Jail

3187 Words
Chapter 2 Pillow's Pov Username : Pillow Age : 18 Birthday : July 13, 2000 Your secret's : Nothing Scared of : needles Gender : Crp Motto : mind your own business Simula ng payagan ako ni tanda na punasok sa eskwelahan ay pinahanap niya sa 'kin ito ng mag-isa. Sa pagpasok ko raw rito ay puputulin nito ang anumang koneksyon namin. Alam ko naman hindi ako matitiis ni tanda. Hindi niya iyon magagawa. Binigyan ako ng mapa ni tanda. Nakalagay roon kung saan ito naroroon. Hindi naman ako nabigo sapagkat natapuann ko isang maliit na mansion. Nasa gitna ito ng malawak na ilog. Makikita ang repleka nito sa malinaw na tubig. Sumakay lang ako ng maliit na balsa upang makatawid sa kabilang ibayo. “Hindi naman gaanong masama para sa expectations na ini-imagine ko.” Napabuntong-hininga ako habang tinatanaw ang mansyon. Isinagwa ko lamang sagwan sa tubig upang umandar ito. “Maliit lang ito. Walang-wala ito sa mansyon ni tanda,” bulong ko at huminga muli ng malalim. Akala ko nga noong una ay naliligaw ako. Pero heto nga, eto na pala 'yun. Medyo nadismaya ako, dahil ibang iba ang pagkakasaad sa flyers kumpara sa totoo nitong hitsura. Ang sabi ay malawak ang aaralan. Malaya raw na makatakbo sa malawak nitong quadrangle. Expectations vs reality ang ganap dine mga teh! Ang matindi pa dito ay wala man lang na guard na mag we-welcome sayo. Wala ring karatula na nakalagay man lang sana na: “Welcome to Role Play Academy” Again, dismayado na naman ako. Ngunit wala ring nagawa kundi sumihe dahil nasimulan ko na ito. Isang linggo ako bago pinabalik sa eskwelahan, irereview daw nila ang form bago ako makapasa. Good thing din naman 'yun dahil wala akong sa mood na pumasok agad. First class must be boring as hell. Tinampal-tampal ko pa ang sarili ko dahil nilalamok ako sa loob ng mansyon. Nasa loob ako ng opisina nito upanh kompirmahin kung nakapasa ba ako. “Eto ang mga gamit mo na hindi mo maaaring maiwala,” ibinigay nito ang isang kulay maroon box na may lasong itim. Inalis nito ang pagkakabuhol ng laso. May maliit na butas ito sa ginta na kung susuriing mabuti ay maliit na babasaging bagay. Isang botilyang hindi ko maisip kung ano ang mailalagay ko rito. “Here, hiwaan mo ang sarili mo,” ani niya at inabot ang maliit na punyal. Tiningnan ko ito ng masama. Required din ito sa school nila? Pinagmasdan ko ang babae sa harapan ko kung nagbibiro ba siya. Ang isinagot lamang nito ay “Pinasok mo 'to so don't object anymore just do it.” “Hiwain mo ang sarili mo at ipatak ang dugo mo sa maliit na botilya sa kahon. The system will recognize you as the owner of the box. Walang makabubukas ng box kundi ang dugo mo lang.” ‘Cool! I like it!’ “If hindi ka nakasisiguro sa sarili mo na gawin ito. Ay malaya ka nang makalalabas sa gate ng Academy,” hindi na ako nagsalita at agad hiniwa ang daliri ko. “Ouch! Ang talim pala!” hanas ko habang pinapatak ang dugo sa box. Medyo napahaba ang hiwa at muntik ng humiwalay ang kuko ko dahil sa talim ng punyal. “The system if complete. Welcome to Role Play Academy. Don't let anyone know your little secret's. Because your secret's is your weakness. And your weakness is your death bed!” napalunok ako sa tinuran ng boses sa box na ito. Nakakakilabot! Tama nga si tanda kailangan kong mag-ingat dahil hindi basta bastang eskwelahan ito. “Paalala ko lamang sayo Pillow. Once you drop your blood in the bottle hindi ka na allowed na umatras pa.” Tango lang ang isinagot ko sa kaniya, hindi ako nag-abalang magsalita pa. Okyupado nang dugong patuloy