PRINSESA PRIYA Hindi pa sumisikat ang araw ay tumayo na ako sa aking higaan. Ngayon ko lang ata naramdaman na gumising ng ganito kaaga. Upang sabayan ang pagsikat ng araw. Paglabas ko sa aking silid ay si Dari agad ang bumungad sa akin. Tulog na tulog habang nakaupo at nakasandal sa upuan na kawayan. Bahagya pang naka-awang ang kanyang labi at halatang sarap na sarap pa sa pagharok. “Dari!” Gulat ko sa kanya. “Ay putik ka— ay paumanhin po Prinsesa Priya.” Muntik na siyang mahulog sa upuan niya. Pupungas-pungas siyang tumayo at humarap sa akin. “Ipaghanda mo na ako ng almusal.” Nakangiti kong sabi ko sa kanya. Magaan ang aking pakiramdam ngayon. Kaya gusto kong maaga akong makarating sa pagsasanayan nila Fernan at Amir. “Ang aga mo ata magising ngayon Prinsesa? Diba dati rati naman ay

