First Punishment

2173 Words
Chapter 3 Pillow's Pov Mas malala pa ang parusang ito kumpara sa naudlot na pagsasanay namin ni tanda. Nauumay na ako sa chocolates! Ang sakit na ng lalamunan ko dahil puro matatamis ang pasimple kong nilalantakan! Wala man lang ni katiting na tubig na inaabot sa 'kin! “Hello? Kahit patak ng ulan! O ihi lang jan! Takte nauuhaw na ako!” pagpaparinig ko. “Baka bigyan ka namin ng ihi at hindi mo mainom!” Naiiritang ani ng nagbabantay sa 'kin sa labas. Pasimple kong sinipa ang pinto. Namamaos na ako at humahapdi ang lalamunan ko. Ikaw ba naman ang pumirmi sa puro chocolates at walang inuman ng tubig! Parang kinamumuhian ko na ang tyokolate ngayon! per da pers taym! Ngayon lang naman! “Psssssst!” rinig ko mula sa bintana. Sinilip ko ito. Malapad ang ngiti ko ng matanaw ang pulang buhok nito. Kumaway ito sa 'kin at iwinagayway ang supot na may tubig at mga pagkain! Sabi na! Hindi ako matitiis ni tanda! “Tanda!!” ani ko na mahinang sumigaw. Basta mahinang sumigaw! Yun na yun! Inilagay nito ang daliri sa labi niya.. “SHHHH!” napatango naman ako sa kaniya at ginaya ang paglagay ng daliri sa labi. Umakyat nito ng walang kahirap-hirap at pumasok sa bintana. Napa “WOAAA!” na lang ako sa kaniya. Malakas talaga ang martial arts ni tanda. Pero kahit kailan man ay hindi ako nito tinuruan. Sa kaliitan daw ng utak ko ay baka sa iba ko magamit ang martial arts na ituturo niya. “Kung nanatili ka lang sa bahay natin ay hindi ka sana magugutom dito,” malungkot nitong wika. Inayos nito ang mga pagkain at pinaghain ako. Nakangiti lang ako habang hinihintay siyang matapos. Nang abutin ko ang dahon ng saging na may kanin ay bigla niya itong inatras. Nanlalaki ang mata niyang ibinaba ang pagkain. “Sinong humiwa sayo!” naghihisterikal nitong ani. Napatayo ito at lumapit sa pintuan. Hinila ko siya paupo at tinakpan ang bibig niya. Baka may makarinig sa kaniya. Buti na lang at hindi siya narinig. Nakanguso akong yumuko. “Kasama ito sa kailangang gawin bago makapasok,” ani ko sa mababang tinig. Napabuntong-hininga na lamang ito at hinila ang palad ko. “Kung sana ay hindi mo piniling tahakin ang landas na ito. Tahimik sana ang magiging kinabukasan mo,” wika niya habang tinatalian ang kamay ko ng puting tela. “Ngunit, ang nakatakda ay hindi talaga mapipigilan kahit ilihis mo pa. Mangyayari ang dapat mangyari,” dagdag pa niya. “Hala, sige. Busigin mo ang sarili mo. Hindi ko alam kung kailan kita muling makikitang kumain ng ganito o kung masisilayan pa ba kitang kumain.” Puno ng lungkot ang tinig niya. Tiningnan ko ito ng may pagtataka, ngiti lang ang isinagot niya at ginulo ang buhok ko. “Pag-aralan mong protektahan ang sarili mong mag-isa,” ani niya at sumubo ng pagkain. “May problema ba tanda?” Umiling lang siya at muling kumain. Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy na rin sa pagsubo. Matapos kumain ay nagpaalam na itong aalis. Napahawak ako sa kwintas na isinuot nito sa 'kin. “Sa pamamagitan ng kwintas na iyan, mahahanap mo ang bagong mag-aalaga sayo,” muli niyang tinapik ang ulo ko at mahigpit na niyakap. May kung ano sa puso ko na parang may nagsasabi na may hindi magandang mangyayari. Bumigat ang mga mata ko dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Alam kong seryoso si tanda na puputulin ang koneksyon niya sa 'kin. Gusto kong makalaya sa pagpro-protekta niya at sa paghihigpit nito. Ngunit, hindi ko naman gustong tuluyan itong mawala sa buhay ko. Casspien's Pov Naidlip ako saglit sa gilid ng school hall kung saan malapit ito sa guardhouse. Inunan ko ang magkabilang braso ko habang relax na relax na nakahiga. “New target ng Cuensesa ang newbie. Mali-mali daw ang finill-upan na form 'non. Halatang hindi nagbabasa ng panuto.” “We'll? I can't wait to see the first victim on this month.” “I think Lipton she weren't aware what's school she pop in.” “A—ahem!” tikhim ko sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila at nagsipagtakbuhan. Ang mga babae nga naman, insecure sa kapwa nila babae. 