na umaagos sa daliri ko ang aking utak. “Now please open it ng maipaliwanag ko kung ano ang lahat ng item na nasa loob.” Natatakot man ay sinunod ko na lamang siya. Ano ba itong napasukan ko? Parang may kakaibang aura ang bumabalot sa paligid. Bahala na, once I open this box aalis na agad ako! Nang hawakan ko ang box ay agad ko itong nabitawan. May tumusok na matalim na bagay sa mga palad ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang maliliit na karayom roon. Nangatog ako sa kinatatayuan ko at napaling ang tingin sa ginang na nakatayo sa harapan ko. Nakangisi itong kinuha ang sa kamay ko at inilagay sa box. “Ahhhhhh!” “Welcome to roleplay academy. Ngayon pa lang ay walain mo na ang takot sa kaloob-looban mo Pillow.” Dumadaing ako habang nakalapat ang mga palad sa kahon. Halos mapatid ang litid sa leeg ko sa kasisigaw. Umi-ikot at naglalabas masok ang mga karayom sa palad ko. Tumatagaktak ang malamig kong pawis dulot ng kaba, hapdi at takot. Mas lalo pang dumiin ang pagkakalapat nito ng umawang ang gitna ng kahon. Marahan itong bumukas at bumungad sa 'kin ang iilan sa mga nagkikinangan na gamit. Halatang mga bago pa ito. Halatang ito ay inilaan talaga para sa mga estudyanteng gustong pumasok rito. Nagkalat ang dugo ko sa lamesa, kumikirot pa rin ito habang naka-upo ako sa sofa ng opisina. Ganito rin kaya ang nararanasan ng mga ibang pumasok rito. Kumusta kaya ang mga ito? Kung sa unang pagtatagpo pa lamang ay ganito na? Paano kapag nakapasok ka na sa loob? “Here. Punasan mo ang palad mo,” inabot nito ang isang tissue na kanina niya pa ibinabad sa Tupperware na may alcohol. Nang hindi ko ito hawakan ay hinablot niya ang palad ko at siya na ang nagdampi noon. Napasigaw ako ako ng malakas sa sakit! Nanginig ang buong katawan ko ng manuot ang kirot sa bawat butas ng sugat na dulot ng manipis na karayom. ‘O God! Please, divert my attention.’ Mariin kong nakagat ang ilalim ng labi ko. Mabibigat ang paghinga ko at nagsisimulang umagos ang mga luha sa 'king pisnge. Anong hamon ang kahaharapin ko sa loob? Hinihiling ko na dumating si tanda rito at iligtas ako! Nalalasahan ko ang sarili kong dugo dahil sa mariin kong pagkagat sa 'king labi. Naibsan nito ang sumisikdong hapdi sa aking palad. Madilim ang bawat titig na binitawan ko sa sandaling nagtama ang aming mga mata. Gusto kong kunin muli ang punyal at itarak sa palad niya ng ilang ulit at buhusan ng alcohol ang sugat na magiging dulot nito! Binitawan niya ang palad ko at idinikit ang bibig niya sa tenga ko. “Hush now Pillow, hindi mo magugustuhan kapag nalaman nila ang kahinaan mo,” namamaos niyang ani. I can't breathe right now. I can't feel my own body. Isa lang ang gusto ko, ang umalis dito. “May limang kagamitan ka sa loob,” panimula nito. Target watch : ito ay parang isang relo na may kakayahang makita ang sino mang target mo. Never tell your username sa hindi mo mapagkakatiwalan. Dahil baka hindi mo alam, ikaw na ang sunod na pupuntiryahin nila. Sa gadget na ito ay nakalagay lahat ng info , location, username, info about the player, except sa secret's nito. Magbibigay daan ito sa kung sino mang player ang tatargetin mo. Mabibigat ang bawat paghinga ko habang nakikitig sa pinagsasabi niya. Masiyadong naglulumikot ang mata ko dahil sa hilo. “Next is the 10 bloody bottle,” inangat nito ang maliit na bottle. Nahihilo man ay nagawa ko pa ring makinig at pasadahan ng tingin ang hawak nito. 10 bloody bottle : ang sampung botilya ay gagamitin para makaproceed ka sa ranking. Kailangan mong mapuno