Panimula

3806 Words
Chapter 1 Someone's Pov “Rp Academy!” “Free For tuition!” “No boring classes to attend!” Halos maputol ang litid sa leeg ng mamang namimigay ng flyers. Inaabot ng mahabang kamay nito ang mga dala niyang papel sa bawat taong dumadaan. Mukhang nakakapagod ang ginagawa niya lalo na at hindi naman mukhang interesado ang mga taong inaabutan niya. “Rp Academy, your secrets will be safe here!” Napatitig ako sa mama ng isigaw niya ang “Your secrets will be safe here,” sounds interesting. Humigop ako saglit sa boba milktea bago tumayo at iniwan ito sa table. Diretsyo lang akong nakatingin sa mamang namimigay ng flyers. Ginawa ko panh payong mga palad ko sa nakisisilaw na sinag ng araw. Marahan ang bawat hakbang ko sa mamang pagod na pagod sa kakatayo. Hinablot ko ang isang papel kahit hindi niya inaabot sa 'kin. Nakatingin kasi ito sa gawing kaliwa at ayoko namang kalibitin siya para bigyan ako ng isa. Bahagya pa itong nagulat ngunit kalaunan ay ngumisi tin sa 'kin. ‘Hay, kung sinunog na lamang sana niya ang mga papel o hindi kaya ay itapon na lamang sa basurahan ng wala siyang iisipin pa.’ “Thanks,” tipid kong saad. Iniangat ko pa ang kapiraso ng papel bago naglakad palayo. So this is the form? Impressive. Ang sabi sa form, ‘Don't let someone knew your secret's.’ Napaingos ako sa nabasa ko. Really? May sikreto bang hindi nabubunyag. And anyways? Anong connect ng secret's mo sa pagaaral? Nakabusangot akong napatigil sa paglalakad lalo na ng mapadako ang tingin ko sa matandang lalaki na nasa harapan ko. Malapad ang nakapaskil na ngiti sa labi niya. Sumayaw-sayaw ang mahabang puting balbas nito sa hangin. ‘Ano na naman a ang binubuntot ng matandang ito! Urghh! Kahit kailan talaga!’ Sumenyas itong gigilid sa may poste, marahil ay ramdam nitong may nakasunod na naman sa 'kin. Hindi ko na lang siya binigyan ng pansin. Napakiwit ang labi ko ng kumaway-kaway ito sa gilid. Inambahan ko nga ng suntok a sinuklian niya lamang ng tawa. Hanggang kailan kaya ako balak nitong sundan. Kung nasaan ako ay naroon rin siya! “Wala ba akong adventure na wala siya?!” mariin akong napahawak sa strap ng bag ko. Inirolyo ko na lamang ang form at mamaya ko ito pepermahan. Iniagay ko sa bag ang flyers doon ko na lang babasahin sa bahay. ‘Kailangan ko munanh pag-aralan ang mga dapat kong gawin sa loob ng paarapang ito.’ Naptigil ako sa paglalakad ng may pares ng converse shoes ang lumitaw sa harap ko. Tumaas ang isang kilay ko at dahan-dahang inangat ang talukap ng mata ko upang suriin ang tampalasan na nakaharang. ‘Bagong mukha, akala ko ay si tanda na naman.’ Matangkad ito sa tansya ko ay nasa 6ft . Nasa 5'7 ft ako hanggang ibaba lamang ako ng tainga niya. At kung susuriin kong mabuti hindi basta-bastang nilalang ang isang to. Nakipagtitigan ako sa kaniya at pinaningkitan siya ng mata. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Ang berdeng mata niya ay wari'y naglalaban ang kapayapaan at malamig na aura ng pagkatao niya. “Are sure you that you really wanted to enter that school?” he asked. Nanatiling kalmado ang boses nito na tila matagal na kaming magkakilala. Pinakatitigan ko lamang siya. Mababakas sa mukha nito ang dalawang bagay. ‘Una, hindi siya interesado kung sasagutin ko man o hindi ang tanong niya.’ ‘Pangalawa, nangangalap lamang siya ng impormasyon sa taong makakausap niya.’ Hindi ko siya sinagot at nilagpas lamang ito. Buti na lang at may naiutrong tama ang matandang iyon sa 'kin. Kahit papaano ay may alam ako sa ganitong bagay. “I don't think you will survive if you have that behavior,” payak nitong pahayag. “Mind your own business Mr. Green eyes . Your opinion doesn't makes sense!” Sinubukan ko lang tapatan 'yung english niya kahit hindi ko alam kung tama ba. “Then see you there!” ani ng baritono nitong tinig. Pagkalayo ko sa lalaki ay sinalubong ako ni tanda. “Alam ko ang tumatakbo r'yan sa maliit mong utak.” Ngumiti ako sa kaniya upang ipaalam na hindi niya ako mapipigilan. Gusto kong pumasok dahil, free ang pagkain! Malayang gawin lahat! At higit sa lahat no CLASS TO ATTEND! “Hindi kita pipigilang pumasok r'yan. Ang inaalala ko lamang ay ang maliit mong utak. Hindi ka makapapasa sa pagsusulit r'yan. May mga examination sila na dapat mataas ang grado mong makuha,” seryosong wika nito. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong nabasang ganoon sa flyers. Kinuha ko ang flyers sa bag ko ngunit mabilis ang kamay ni tanda. Nang maiangat ko ito mula sa bag ay mabilis niya itong hinablot at pinagpupunit. Hinampas ko siya ng bag ko. Napaka-kj talaga! “Kung gusto mong makapasok r'yan ay siguraduhin mong hindi kana padalos-dalos kung mag isip. Hindi pag-aaral ang aaralin mo roon.” “Ang paaralang iyon ay para sa mga mahihina ang loob na hahasain ang sarili, utak, tapang at pagkatao. Babaguhin ang hubog ng buo mong pagkatao. Nababagay karoon dahil maliit ang kokote mo,” natatawang ani nito. Inambahan ko siya ng suntok. Pagkarating sa bahay ay inutusan niya akong pumaroon sa hardin. Naligo lang ako at nagtungo sa malawak na garden ni tanda. “Gusto mo ba talagang makapasok roon?” may pag-aalinlangan ang mata niyang nakatitig sa 'kin. Tila nangungusap ang mga mata nito na humindi ako. Ngunit, nais ko talagang pumaroon. Nakuha ng kuryosidad ang aking puso. May kung ako akong gustong matuklasan sa loob ng eskwelahan. “Yes naman tanda! Kung papayagan mo ako! Pero kung hindi ay tatakas na lang!” Pabiro ko sa kaniyang wika. Inambahan na lang ako nito ng baston niya. Hinimas nito ang pula at puti niyang balbas. “Kung gusto mo makapasok roon. Ay kailangan mong sumailalim sa pagsasanay.” Naglakad na ito at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. Limang hakbang ang ginawa niya at huminto. Tinagilid nito ang bastos niya at may tinuklap sa lupa. Bumukas ang lupa ng hardin. Dinig ko ang pag-urong ng semento at ang pag-uga ng lupa. “Tanda! Anong ginawa mo lumilimdol!” sigaw ko habang hawak ang ulo ko. Jusko! Balak niya bang gunawin ang mundo?! Mahina itong natawa at inimuwestra ang buhang sa ilalim ng lupa. May hagdang semento pababa na nasakluban na ng mga halamang ligaw. Napaawang ang aking bibig. Sa