'Yung tipong ayaw nilang lamangan ang isa't isa. Kung sino man ang newbie na iyan paniguradong kaiinggitan nila dahil sa special treatment na matatanggap nito. Ganoon kasi rito kapag baguhan ka. Nakahalukipkip ang isang babae sa harapan ko. “Sino ka? What are you doing here?” Napabalikwas ako ng bangon. Anong ginagawa nito rito? s**t! Huwag niyang sabihin siya ang inatas sa 'kin?! “A—anong pakialam mo?” Tumaas ang kilay nito at nilagpasan ako. Sumayaw pa sa gilid niya kaniyang kamay. May dugo pang pumapatak mula sa palad nito. Napaling ang dila ko sa kaliwang pisnge at inikot ito. “Kakaibang babae, hayy sayang at mukhang siya ata ang susunugin ng grupo namin ngayon,” naiiling akong naglakad sa kabilang direksyon. “Pawn Casspien!” Bati ni Cyclops Sumaudo lang ako at inikot ang dila sa loob ng bibig ko. Naabutan kong abala ito sa paglagay ng pulbura sa bawat bolang putik. “Nakita niyo na ba ang bagong target? Kalalabas lang daw noon sa kulungan kaya hindi tayo mahihirapan na mahuli siya,” nakangising sambit ni Crine. Inilagay ko sa likuran ang aking mga kamay at pinagsiklop ang mga daliri. “Hindi ko akalain ganito kayo kahina para pagsamantalahan ang kahinaan ng iba upang mapadali ang nakaatas na tungkulin,” wika ko at dinampot ang natapos nilang quick bomb. Napalunok ang mga ito ng mag-angat ako nang tingin. Sumilay ang nakalolokong ngisi sa aking labi. Bigla ko itong winaglit at biglang sineryoso ang ekspresyon. “Magsitayo kayo sa gitna ng quadrangle. Ipapatikim ko sa inyo ang pananamantala ng kahinaan ng iba,” ani ko at malakas na inihagis ang quick bomb sa lamesa. Rinig ko ang mahihinang pagputok nito at ang silab ng pulbura sa paligid. Parang karaniwan lang akong naglakad habang nagsisisigaw sila. “Casspien, mukhang mainit na naman ang ulo mo,” ani ng kararating na lalaki. Inunat ko lang ang aking labi at umismid sa kaniya. Natatawang tinapik ako nito at naunang naglakad sa 'kin. Sukbit nito ang pamana niya. “Malaki ata ang problema natin at masasampulan ng init ng ulo mo ang buong Cuensesa,” ani nito. Naupo ito sa sementong pasamano sa gilid ng puno ng mangga. Naglakad na rin ako roon upang makaupo. Malalim akong napahinga bago itinuko ang mga kamay sa likuran. Napakiwit ang itaas kong labi habang pinagmamasadan ang Cuensesa na inaapula ang nagsiliyab na quick bomb. “Bumalik na ba siya?” tanong nito. Iling lang isinagot ko at pinalakpak ang mga palad. Nagsitigil naman ang mga ito tuwid na tumayo. Humilera sila sa gitna at iba ay nadapa pa sa pagkataranta. “Casspien, masiyado mo silang tinatakot,” natatawang ani nito. “Mas malala pa ang ginagawa ko sa sarili kong miyembro,” sabat ko naman sa kaniya. Tumayo na ako at hinawi palikod ang buhok na tumabon sa noo ko. “Nasaan ang mga quick bomb?” Tanong ko habang papalakad palapit sa kanila. “Na—na. Na-uubos p—po!” nauutal na wika ni Crin. Malamig ko siyang pinakatitigan. Lumapit ako sa kaniya at marahas na hinawakan ang panga nito. “Nasaan na ang ngisin sumilay sa mga labi mo kanina lamang?” Saad ko at marahas na ipinaling ang mukha niya pababa. Nakita ko ang mumunting butil ng luhang pumatak sa pisnge niya. Napakahina, magaling lamang sa salita ngunit hindi naman kayang panindigan. Inilagay kong muli ang kamay ko sa likuran at naglakad ng pabalik-balik sa harapan nila. “Lahat ng lalabas sa inyong mga bibig ay dapat kaya ninyong panindigan! Kung magmamayabang at mananamantala kayo ay siguraduhing kaya niyong harapin ang mas malakas sa inyo!” Sigaw ko na ikinaigtad nila. Nangatog ang iba sa kanila at ang iba ay tahimik na naluha. Nangunguna sa pagluha ay ilan sa mga babaeng narito. “Ano na lamang ang sasabihin ng pinuno niyo kung bumalik siya! Namahihina kayo? Na hindi niyo kayang mag-isa?” “Na hindi niyo kayang wala siya! Na binigo niyo siya!” Tumigil ako sa paglalakad at walang ekspresyon ko silang pinasadahan nang tingin isa-isa. “Nasaan ang wq bomb?” Walang sumagot sa kanila. At hindi rin naman nila tatangkaing sumagot sa 'kin. Ang pagsagot sa 'kin ay parang pagtanggap nang kamatay. Nanlilisik ang mga mata ko na tinitigan sila. Kwi-kwelyuhan ko sana ang isa sa miyembro na malapit sa akin ng marinig ko ang tunog ng paparating na palaso. Mabilis ko itong iniwasan at ibinaling