ang sampung bottle ng iba't ibang dugo mula sa iba't ibang target. Reminder's : don't cheat, baka ang dugo mo na ang isa sa sisilid roon. Napaliyad ako sa bangko at napabaling-baling ang ulo. Parang gusto kong kunin ang puso ko at tapak-tapakan. Pakiramdam ko ay mauubusang hangin ang buo kong katawan. Earphones : this device is used for communicating to your co-members. May password ito na kapwa miyembro mo lang maka-aalam. Reminder's : don't let them knew the password of your hood. Or else you'll be doomed! Rings of saviour : for emergencies purposes tanging leader niyo lamang ang maka-aalam ng signal mula sa device na ito. Tatlong beses mo lamang itong pwedeng gamitin. Reminder's : don't used it 4 times. Because it will turn you into ashes. Learn how to protect yourself. “And the last device is your badge,” kinuha nito ang isang maliit na hugis tatsulok. “What did you do to me? Bakit hindi ako makahinga! I feel so dizzy! Damn!” nanghihinang singhal ko sa kaniya. Namumungay ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. Hawak nito ang punyal na hawak ko kanina. “Shhh, shut your mouth for now Pillow. Masiadong kang maingay.” Hinablot nito ang palad ko ko at hiniwa. “Ahhhhh! Sht!” Namamaos kong sigaw. Patuloy lamang siya sa paghiwa ng palad ko. Ramdam ko ang pagtuklap ng balat ko pahiwalay laman ko. “Sht! Stop!” But she didn't stop. Nakangisi lang ito habang sinusukat ang tatsulok na badge. Siguro ay ilalagay niya ito sa palad! s**t! s**t! Anong kahibangan ito! Mariin niyang ipinasok ang badge sa palad ko. Hindi ko na magawAg sumigaw pa dahil sa paghapdi ng lalamunan ko. Naghahalo ang nanunuyong lalamunan ko at nakamamatay na sakit na pagtahi ng hiniwa kong balat! Ang kagustuhang kong pagpasok rito ay nagdulot ng kabaliwang sakit! Nakakikilabot na surpresa! “Sleep for now Pillow. Welcome to Role play Academy. Your first task was succeed. Congratulations,” she said with a wide grin. My eyes went blurry, hindi ko siya maaninag. Pinilit kong manatiling dilat ang mga mata ngunit nanlalabo na talaga. She just wave her hand until I lost my consciousness. — “Wake her up Tyler!” I heard someone's arguing behind me. Pinakinggan ko lang ito. Hindi ko iminulat ang mata ko, pilit kong pinakikinggan ang usapan nila. Ayokong magmulat dahil may posibilidad na isa na naman ito sa pasabog ng eskwelahan. Ayokong masurpresa sa mga weirdo nilang pakulo! “She's a newbie, we should be careful,” a man said not so far from me. Makapagsalita naman ito, ako nga ang dapat mag-ingat sa inyo! Pinigilan ko ang sarili ko na gumalaw, ulitmo paghinga ay pigil ko na. ‘This school is really creepy! I should becareful If I want to survive.’ Masakit pa rin ang palad ko. Ang pagtahi nito! Ang bagay na nakapaloob sa palad ko s**t! Ramdam ko! Nararamdam ko pa rin ang manipis at matalim na karayom na bumaon dito. Parang andito pa rin ang pakiramdam ba umiikot habang naglalabas pasok! “Why iba atang labas masok ang naiisip mo?” “Gad! Mamatay na ata ako ganito pa rin ang takbo ng isip ko!” “Kio, ikaw nang gumising sa kaniya,” rinig kong saad ng isang babae. Umingos ang lalaki bago ako nito tinapik. “Hey? What's her name again?” tanong nito. “Pillow.” Sana all, alam ang pangalan! Tinapik niya ulit ang balikat ko. Gusto kong dumaing sa mabigat nitong palad. Ang bigat ng kamay niya. May bakal ang daliri nito na sa palagay ko ay singsing ngunit medyo may talim ito sa paligid dahil humapdi ang balat ko sa balikat. Nanatili lang akong tahimik at nagkunyareng natutulog. Kailangan kong maging matalino dahil baguhan pa lang ako. Sa pagkatatanda ko ayon sa form na binigay sa 'kin. Ang isa sa task namin ay pumatay ng taong aksidenteng nalahad ang sikreto niya. Kung kaunti lamang ang tao sa eskwelahan malaki ang tiyansang mahanap ko ito. O kaya ako pa mismo ang gumawa ng paraan para sabihin nila sa 'kin. Lumangingit ang pintuan hudyat na may bagong pumasok sa silid na kinaroroonan ko. “Get up, I'm not a Saint little girl. So get up before I'll make you pray to all the saint that you knew,” malamig ang tinig nito na mas malamig pa sa ihip ng hangin kapag tag-ulan. Narinig ko ang pagsaguyod ng isang bagay sa sahig. “Bring me that chair.” Ang pagsagyad ng bangko sa sahig ay naghatid ng pangingilo ng ngipin ko. Parang sinadyang ikiskis ang dulo ng bakal mula sa bangko. ‘Fck! I can't hold this pangingilo!’ ‘Sesodyn!’ Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa matinis na tunog. “Pawn Cyptus,” bakas sa boses nila ang pagrespeto sa kararating lang. I don't have any choice but to get up. Ang presensya nito ang nagsasabing I have no choice. “Tumayo ka o matutulog ka ng habang buhay.” Inangat ko ang sariling katawan sa pagkakahiga. Marahan kong iminulat ang mata ko. Kadiliman ang sumalubong sa 'kin. ‘Weirdo naman ng mga ito? Paano sila nakapaguusap na hindi nakikita ang bawat isa?’ ‘Bibig ang ginagamit hindi mata Pillow!’ ‘Yeah right!’ Madilim man ay naaaninag ko pa din ang mga bulto nila sa gitna ng malabong bisyon ko. “Why we should choose you?” tanong niya. Hindi ako sigurado kong siya ba ang tinitingnan ko. Pero sasagutin ko na lang. “I don't have any idea to this fckn school. Hindi ko choice ang piliin niyo ko. Even if I give you a valid reason nasa sa inyo pa din ang desisyon. So why bother to asked me anyway?” “Madali kang mamatay sa talas ng dila mo,” a girl behind me grabbed my hair. “Kiana let her go,” his cold voice sent shiver to my whole body. Nagsitayuan ang nalahibo ko at parang may malamig na hangin ang bumabalot sa paligid. Nanunuyo ang labi at lalamunan ko dahil sa lamig nito. “Turn on the light Damson.” “We only have one rules here. No bullshit secrets is allowed if you want enter this hood,” kumunot ang noo ko sa tinuran niya. I this a joke? Siraulo ka ba? Gusto niyo ba akong on the spot na mamatay? “Akala ko ba hindi pwedeng malaman ng kahit na sino ang sikreto mo?” nakataas kong kilay habang naghahamong nakipagtitigan sa lalaking naka puti. Mukha siyang anghel dahil sa puti niyang T-shirt. Pero hindi maipagkukubli ng berde niyang mata ang sumusupil na katauhan sa likod nito. “Mabuti naman at marunong kang magbasa ng panuto. Ayoko ng tatanga-tangang miyembro,” iginalaw ko ang mga mata ko patungo sa nagsalita. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kung makaasta naman ang isang 'to akala mo kung sinong malakas. Akala mo naman matutuwa akong maging kasapi niyo. Inikot ko ang mata ko bago nagsalita. “Do you think I'll be happy if ikaw ang makakasama ko?” I stared at him with a disgusted look. I raised my I eyebrow at him and chuckled. Binasa ko ang mga labi ko at umiling pa habang mahinang tumawa. “Aren't you scared? Do you know who am I?” nagngitngit ang ngipin nito sa inis. Inikot ko lang ang mata ko at tumitig sa palad kong kumikirot pa rin. ‘Hindi ko naman akalaing ganito ka weird ang school na sinasabi ni tanda. Weird school! Kasama ang weird na mga tao! Urgh!’ Ibinagsak nito ng malakas ang palad niya sa lamesang kinauupuan ko. Hindi naman ako nagulat, tiningnan ko lang siya at itinukod ang palad kong na nanakit pa sa lamesa. Tumingala pa ako at hindi siya pinansin. Bakas sa mukha nito ang pagkainis dahil sa hindi ko pagpansin sa kinukuda niya. ‘Gusto kong itarak sa leeg mo ang kuko ko.’ Umayos ako ng upo at itinukod ang siko ko sa binti. Mula sa gilid ng aking mata ay ang pagtiim ng mga panga nila dahil sa inis. ‘Bakit ba kayo nagagalit? Inaano ko ba kasi kayo!’ Ikinuyom ko ang palad ko at ipinatong ang maliit kong mukha rito. Ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa lalaking nasa harapan ko. “Naririnig mo ba ako?” “Of course! May tenga ako naririnig kita.” gusto kong sabihin sa kaniya kaso baka bumulagta agad ako. Ibinuka ko lang ang labi ko at hindi nagsalita. Masiyadong mahina ang pasensya ng isang 'to. Kung iinisin ko siya ay masasangkot agad ako sa gulo. At kapag nangyari iyon, ilalabas kaagad ako ni tanda rito. Gusto kong lumabas ngayon na. Ngunit, narito na lang rin naman aki ay lulubusin ko na. “Hindi kita narinig, paki ulit na lang LAHAT ng sinabi mo at makikinig ako,” ani ko at inalis ang kamay niya sa lamesa. Mabilis niyang inatras ang kamay niya na parang napapaso sa paglapat ng balat ko sa kamay niya. ‘Weirdo. Kanina ang tapang-tapang nilapat ko lang ang palad ko umatras na?’ Ihiniga ko ang katawan ko sa lamesa. Patagilid akong humiga at komportableng itinukod ang siko at ginawa itong unan. Inimuwestra ko ang kaliwang kamay ko sa lalaking nakaitim na sando. “Maaari ka nang magkwento ginoo,” nayayamot kong sambit habang nakipagtitigan sa kaniya. Hindi makapaniwalang tinititigan ako nito. “What? Talak ka ng talak kanina. Hindi naman ako nakikinig. And now I'm listening? Ayaw mo naman?” Tumayo ang lalaking nakaputi at humakbang patungo sa may pinto. Nagsipagyuko naman ito bilang galang. So? ito ang leader nila. Dahil sa kapilyahang pumasok sa isip ko. Tumayo ako at nakiyuko sa kanila. Natatawa pa ako habang nakayuko. Gusto ko lamang silang inisin. Bihira lang ako magbigay ng paki sa mga nakakasalamuha ko. Nagulat ako ng bigla akong mapaluhod sa lupa. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagdikit ng mukha ng isang lalaki sa aking mukha. Mariin ang pagkakahawak nito sa likuran ng leeg ko. Para akong mawawalan ng malay sa pagkakariin nito. “Huwag mong inuubos ang pasensya ko,” banta niya. Ang mga berde nitong mata ay madilim na tumitig sa akin bago ako binitawan. “Locked her up! No foods! No water!” “Gag* ka ba? Balak mo ba akong patayin?” “If you died! Then be thankful makakalabas ka na sa eskwelahang ito!” Puno ng galit ang boses niya. Para bang hindi niya gustong manatili ako sa lugar na ito! Then, asa! Hindi ako mamatay! Makakalabas ako dito ng kusa! Gusto ko pa mag explore dito! Nagsi-alisan sila at ako na lamang ang naiwan dito. Fine, ayos lang. No food? No water? Asa! Meron ako sa bulsa no. Akala mo ba mag-nganga ngawanako dahil walang pagkain! Palagi akong may dalang chocolates at bengbeng sa bulsa ko. Incase na palagi akong kinukulong ni tanda kapag sobra akong makulit o di kaya ay may kalokohan! “You can't starve me green eyes!” hiyaw ko pa. Umupo ako sa sahig at kinuha sa bulsa ang isang pulang maliit na supot. “Beng-beng!!” Napahikgik pa ako habang binubuksan ang pakete nito. Napatigil ako sa pagbukas ng tumagas ang dugo sa palad ko. Nanginig ang palad ko sa dugo pero hindi ko binitawan ang beng-beng. Kumagat lang ako roon at kumuha ng lakas. “Sht! Sht! Focus sa beng-beng! Sayang 'to! Sayang! Hindi baleng maubusan ng dugo wag lang magutuman!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD