Prologue
Prologue
Angela Franzielle Villanueva
WALANG sabi-sabing kumuha siya ng isang cheque mula sa gilid ng mesa at itinulak iyon papunta sa akin. Napakunot ang noo ko habang sinusundan ng mga mata ko ang papel hanggang sa huminto ito sa harapan ko. Hindi ko agad kinuha. Tinitigan ko muna ang cheque bago ko siya muling tingnan.
“What’s this?” tanong ko, nanatili ang kamay ko sa magkabilang gilid ng katawan ko habang hinihintay ko ang sagot niya.
Bahagya siyang sumandal sa kaniyang upuan at saka ako tiningnan nang diretso. Wala akong makita kahit anong emosyon sa mukha niya. “Compensation.”
Napatitig ako sa kanya. Isang maikling tawa ang kumawala sa labi ko dahil hindi ko alam kung seryoso ba siya o iniinsulto niya lang ako. “Compensation?”
Tumango siya nang bahagya at itinuro ng kaniyang baba ang cheque. “For being my perfect right hand for seven years.”
Dahan-dahan kong kinuha ang cheque at ibinaba ang tingin ko sa halagang nakasulat doon. Nanlamig ang mga daliri ko nang makita ko ang halaga.
Two hundred million pesos
Sa loob ng pitong taon. Iyon ang katumbas ng pitong taon na buhay ko para sa kanya?
Napahigpit ang hawak ko sa cheque bago ako muling tumingin kay River. “Two hundred million?”
“Yes.” Kinuha niya ang fountain pen sa ibabaw ng mesa at nagsimulang paikot-ikutin iyon sa pagitan ng mga daliri niya. “Hindi ka na lugi, Franz. You should be grateful.”
Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko.
Grateful?
Pagkatapos ng lahat? Napailing ako at napangiti nang mapait. “After everything, River?”
Hindi siya agad sumagot. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin na para bang wala siyang nakikitang problema sa sinabi niya. Iyon ang mas masakit. Wala man lang bakas ng pagsisisi sa mukha niya.
“Seven years,” pagpapatuloy ko, bahagyang nanginginig ang boses ko kahit pilit kong kinokontrol iyon. “Pitong taon akong nasa tabi mo. Ilang beses akong sumalo ng bala para sa'yo? Ilang beses kong inilagay ang buhay ko sa peligro para lang makalabas kang buhay? Kapag may gustong umatake sa'yo, ako ang unang humaharang. Kapag may pagtataksil, ako ang naghahanap ng traydor. Kapag wala nang ibang natitirang mapagkakatiwalaan mo, ako ang nandiyan.”
Habang nagsasalita ako, unti-unting bumibigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung galit ba ako o nasasaktan lang dahil ngayon ko lang narinig kung paano niya tinitingnan ang lahat ng ginawa ko para sa kanya.
“And this is what I get?” Ibinaba ko ang cheque sa mesa at itinulak iyon pabalik sa kanya. “A cheque?”
Tumingin siya sa papel bago ibinalik ang tingin sa akin. “You worked for me. You get paid.”
Napapikit ako nang sandali. “I wasn't just working for you.”
“I know.”
“Hindi mo alam.” Napalakas ang pagkakasabi ko habang napahakbang ako palapit sa desk niya. “Kung alam mo, hindi mo kayang sabihin sa akin na compensation lang 'to.”
Naging tahimik siya.
Huminga ako nang malalim bago ko tuluyang sinabi ang matagal ko nang kinikimkim. “I gave you everything, River. Hindi lang loyalty ko. Oras ko. Buhay ko. I gave you everything I had. Even my body.”
Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi niya bago siya napatawa nang mahina. “That was your choice.”
I stilled. Parang may malalaking kamay na biglang humampas sa mukha ko.
“That's your choice, Franz. Not mine.”
Hindi ko agad nasagot iyon. Nakatingin lang ako sa kanya habang pilit kong pinipigilan ang mga matang tuluyan nang magbasa.
“From the beginning, I told you what this was,” dagdag niya, nanatiling malamig ang tono niya habang ibinababa ang fountain pen sa mesa. “Whatever happened between us, it was never a promise. It was just two people satisfying what they needed. Nothing more.”
Tumango ako nang mabagal, pero hindi dahil naiintindihan ko. Tumango ako dahil ayokong makita niyang unti-unti na akong nadudurog.
“No strings attached,” dagdag niya. “You were my bodyguard. That's all.”
“That's all?” ulit ko, halos pabulong.
“Yes.”
Napatawa ako nang mahina habang tuluyan nang tumulo ang isang luha sa pisngi ko. Mabilis ko iyong pinunasan bago pa niya makita, pero wala na akong magagawa sa iba pang kasunod nito.
“Hindi mo man lang naisip na pakasalan ako?”
Umiling siya.
“Hindi mo naisip na maging asawa kita?”
“No.”
“Magkaroon tayo ng mga anak?”
Nanatiling diretso ang tingin niya sa akin. “Never.”
Napahawak ako sa gilid ng mesa. “Then what did you see when you looked at me?”
Hindi siya sumagot nanatili siyang tahimik. Pero alam ko iyon na ang sagot niya.
Wala.
Wala siyang nakikita sa akin. Hindi asawa. Hindi magiging ina ng mga anak niya. Hindi babaeng gusto niyang makasama habang buhay.
Tumawa ako nang mapait. “Hindi mo man lang naisip na pagkagising mo sa umaga, ako ang unang makikita mo?”
“That's not the life I want.”
Nang marinig ko iyon, tuluyan nang bumagsak ang luha ko. “Then what life do you want?”
Umayos siya ng upo at kinuha muli ang cheque bago ito itinulak pabalik sa akin. “I'm getting married.”
Nanigas ako.
“To Amanda Salvatore.”
Parang huminto ang paligid ko. “Amanda?”
Tumango siya. Bahagya siyang sumandal sa kaniyang upuan. “She's fit to be my wife. Her family has the influence I need. She understands this world. She knows how to carry herself, how to deal with people, and she won't complicate my life.”
Napangiti ako sa gitna ng luha ko. “So that's it?”
Hindi kumibo si River nanatiling matigas at malamig ang mukha njya.
“Amanda is everything you need.”
“Yes.”
“And I'm not?”
“You're a good bodyguard.”
Muli akong natawa puno ng pait. Iyon ang pinakamasakit.
Good bodyguard lang ako sa paningin niya..
Napailing ako habang pinupunasan ang pisngi ko. “I love you, River.”
Bahagya siyang napatingin sa akin, saka siya natawa nang mahina. “Love?”
Mas lalo akong nasaktan sa paraan ng pagkakasabi niya nito. Para bang katawa-tawa ang nararamdaman ko.
“I love you,” ulit ko, mas nanginginig na ang boses ko. “Seven years, River. Seven years akong naghintay. Seven years kitang pinili. At ito ang kapalit?”
Nagpatuloy lang siya sa pagtawa nang mahina habang nakatingin sa akin. “You're making this emotional for no reason.”
“No reason?” Napalakas ang boses ko at napahawak ako sa dibdib ko. “Mahal kita!”
Tahimik siyang nakatingin sa akin.
“Hindi ko hinihingi ang dalawang daang milyon mo. Hindi ko hinihingi ang pera mo. I wanted you.”
Walang pagbabago sa mukha ni River.
“I wanted a life with you.”
Muli siyang napabuntong-hininga. “And I never promised you one.”
Parang may tuluyang naputol sa loob ko. Napayuko ako. Sa isip ko, may isang bagay akong dapat sabihin sa kanya. Isang bagay na maaaring magbago ng lahat.
Dalawang buwan na akong buntis, dinadala ko ang anak niya. Limang buhay na nabuo sa loob ko.
Quintuplets.
Gusto kong sabihin sa kanya na may limang batang nabuo sa sinapupunan ko. Gusto kong makita kung magbabago ba ang malamig niyang mukha kapag nalaman niyang may mga anak siya.
Pero habang nakatingin ako sa lalaking nasa harap ko, naisip ko kung para saan pa. Kung hindi niya ako kailangan, bakit ko siya pipilitin dahil sa mga anak namin?
Kung hindi niya ako minahal, bakit ko ipagkakait sa kanya ang buhay na pinili niya?
Hindi ko na kailangang sabihin pa. Sa halip, dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko at pinunasan ang mga luhang patuloy na bumabagsak sa pisngi ko. Huminga ako nang malalim bago ko dinampot ang cheque mula sa mesa.
Tinitigan ko iyon nang ilang segundo bago ko tuluyang ipasok sa bag ko. River watched me silently.
Napatingin ako sa kanya sa huling pagkakataon. “Congratulations.”
Bahagya siyang tumango, parang isang ordinaryong business transaction lang ang katatapos namin.
Humakbang ako palayo sa desk niya ngunit bago ko tuluyang buksan ang pinto, huminto ako. Hindi ako lumingon agad. Ilang segundo akong nanatiling nakatalikod sa kanya habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong umiyak ulit.
Pagkatapos, dahan-dahan akong humarap.
“Alam mo, River,” sabi ko habang pilit kong inaayos ang boses ko, “dalawang daang milyon para sa pitong taon.” Bahagya akong ngumiti kahit masakit. “Hindi pala ako ganoon kamahalaga sa'yo.”
Hindi siya sumagot nanatili pa rin ang kalamigan sa expression nito. Hinawakan ko ang doorknob at tuluyan nang binuksan ang pinto. Bago ako lumabas, tumingin ako sa kanya nang diretso.
“Pero tandaan mo ito.” Sandali akong huminga. “Hindi mo binayaran ang pitong taon ng loyalty ko.” Humigpit ang hawak ko sa doorknob. “Binayaran mo ang sarili mong kalayaan mula sa babaeng minahal ka nang higit sa sarili niya.”
Pagkasabi ko noon, tuluyan akong lumabas ng opisina at isinara ang pinto.
Pagkalabas ko, ilang hakbang lang ang nagawa ko bago ako napahinto sa hallway. Yumuko ako habang nanginginig ang mga balikat ko, pero pinilit kong hindi humagulgol. Isang kamay ko ang mahigpit na nakakapit sa strap ng bag ko, habang ang isa naman ay dahan-dahang napunta sa tiyan ko.
Limang buhay ang nasa loob ko. At simula sa araw na iyon, hindi na nila kailangang malaman kung sino ang ama nila.
Dahil kung kaya ni River na bayaran ng dalawang daang milyon ang pitong taon kong pagmamahal, kaya ko ring mabuhay nang wala siya.
To be Continued---
Future scene po ito💟