ilang taon kong pamanalagi rito ngayon ko lamang ito nakita! “Di 'yan ka magsasanay bago ka pumasok sa eskwelahang iyon!” masayang ani nito. Napakiwit ang bunganga ko sa kaliwa. Tumaas pa ang dalawa kong kilay. Seryoso? Pagsasanay? O baka ikulong mo lang ako r'yan tanda. “Anong iniisip ng maliit mong utak? Binulong niya ba sayo kubg kailan siya lalaki?” pang-aasar nito. “Baka ikulong mo lang ako jan tanda!” Nilakihan niya ang kaniyang mata na nanunuya. “Napaka galing naman ng maliit mong utak! Buti at binigyan mo ako ng ideya kung saan kita maikukulong!” “Tanda naman e!” “Sinabi ko nang magsasanay ka hindi ba?” Humalukipkip ako. “Para saan ba ang pagsasanay? Tanda naman mag-aaral ako hindi makikipag-away!” Singhal ko sa kaniya. “Wala ka talagang ideya sa papasukan mo ano?” Salubong pa ang kilay nitong tumitig sa 'kin. Tango lang ang isinagot ko sa kaniya. Ang mahalaga lamang sa 'kin ay ang kung anong nasa loob. Alam ko naman pro-protektahan ako ni tanda. Naiiling na hinila ako nito pababa. Nangatog ang tuhod ko dahil sa maikit na tapakan nito. Saktong isang paa lamang ang magkakasya dapat at nakatagilid pa ang paa kung tatapak ka. “Tanda! Dahan-dahan lang! Baka mahulog ako!” “Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaluhin!” tumatawang ani nito. “Tanda naman!” Nang makapasok ng tuluyan ay natanaw ko ang pagsarado ng buhang sa itaas. Ang liwanag na bumabalot sa paligid ay na nawawala! “Tanda! Sumarado! Paano tayo makalalabas!” Hindi ito umimik at patuloy lang sa paglakad. Unti-unting dumilim ang paligid dahil sa pasaradong buhang sa taas. “Tanda! Ang dilim!” singhal ko at ipinikit ang mata ko. Hindi ako nagmulat ng mata dahil madilim rin naman. “Pwede mo nang buksan ang mata mo senyora!” sarkastikong ani niya. Pagmulat ko ng mata ay nasilayan ko ang mahabang marmol na lamesa. Hanggang tuhod ko lamang ito. Nilapitan ko ito upang makita ng malapitan. May mga maliliit na upuan ito sa gilid. May mga sulo sa bawat sulok na siyang nagbibigay liwanag sa kapaligiran. “Tatlong araw kang kakain ng nakapikit,” seryosong sambit niya habang pinapagpag ang mga kubyertos na nasa lamesa. “Paano ako kakain ng nakapikit aber!” angal ko sa kaniya. Paano ako kakain ng nakapikit? Sinong matinong tao ang kakain ng nakapikit? Sumeryoso ang itsura ni tanda. Hindi ito makikitaan ng kawilihan. Para itong ibang tao kung pakatitigan. Napaiwas ako nang tingin dahil hindi ako sana'y sa ganitong ekspresyon niya. “Simula sa araw na 'to hindi ako si tanda. Ako ang master mo ngayon. Kada tawag mo sa 'kin ng tanda may parusang naka akibat! Maliwanag ba?” Napatayo ako ng tuwid at napalunok ng mariin. Iba ang boses ni tanda tila nagmula ito sa ilalim ng lupa napaka seryoso at napakalamig. “Okay tanda,” ani ko. Nakatakip ako ng bibig at umiling. Hindi ako sana'y na hindi siyang tawaging tanda “Trial palang tanda! Saglit lang!” “Dalawang beses mong binanggit ang salitang tanda. Dalawang beses ka rin maglalakad sa nagbabagang kahoy.” “Se—seryoso? Tanda?” Natutop ko ang bibig ko. Bakit ba kasi tanda ako ng tanda! Urghh! “Tatlong beses