director!"
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa narinig na sinabi ng kaniyang manager. Nakalimutan n'ya, nakalimutan n'ya ang tungkol d'yan. Humigpit ang pagkakahawak n'ya sa kaniyang cellphone at saka napasulyap kay Vince nang gumalaw ito. "O-okay, pumunta na kayo doon, darating ako doon sa bago magsisimula at naka-ayos na ako by that time. I will see you there, mimi."
Hindi n'ya na hinintay na sumagot pag ang kaniyang manager at kusa n'ya nang ibinaba ang tawag. Gising na si Vince at nakatingin ito sa kaniya. Ang tanging ibabang bahagi lamang nito ang may takip at nakaharap naman s'ya dito nang ang tanging suot n'ya lang ay ang kaniyang bra at panty. "I have to leave, is this your place? Where's my dress?" sunod-sunod na tanong n'ya dito nang hindi na inisip pa ang hitsura n'ya sa harapan ng lalake.
Ngunit imbis na sagutin ang tanong n'ya ay napatili s'ya nang hilahin nito ang kaniyang kamay at hapitin nito ang kaniyang dibdib kaya bumagsak s'ya sa katawan nito. Agad na nakapulupot ang dalawang braso nito sa kaniya ng sobrang higpit.
"Why are you standing in front of me only with your underwear on? Are you torturing me?" sambit nito sa kaniyang tainga kaya napangiwi s'ya nang maramdaman n'ya ang mainit na hininga nito sa kaniyang balat. She chilled all over her body and with that, she was almost cursing herself by reacting the hell like this!
"I-I need to go, I'm sorry, I forgot that I have work to attend," saad n'ya kaya agad n'yang naramdaman ang pagluwag ng braso nitong nakapulupot sa katawan n'ya. Nakadapa s'ya dito kaya ayos na ayos ang pagkaka-pulupot ng mga braso nito sa kaniyang likuran.
"I thought you are free the whole day today," sambit naman ng binata kaya napatingin s'ya dito.
Nakatukod ang kaniyang dalawang kamay sa kamay upang magbigay sa kaniya ng balanse habang hindi pa tuluyang tinatanggal ng binata ang braso nito sa katawan n'ya. Nakatingin din nang diretso sa kaniya ang binata at seryoso ang mga mata nito.
"I thought so to. Hindi ko naalala na ngayon na ang premiere ng palabas ko," seryoso n'ya namang sagot at saka tumayo na nang tanggalin nang pakawalan na s'ya nito. "Nasaan tayo? Is this your place? I have to move, I only have 1 hour left."
TTumango si Vince habang nakatingin sa kaniya. Bumangon ang binata at umupo sa kamay nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata n'ya. "This is my place and we're in Conquer's Building," sagot nito kaya nanlaki ang kaniyang mga mata.
"Conquer's building? You're living in here?" Nanlalaki ang kaniyang mga mata sa gulat.
"Yes, why?" Kunot-noong tanong naman nito sa kaniya.
"Which floor?"
Hindi s'ya makapaniwala dahil hindi n'ya inasahan ang narinig.
"17th?"
Halata naman sa mukha at tono ng binata ang kaguluhan kung bakit ang dami n'yang tanong tungkol sa tinitirhan nito. Hindi ito ang unang beses na magkasama silang dalawa, pero ito ang unang beses na nakapsok s'ya sa tinitirhan ng binata. Hindi nila napg-usapan ang pagpunta sa lugar nito.
"I am in the higher floor."