ang katawan sa likuran. “Pa—pawn.,” nangatog ang tuhod ng miyembrong tinamaan. Nanlaki ang mata ko ng makita ang dumudugo nitong balikat. Kumabog ang dibdib ko at muling lumingon sa may hawak ng pana. Hawak nito ang palaso ni Kairus habang patuloy na dumudugo ang palad. Nakita ko ang nakangising labi ni Kairus habang nakatitig sa babaeng katabi niya. Naiiling na binawi nito ang kaniyang pamana. Ikinuyom ko ang kamao ko at patakbong nilapitan ito. Matatalim ang tingin na pinukol niya sa 'kin habang papalapit ako sa kinaroroonan niya. Parang wala itong takot na nadarama. Umiling si Kairus sa 'kin ngunit hindi ko ito pinansin. Tuturuan ko ng leksyon ang babaeng ito. Kapangahasan ang pagtira sa ibang miyembro na walang kasalanan. Mas mabuti na ako ang magturo ng leksyon sa kaniya kesa ang nakatataas ang mag atang ng parusa. Akmang sisipain ko ito ng may lumipad na blade. Tumarak ito sa binti ko. Mariin akong napalunok at ibinaba ang paa. Itinago ko ang daing na gustong lumabas sa aking bibig. “Ako na ang bahalang magparusa sa kaniya Casspien,” malamig na ani nito. “Ako pa ang mapaparusahan samantalang ang mga walang labang kasapi nila ang inaapi niya!” sigaw ng babae. Lalapitan ko sana ito ng sinipa ni Cyptus ang blade sa paa ko. “Fck! Cyptus!” daing ko at inalis ang paa niya sa binti ko. Isinawalang bahala nito ang daing ko at tumabi sa babaeng nakayuko na. Nanghihinang sinapo nito ang ulo niya at marahang bumagsak ang katawan. Sinalo ko ito ngunit inagaw ito sa 'kin ni Cyptus. Pinangko niya ito at binuhat palayo. “May bagong paglalaruan,” masiglang ani ng kararating lamang. “Malabo Calv, nasa pangangalaga ng kakambal niyo ang babae,” si Kairus. Naiinis na tumalikod ako sa kanila na hindi nagpapaalam. “Masusunog din kita. Hindi ako pwedeng lumagpak sa ranking dahil lamang sa 'yo!” bulong ko sa sarili ko. Someone's Pov “Nahanap mo na ba ang tampalasang iyon?” tanong ko. Pinaglaruan ko ang alak sa aking baso. Ilang taon na ang lumipas, ngunit wala pa rin akong balita. Sabik na sabik na akong masilayan itong muli. Nilingon ko ang espiya ko. Umiling ito habang nakayuko. Mariin kong ibinagsak ang tungkod sa lupa. Ipinaling ko ang aking tingin sa kaniya at sinaboy ang likidong pula. “Hindi namin naituloy ang pagwakas ng buong angkan nila.” “Patayin niyo ng walang ibang nakaaalam,” wika ko sa kaniya. Masiyado nang pinababayaan ng matanda ang alaga niya. Masisira ang plano ko sa kapabayaan nito. Yumuko ito bago nagsalita. “Yes young mistress.” ‘Magkikita rin tayong muli anak ko.’ bulong ko sa hangin habang hinihigop ang pulang likido. ‘Hindi ka na muling makaaalis pa. Hindi ka na muling mag-iisa.’ Cyptus Pov “Magandang gabi Pawn,” bati ni Death. Tango lamang ang isinagot ko. Marahas kong ibinagsak ang katawan ng babaeng matigas ang ulo. Hindi ko alintana ang mumunting daing nito at pag-agos ng dugo sa mga palad niya. Hindi ko dapat siya bigyan ng special treatment dahil lamang sa bagong miyembro ito. Hindi ko binigyan ng ibang pagtrato ang aking nasasakupan dahil lamang sa mababaw na dahilan. “Gamutin niyo lamang siya at ituring na normal.” Tumungo lamang sila habang nagsasalita ako. Napansin ko ang kwintas na sumilay sa ibabaw ng dibdib niya. “Way to hell” bulalas ng isipan ko. Bakit nasa kanya ang susi ng kabilang mundo? “Makalalabas na kayo.” Tumalima naman ang mga ito at nagpaalam na aalis na. Hindi ko inalis ang titig sa kwintas na suot niya. Hindi pwedeng makita ng sino man nag kwintas . Hinablot ko ito na nagdulot ng panibagong sugat. “I'll keep this until you choose your own path.” Sinelyuhan ko ito bago inilagay sa loob ng aking katawan. Napadaing pa ako sa labis na pwersa na pumaloob sa daluyan ng dugo ko. Here we go again. Gusto ko na naman siyang markahan. Nais ko na namang matikman ang matamis nitong dugo. Ikinuyom ko ang aking palad at pilit kinakalma ang sarili. Mauubos ko ang dugo niya kapag nagkataon. Hindi ko maaaring hayaan ang katawan ko na naasamin at mahibang sa kaniya. Maaari ring hindi ko makontrol ang halimaw na nakakulong sa katawan ko kapag ipinagpatuloy ko ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD