Marrying The Prince of Mafia
Chapter 1:
~Ano po ang ibig sabihin nyo papa??? May nadispalko kayong 100 million?? Histerikal na tanong ng Kuya Pablo ni Amalia sa kanyang Ama..
~ Huwag kang maingay!! baka marinig ka ng kapatid at ng Mama mo! maaring ito na katapusan ko Pablo. ikaw na ang bahala sa Mama at kapatid mo..Hindi ko sinsadya na madispalko ang pera ni Mr. Impereal..Na scam ako ng isa kong kasamahan dati sa grupong Batobalani..
May takot sa Boses ng Papa ni Amalia..At para namang pinag sakluban ng langit at lupa ang dalaga habang naririnig ang pinag uusapan ng kanyang ama at kapatid,,,
Sobrang mahal nya ang Papa nya.. malapit sila sa isat isa, at parang syang nasasakal sa isipin na mawawala ang papa nya sa ganitong paraan.
~Pa naman!! hindi ka ba nag iisip!! Maaring lahat tayo ay mapahamak!! kilala ko si mR.Impereal!! 100 million is no joke papa!! baka kulang pa ang buhay nating lahat para maging kabayaran yon! Sino sa mga ka grupo mo sa batobalani ang nanloko sayo? Pinag tiwalaan ka ni Boss pa. Bakit mo nagawa to!
Batobalani ay isang Samahan ng mga NPA noong araw. At doon kasapi ang Papa ni Amalia.. Alam ng Dalaga ang trabaho ng kanyang Ama at Kuya.. Nag tatrabaho sila sa Hari ng Mafia dito sa Pilipinas kaya nakaka angat angat ang buhay nila..
Hindi siya tutol sa trabahong ito ng Ama at kapatid. Ang Papa nya ang Nag hahawak ng ilang Malalaking Pasugalan at mga illegal ng Baril sa loob at labas ng Pinas at ibang Bansa..Mga illegal Kargo ay Hawak din ng mga Impereal Mapwera lamang sa Droga.. Kaya alam nya na Hindi naman ganon Kasama ang trabaho ng kanyang Ama at kuya.
~Pablo anong gagawin ko??!! kahit Mamatay at mabuhay man ako ng Dalwang Beses sa mundong ito ay Hindi ko kayang Bayadan ang 100million na nadispalko ko. Walangyang Nestor yan. madodoble daw ang balik sakin Sa Loob lang ng Isang Buwan. kaya naisip habang Wala pa si Bossing ay Ipahiram ko muna sa isang Kompanya ng Sasakyan Nag Pera ni Bossing. Ngunit Naloko Ako. Masyado akong nag tiwala sa dati kong kaibigan..pag ka Deposit ko ng pera anak sa account nya ay bigla nalang syang hindi nag paramdam sa akin. PATAY NA TALAGA . patawarin nyo ako Mga anak ..
Mahabang paliwanag ng papa ni Amalia habang nayugyog ang mga balikat sa pag iyak...Habang naiyak din at pumasok na ng kanyang silid ang Dalaga. Hindi na niya kaya pa makita sa ganon sitwasyon ang Papa nya..
~Oh Lord please..... bakit nangyayari sa amin to?? Lord please don't let my father die... Wag mo po kaming pababayaan.. Sana makunsensya yung nan loko sa papa ko lord... mabait naman po ang Papa ko kahit hindi maganda ang trabaho nya.. Please lord help us...
Mahinang Dasal ni Amalia habang hawak hawak ang Rosaryo na bigay pa ng kanyang yumaong Lola.
Isang Buwan na ang naka lipas. At narinig nya mula sa kanya Ama na pauwi na ng Pinas ang Makapang yarihang Boss ng kanyang Ama at kapatid at Kasama pa daw di umano nito ang Nag iisa nitong Anak.
Walang Planong Mag tago ang kanyang Ama. Haharapin daw nito ang nagawang Kasalanan...
~Papa.....sasama po ako sa inyo pag ipinatawag na kayo ni Mr. Imperial..
Nangingilid ang luha na Sambit ng Dalaga sa Ama habang Nakatulala ang Ama na naka tingin sa Labas ng kanilang Bakuran.. Halatang nasa malalim itong Pag iiisip..
Samantalang Nagulat naman ang Papa ni Amalia na si Mang Nestor sa Sinabi ng pinaka mamahal nyang Dalaga...
~Hinde!!!! Amalia! at paanong nalaman mo na ipapatawag ako ng Boss ko? at bakit ka sasama?! Alam mong mga halang ang kaluluwa ng mga taong nandoon!! kaya mag tigil ka dyan sa iniisip mong iyan!
Samantalang Hindi nabuwag sa pag kaka titig at sigaw ng Ama nya si Amalia.. Alam nya na ito ang magiging reaksyon ng ng kanyang papa..
ALam nyang Hinding hindi siya nito isasama sa ganoong klasing lugar..
Kahit napunta sa bahay nila minsan ang mga katrabaho ng Kuya at Papa nya ay hindi siya ipinapakita ng Ama nya sa mga ito. Higit lalo sa Kanyang Bossing...
Parati siya nitong pinag kukulong sa kanyang kwarto tuwing mayroin silang bisita...
~Pero Pa!! Gusto ko! Sasamahan kitang mag paliwanag,,, sasamahan kitang humingi ng sorry sa nagawa mo please papa.... Hindi ko po kakayanin pag nawala kayo paaaa.. mahal na mahal po kita kayo ni mama... paano nalang po si mama pag may nangyaring hindi maganda sa inyo ng Kuya? Please paaaaaaaa please po ayokong may mangyaring masama sa inyo ng kuyaaaa.. Kung kinakailangan mag trabaho din ako sa kanila papaaaaa.makakabayad din tayo pleaseeee....
Samantalang Sumabog na lahat ng nararamdamang lungkot ni Amalia, nahagulgol na siya sa sobrang pag mamaka awa sa kanyang Ama.. Alam nya sa sarili nya na baka may magagawa sya sa sitwasyon. O isama nalang sya sa papaslangin dahil hindi din nya kakayanin na mawala ang kapatid at ama...
~shssssss Lia anak... please listen to me... anak ko walang mangyayaring masama sa kuya at sa akin ..Hindi ko alam kung paano mo ito nalaman pero wag ka ng umiyak lia.. para mo nakong pina patay sa ginagawa mo anak ko... diba alam mo naman na ayaw n ayaw ko makikita na naiyak ang aking prinsesa???
Mahinahon na ang boses ng Kanyang Ama at ito ay naiyak na din... Sobrang Mahal na mahal sya ng kanyang Ama..kaya ito napilitan pumasok sa ganitong uri ng trabaho ay para maibigay sa kanya ang mga bagay na kanyang naisin..
Chapter 2:
Matagal ng hinihiling Ni mang Nestor noon na masundan ng anak na babae si Pablo labing tatlong taon na noon si Pablo bago ito nasundan ni Amalia...
Kaya naman sobra ang Ligaya nila ng Dumating sa Buhay nila ang kanilang Napaka gandang Anghel...
Oo isang Napaka Gandang dalaga ni Amalia.. Sya ay 19 yearsold pa lamang at kasalukuyang Nag aaral pa ng kursong Education..
Kaya ingat na ingat sa kanya ang kanyang Pamilya..Namana nya sa kanyang ina ang kulay Brown na mga mata at matangos na ilong.Bilog na medyo singkit na mga mata na mga mahahaba at makapal na Pilik Mata at ang kanyang natural na mapupulang labi ay talagang nakaka akit tingnan. isa syang Larawan ng Isang Dyosang Anghel...
Marami na ang nag tatangkang manligaw sa kanya ngunit Wala pa sa isip ng dalaga ang ang mag karoon ng nobyo.. Gusto nyang makapag tapos muna ng pag aaral....
~Pa.... ipinapatawag kana ni Bossing pa.. Ano ang gagawin natin...
Nag aalalang tanong ni Pablo .. Kakababa lang nito sa sasakayang itim na tinted na tinted ang salamin.. Sinusundo na nito ang ama..
~Anong gagawin? e di haharapin ko ang kaparusahan ko Pablo.. Kung ano mang ang mangyari sa akin ay siguraduhin mong Aalagaan mo ang Mama at si Lia... Hintayin mo ako dito at mag bibihis lang ako..
Samantala habang Nag uusap ang Mag ama ni Pablo at mang Nestor ay naisipan ni Lia na mag tago sa likod ng sasakyan upang makasama siya ng palihim sa mga ito.. Hindi siya makakapayag na may mang yayaring masama sa Papa nya at sa Kuya Pablo nya...
Walang ka alam alam ang mga ito na siya ay nasa likod ng sasakyan dalhil parehas lutang ang mga isip ng kanyang Ama at Kapatid... Rinig na rinig niya ang pag uusap ng kag Papa at Kuya...
~Papa.. sigurado kaba na haharapin mo ang galit ni Don Miguel? Balita ko pa wala raw puso ang anak nito na kasama nya ngayon. Mas malupit raw ito kaysa kay Don Miguel... bakit Hindi nalang tayo mag tago Pa? Or Pumunta tayo sa ibang Bansa.. May mga naipon pa naman akong Pera sa Bangko.. Hindi natin kailangan gawin to Pa.
~Pablo anak... Kahit kailan ay hindi ko gustong tumatakas sa mga problema.. at ayokong ipahamak kayo ni Lia.. Sa tingin mo ba makaka takas tayo kay Don Miguel? lalo lamang siyang magagalit sa akin at baka pati kayo ay idamay nya.. Kilala ko sya. Matagal akong nag trabaho sa kanya.. Pero yung anak na sinasabi mo ay hindi ko alam.. mayron pala siyang itinatagong anak.. Sana lamang taLaga ay paniwalaan ako ni Don Miguel...
Samantala habang nag uusap ang Mag Ama ay taimtim lamang si Lia na nag dadasal.. Habang papalapit sila ng papalapit sa Bahay o Mansion ng mga Imperial ay lalo siyang kinakabahan..
.Hindi nya alam ang kahihinatnan ng kanyang ginawa. Pero isa pang ang alam nya.. Kung kinakailangan na lumuhod sya sa Hari ng mga Mafia ay gagawin nya...
Chapter 4:
~ Nestor nestor nestor!! Why of all People!? why it has to be you?? Hundred million is just a number. Alam mong barya lang yan sa akin.. the saddest part here is..Bakit mo sinira ang tiwala ko sayo??
Malamig at walang ekspresyon na salita ni Don Miguel kay mang Nestor..Habang naka paligid sa kanila ang napaka daming tauhan ni Don Miguel at ang lahat ng mga ito ay pawang kargado ng matataas na kalibre ng baril..
~Don Miguel,,, Hindi ko po talaga alam na lolokohin ako ng dati kong kaibigan. Wala po akong intensyon na nakawan kayo ng pera..Patawadin nyo po ako Don.Miguel sa nagawa kong kasalanan. Alam kong buhay ko ang kapalit ng aking kapangahasan.. Tatanggapin ko po ito ng maluwag basta pakiusap lamang po na Pabayaan nyo nalang po ang aking pamilya,dahil wala po silang alam sa aking nagawang kasalanan Don Miguel....
Habang naka luhod ang kanyang ama ay kitang kita ni Lia na naiyak at nag susumamo sa Don Miguel na iyon ang kanyang mahal na Ama.. palihim at dahan dahan nyang sinundan ang Ama at Kapatid...Habang naiyak siya sa isang sulok at pinag mamasdan ang nangyayare ay nag desisyon na siyang lumabas upang lumuhod din kay Don Miguel. Mag babaka sakali siya na mabigyan pa ng pangalwang pag kaka taon ang kanyang Ama... at akmang tatayo na sya ng biglang may naapakan siyang kung anong matigas na bagay..
~Who the hell are you?? Isa ka ba sa mga maid dito?? and who gave you the authority na pumasok dito. This is a restricted area.
Isang Boses ng lalaki ang tila nag palundag ng puso at kaluluwa nya sa gulat. dahil bigla na lamang may nag salita sa likuran ni Lia... At agad nyang nilingon ang kung saan nang galing ang boses.. At napatili siya ng Malakas ng makita ang nasa likuran niya.. Naka mascara ito ng larawan ng isang demonyo na may sungay..at dahil natakot sya napatili si Lia kayat nag lingunan ang lahat kung saan nang galing ang tili na iyon.
~ay !!!!! demonyo!!!
Agad natakluban ni Lia ang bibig ngunit huli na ang lahat.. Naka tingin na sa kanila ang lahat...
~hey?? looks like there's an intruder in our restricted area.. is she one of your maid?? she looks like an angel for her position...
Agad niyuko ng binata ang mukhang may mascara at may ibinulong kay Lia..
~wanna be my Angel??? At agad tinapik ang ang kanyang pang upo..
Agad kinalibutan ang dalaga sa ibinulong ng lalaking naka mascara sa kanya.at nanginig din ang kanyan laman dahil hinampas nito ng malakas ang kanyang mabibilog at malalaman na puwitan... Ngunit iyon ay narinig ng lahat at nakita mismo ng kanyang ama at kapatid ang ginawa ng binata sa kanya..
Chapter 5 :
~Amalia!!!!! Wag po!!! nakiki usap ako sa inyo! wag ang anak ko ..
Agad tumayo si mang Nestor at hinila papalayo sa binatang naka mascara ang kanyang anak...
~Amalia ano kaba!!!! bakit naandito ka! hindi kaba talaga marunong makinig sa aking bata ka.!!hindi po sya katulong dito anak ko po itong batang to..Patayin nyo nalang ako basta wag nyo syang hahawakan...matalim na titig ang ibinigay ni mang Nestor sa naka mascara na binata... Don Miguel kung paparusahan nyo po ako ay tatanggapin ko kahit kamatayan ko pa ang kabayaran. Basta lamang wag nyo gagalawin ang aking mga anak. Lalong lalo na po ang aking Amalia....
Naka luhod si Mang Nestor habang nakahawak sa mga paa ni Don Miguel..Ito ay naiyak pa din..
~Nestor alam mo ang ginagawa ko sa mga taong di ko na pakikinabangan.. I cant trust you anymore,, At sorry Nakita nako ng anak mo kaya wala akong magagawa. Naging sobrang bait ko sayo.. but you know my rules. Kahit si Pablo ay damay na sa ginawa mo... Wala akong magagawa kundi ang patahimikin kayong lahat.
Sabay Talikod ni Don Miguel at sumenyas na ito sa mga tauhan nya..Tila ayaw nitong makita na papaslangin sa harap niya ang kanyang kanang kamay at pamilya nito...At ng akmang dadamputin na sila ng mga tauhan ay biglang lumuhod si Lia at tinawag si Don Miguel.
~Talaga bang mga wala kayong Puso?? Wala naba talaga sa inyo ang pag patay? naging matapat naman po sa inyo ang aking Papa at kuya pablo! Halos hindi na nauwi ang papa ko mapag lingkuran lang po kayo! Pero sa isang hindi sinasadya na pag kaka mali papatayin nyo na agad si Papa...!? Talaga po ba na ganito dapat ang patakaran nyo?? Ako!! ako po! bigyan nyo ako ng pag kaka taon na mabayadan ko kayo.. Parang awa nyo na po kung kinakailangan mag trabaho din ako sa inyo. mag tutulong tulong kami upang maka bayad. Bigyan nyo lamang kmi ng isa pang pag kakataon na mabuhay. Sobrang tapat po sa inyo ni Papa.Hinarap po nya ang pag kakamali nya at hindi sya nag tago.. Sana yun man lang po Don Miguel maging way upang mabigyan nyo pa po kmi ng isang chance..
Agad napahinto si Don Miguel sa akma nyang pag alis... nakaluhod ang dalaga sa likod ng Hari ng Mafia..
~iha tumayo ka... Alam mo bang masakit sa Puso ko ang gagawin ko. dahit favorit ko yang Papa mo. Ngunit kahit tumanda kapa kaka serbisyo sa akin ay hindi mo mababaydan ang na dispalkong pera ng Ama mo..
Nakangisi na saad ni Don Miguel..
~ then let me pay for it. Dad i'll pay you 100million right away...
Agad na sumabat sa kanilang usapan ang lalaking naka mascara... Ito pala ang Anak sinasabing Anak ni Don Miguel. Agad rumehistro sa mukha ni Don Miguel isang maka hulugang ngiti..
~Really Son???
Agad lumapit si Don Miguel sa Binata..
~Hahaha i know this is going to happen Son,,, the moment i saw his Daughter..Do what you want,, they owe a lot to us.
Pabulong na sambit ni Don Miguel sa kanyang Anak habang ito ay naka ngisi.. Ngunit tila ba narindi si Amalia sa kanyang narinig.. Totoo bang Babayadan ng bastos na lalaking yon ang kanilang pag kaka utang?? ibig sabihin ba nito ay makaoa uwi kami ng ligtas sa bahay? Magulong taning ni Lia sa sarili..Ngunit ani kaya ang magigung kapalit nito? kinakabahan si Lia lalo pa ng makita nya na nag bubulungan ang Mag Amang walang Puso para sa kanya.
~ok iha...Dahil may Puso ako.. i will accept my son's offer.. you said a while ago that you are willing to pay for ur fathers sins.. We will accept it.. You will going to work with my Son. I wont take no for an answer Nestor.. take it or leave it.. rufuse and you will all die here.
Makapangyarihang hayag ng Don Miguel.. Sabay talikod...
~you heard it clearly Angel? You will going to be may Personal Maid..
Chapter 6:
Ako si Amalia 19 years old nag aaral ng BS Education, 3rd year Collage na sana ako, pero eto ako ngayon sa isang Palasyo at papasok bilang isang katulong ng lalaking manyakis na iyon..Hays di ko lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng buhay ko... Nag usap na kmi ng Papa ko at masakit man sa kanyang kalooban ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa kundisyones ni Don Miguel...
Inilibot ko ang aking mga mata,, Sadyang napaka ganda ng bahay ng mga Imperial kahit anong hawakan mo ay halatang mamahalin ang lahat ng gamit,,,
~Iha...ikaw ba si Amalia?? ako nga pala si Manang Flor. ang mayordoma dito sa mansyon ..
Agad akong kinabahan ng may lumapit sa akin na matanda... muka itong mabait.. ~ opo ako nga po... Napaka laki po pala ng manyon ng mga Imperial... agad kong sambit sa matanda...
~nako iha talagang napaka laki ng Mansyon na ito.. Sumunod ka sa akin at dadalhin kita sa Kwarto ni Señorito Adam..Kabilin bilinan nya sa akin na doon agad kita dalhin bilang ikaw ay magiging personal na katulong ng ating prinsipe...
~Sumabog ang Kaba na kanina pa nag kukumawala sa aking dibdib.. Bqkit sa kwarto ako dadqlhin ng matanda na ito???
~Hindi ko mapigilan ang kaba sa aking dibdib...Pupunta ako ngayon sa kwarto ng isang halimaw.. Hindi ko alam kung ano ang pwede nya gawin sakin sa loob ng mansyon na ito..Anak siya ni Don Miguel