kang maglalakad.” “Saglit lang kasi ta— urghh! Ano ba kasing itatawag ko sayo?!” “Hindi mo rin ako pwedeng sigawan.” dagdag pa nito. “So anong itatawag ko sayo?!” “Limang beses kang maglalakad.” kalmadong ani nito. Umupo ito sa maliit na bangko at inimuwestra ang rektanggulong puno ng baga. Napasunod ang mga mata ko sa itinuturo niya. Nanlaki ang mata ko habang papalakad roon. Hindi ko ito nakita kanina! Paanong mayroon kaagad? “Kung iniisip mong kalalagayan ko lamang n'yan ay nagkakamali ka. Way to hell ang tawag r'yan.” “Way to hell?” Paguulit ko sa tinuran niya. Tila mga bombilyang nagkikislapan ang mga bagang nasa rektanggulong buwang. May maliliit na butil ang lumilipad sa pataas. Kumikinang pa ang mga ito habang inililipad ng hangin. Napaatras ako dahil sa halo-halong pakiramdam at temperatura na lumalabas roon. “Ang Way to hell ay isang parusahan ng mga gustong matuto ng tamang disiplina sa sarili. Ito ay mula sa loob nang bulkan, tahanan ng mga bathala at mula sa pinakamalamig na lugar.” “Ilang libong taon na rin ang Way to hell na ito. Ito ay mula sa kumukulong putik. Hindi namamatay ang init nito dahil nagmumula ito mismo sa ilalim ng lupa,” mahabang paliwang niya. Napalunok ako sa kaisipang kung gaano ito kainit. Kung gaano malulusaw ang talampakan ko! “Hi—hindi ba ako mauupos di 'yan?” Tinuro ko pa ang Way to hell. Iisipin ko pa lang na nakatapak na ako ay parang lilipad na ako sa sakit! “Hindi naman, masusunog lang.” Tila walang paki nitong ani at nagkibitbalikat pa. Ibinagsak niya ang kaniyang tungkod sa lupa, dumagundong ito sa buong paligid. “Tanda naman e!” singhal ko sa kaniya. Walang buhay itong tumitig sa 'kin at umiling muli. “Sa lagay mong iyan, hindi ka tatagal roon. Hindi mo isinasaulo ang mga sinasabi ko sayo. Paano kapag naroon ka na sa loob?” Nag-aalang ani niya. “Okay fine! Masiado mo naman akong minamaliit! Tatanggapin ko ang parusa!” ani ko at tumapak na. Napapikit ako at hinintay na maramdaman ang pagkapaso ng aking balat. Nagulat ako ng maramdamang hindi naman ito mainit! Kabaliktaran ang temperatura nito! Hi—hindi mainit! Hindi rin malamig! Halo-halong pakiramdam ang mararamdaman mo! “Ta—tanda? Ba—bakit ganito 'to ah!!!” napasigaw ako sa pagpitik ng kung ano sa katawan ko. Para akong mawawalan ng balanse. Prenteng umupo lang si tanda at matiim na tumitig sa 'kin. “Ang Way of hell ay may sari-saring kakayahan. Tatlong klase ng elemento ang promoprotekta rito upang manatili ang pagkinang.” Muli akong napa-igtad ng may pumitik na naman na kung ano sa katawan ko. Para akong mangingisay sa mga oras na ito. Sinabayan pa ng init at lamig na bumabalot sa katawan ko. “Ang una ay mainit na lava mula sa bulkan, pangalawa ay malamig na pakiramdam mula sa nagyeyelong tubig mula sa antarktika at ang huli ay kidlat mula sa kaharian ng mga bathala.” “Anim na hakbang ang kailangan mong gawin bago kita ahunin, kung hindi mo magagawa iyan. Siguradong mabibigo ka sa pagpasok sa RPA!” Napapikit ako at nilabanan ang panghihina ng katawan. Ang malamig na pawis ay tumutulo na sa aking noo ngunit nararamdaman ko rin ang pagtuyo nito dahil sa init at lamig na bumabalot sa paligid. “Konsentrasyon ang tutulong sayo na makaalpas sa init at lamig. Ang pagbaliwala sa pagpitik ng kidlat at katatagan ng sarili ang maghahakbang sayong mga paa,” ani niya habang paikot-ikot ang tinig nito sa 'kin. Nagtatagis ang mga ngipin ko sa bawat pitik ng kidlat. Nangangatog ang tuhod ko dahil sa lamig at nanlalambot ang katawan ko dahil sa init. “Isipin mo kung ano ang gusto mo. Isipin mo kung gaano ka kadesididong lumaya at maglakbay mag-isa.” dagdag pa niya. Gusto kong maglakbay mag-isa na hindi kasama si tanda. Nais kong matuto na ako lamang ang tatayo sa bawat hamon ko sa buhay. “Ngayon ihakbang mo ang kaliwang paa mo” Sinubukan ko itong ihakbang ngunit tila nanigas na ito sa lamig. Buong lakas ko itong inangat ngunit hindictalaga kaya. “Konsentrasyon ng isipan at hindi sapilitan. Isipin mo kung anong gusto mong mangyari.” “Willow, anak? Willow? Anak asaan ka?” Bigla akong napaigtad sa tinig na tumawag sa 'kin. Nawala ang init, lamig at pagpitik ng kidlat. Gayun rin si tanda. Nasa ibang dimension ako. “Ta—tanda? Asaan ka?” Tinawag ko ito ngunit walang sumasagot. May tumakbong anino sa paligid ko. Nakapula itong kupas na kimono, tumatakbo ito. Sinundan ko siya kung saan siya pumunta. Nagtungo ito sa isang maliit na mansyon. Humahangos itong pumasok roon. Nanlaki ang mata ko ng saksakin siya ng isang babae. “Hindi mo nagampanan ang tungkulin mo—” “Willow! Gumising ka!” Napasinghap ako at napamulat ng mata. Sunod-sunod ang paglunok ko sa nanunuyo kong lalamunan. “Tu—tubig..,” namamaos kong ani. Parang natuyo ang lalamunan ko. Hindi ko magawang lumunok. Parang may bumabara sa 'king lalamunan. Hindi ako binigyan ng tubig ni tanda, tinititigan lamang niya ako. “Anong nakita mo?” mahina ngunit may riin niya itong binigkas. Nanginginig ang mga labi kong gusto kong ibuka. Gusto kong magsalita pero wala ng boses pang lumalabas rito. Nagulantang ang buo kong sistema ng bigla akong hinawakan sa braso ni tanda at inihagis sa pader. Napadaing ako dahil sa malakas na impact ng aking likuran. “Immmm!” daing ko. May tumulong likido sa likod ng ulo at dumaloy ito sa leeg ko. Dama ko rin ang pagtunog ng aking buto dahil sa paghampas nito sa matigas na bagay. “Anim na hakbang na parusa! Ngunit hindi niya nagawa!” sigaw ng malaking boses. Pinilit kong imulat ang sumasaradong mga mata upang maaninag ito. Sa harapan ni tanda ay may isang nakakakilabot na nilalang. Isang kristal na nag-anyong tao ang siyang nasa harapan ni tanda. Ang asul, puti at nagbabagang kulay ng apoy ang bumuo sa kaanyuan nito. May bumabalot na kidlat sa kaniyang buong katawanan. “Hindi niya pwedeng maalala ang lahat!” sigaw ni tanda. Nakikipagtalo siya sa nilalang na mula sa Way to hell. Inaasahan kong maglalaban sila ngunit umupo lamang ito sa gitna ng rektanggulo. “Isang kapangahasan ang labagin ang sariling patakaran pangi—” “Itikom mo ang iyong bibig o sisirain ko ang lagusan na iyan!” Nahintakutan ako sa lamig ng boses ni tanda. Mas dama ko pa ang na ngangalit niyang tinig kaysa sa na nanakit kong katawan. “Hanggang kailan mo siya pro—protektahan? Kailangan ka rin sa sarili mong mundo,” ani nito. “Hanggang sa kaya niya nang protektahan ang kaniyang sarili.” Nag-iba ang anyo ng nilalang na kausap ni tanda. Naging isang tao ito ngunit hindi ko naaaninag ang kaniyang mukha. Dahil na rin siguro sa panghihina ko kayo hindi ko ito gaanong makita. “Paano mo niya magagawa iyon kung sa saluhin mo siya palagi?” Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa boses nito. Ngayon lamang ako nakarinig ng napakagandang tinig ng isang lalaki. Para itong isang kidlat na dumadaloy sa aking tenga. “Tama na ang ilusyon, bumalik kana Pien sa loob.” Nakita ko ang pagkamot nito ng ulo at lumukso sa rektanggulong buwang. Tila lumangoy ito sa loob, kinurap-kurap ko ang mga mabibigat kong mata. Hindi ako maaaring magkamali. Lumangoy talaga siya. “Anong iniisip ng maliit mong utak?” Napaangat ako tingin kay tanda. Nanghihinang ibinuka ko ang bibig ko ngunit puro ungol lamang ang lumabas roon. Napahawak ako sa mga labi ko. Ba—bakit wala akong boses? “Nanuyo ang lalamunan mo sa labis na ilusyon, mabuti at inahon kita kung hindi roon kana mamatay.” Parang papel ako nitong hinila sa braso at iniupo sa upuan. Para akong isang basong tubig na inangat at ibinababa. Ganoon ba ako kagaan? “Alam kong nanghihina ka—” “Ngunit, hindi ko babaguhin ang tatlong araw mong pagkain na nakapikit. Uumpisahan natin ngayon.” Namaang ako, nananakit pa ang katawan ko kanina. Hinampas niya ako sa pader. Tapos papakainin ako ng nakapikit. “Tanda! Ano nam—oh my? Nakakapagsalita na ako?” Natutop ako sa kinauupuan ko. Nanlalaki ang mata kong tinititigan si tanda. Nakasimangot lamang ito sa 'kin. Kinapa ko ang ulo ko, pati ang balikat. Hindi ako nakararamdam ng kahit anong sakit! Anong nangyayari! Labis-labis ang pag-iisip ko sa mga nangyayari ngayon! Para akong nanaginip! “Nakasalalay sa pagsasanay mo ang pagpasok sa paaralang iyon,” ani nito. Nilingon ko siya na kasalukuyang naghuhugas ng kubyertos sa rektanggulong buhang. Inilapit ko ang ulo ko upang izoom kung anong ginagawa niya. Naghuhugas talaga siya roon! Binalot na naman ako ng kuryosidad kaya inihakbang ko palapit ang aking paa patungo sa kaniya. Ngunit bigla nitong hinapas ang rektanggulong buhang at tumalsik ang umuusok na tubig sa mukha ko. Natalsikan ako sa mga mata. “Ahhh! Tanda bubulagin mo ba ako?” Natatarantang iminulat ko ang mga mata ko. Oh! My! Gad! Malabo! Hindi! Madilim! Wa—wala akong makita. Inaninag ko ang mga kamay ko, hindi ko ito matagpuan. “Wa—wala akong makita tanda!” Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong kinabahan. Pilit akong naglakad sa kadiliman. Inangat ko pa ang mga kamay ko ngunit hindi ko ito makita. Isang pukpok sa ulo ko ang nagpukaw sa 'king diwa. “Konsentrasyon Willow! Ang mga mata mo ay nakapikit lamang! At dahil sa pagkataranta ng pansamantala na pamamanhid n'yan ay hindi mo na magawang maimulat pa!” sigaw niya sa 'kin. Napagtanto kong nakapikit lamang ako. Nakahinga ako ng maluwag at marahang iminulat ang mata. Naglaway ako sa nasilayan ko, ulala! Ang sasarap ng pagkain. “Hep! Ang pagsasanay! Ang konsentrasyon Willow.” Napatango na lamang ako na hindi inaalis ang tingin sa pagkain. Yung lumpia ang uunahin ko sa bandang kaliwa. Binalang ko sa isip mo ang layo nito. Mga siyam na pulgada. “Maupo ka at isaulo ang bawat posisyon ng pinggan. Tandaan mo kung saan kakukuha at saan ito banda nakalagay. Ang hugis, amoy, at lasa ay dapat mong mamemorya.” Natutuwang umupo ako sa harap ng pagkain. Minemorya ang bawat pwesto at hugis nito. “Easy!” “Huwag anihin ang hindi pa tapos mamunga Willow,” umiiling na wika nito. Piniringan ni tanda ang mga mata ko. Napalunok ako ng binalot ako ng kadiliman. Parang nawala sa isip ko kung saan banda ang mga pwesto nito. Wala na sa isip ko ang lokasyon at mga bagay na minemorya ko! “Konsentrasyon Willow!” Napaigtad ako sa sigaw nito na mas ikinalala ng paglimot ko. Sinubukan kong inangat ang mga kamay ko at pilit iniisip kung nasaan ang lumpia. “Kandila iyan Willow.” “Isda iyan Willow.” “Konsentrasyon Willow!” “Hindi mo isinaulo ang mga sinasabi ko Willow!” “Matatapon ang sabaw Willow!” “Sigurado ka bang gusto mong pumasok doon!” Nanginig na ako at hindi mapigilang umiyak. Hindi ko alam pero parang sumusuko na ako. Sa hindi ko nga kaya ang ganito. Ang hirap! Ang ganitong kahirap na pagsasanay ay kalabisan! Marahas na tinanggal ni tanda ang piring. Hinagis niya ito sa rektanggulong buwang. Sa isang iglap naging abo ito. Napayuko na lamang ako at pinagsasalubong ang magkabilang daliri ko. Hinampas ng malakas ni tanda ang lamesa. Napaigtad ako at pumalahaw sa pag-iyak. Bakit ba kasi niya ako pinahihirapan? Pwede naman niya akong sabihan na huwag na lang akong pumaroon kung ayaw niya. “Itatangis mo na lamang ba lahat ng mahirap na ipagagawa sayo? Hindi laro ang nasaloob ng paaralang iyon Willow! Maaari kang mamatay sa loob noon!” Sigaw niya na nag-echo sa loob ng paligid. Para akong nalalatigo dahil sa malakas nitong ani. “Ayaw mo ng pagsasanay na ito? Sige, doon ka matuto sa loob ng paaralan. Total ay malakas ang loob na pumasok doon! Siguraduhin mo lang na makalalabas ka!” Humihikbi akong niyukyok ang ulo sa lamesa. Narinig ko ang pag-urong ng semento at pagbuhos ng tunig mula sa itaas. “Umuulan pala! Bakit hindi ko alam!” ani nito na pinatunog pa ang dila niya. “Halika na Willow! Hindi ka na magsasanay, ngunit huwag mong asahang tutulungan kita sa loob ng eskwelahan! Sa pagpasok mo roon ay pagputol ng ugnayan nating dalawa!” Hindi ko mapigilang pumalahaw sa pag-iyak. Bakit kailangan pang gawin ni tanda ito. Gusto ko lamang na pumasok doon. Nasasaktan ako dahil parang itinatakwil na niya ako. “Anong iniiyak-iyak mo d'yan?! Hindi ba't ginusto mong mawala sa poder ko? O s'ya pinalalaya na kita!” ani pa nitong muli na ikinaiyak ko. “Gusto mo bang dumito sa loob ng Wa— ng kweba,” tumikhim pa siya at hinimas ang lalamunan. Umiling ako at tumayo na. “Bukas na bukas ay kahaharapin mo na ang mundo na hindi ako kasama.” ani niya nang palalabas na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD