FERNAN “Fernan? Is that you? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit ganyan na ang itsura mo? Alam mo bang antagal ka na naming hinahanap?” Bungad sa akin ni Xandro nang makita niya ako. Siya kasi ang una kong pinuntahan dahil siya talaga ang sinadya ko. Nandito ako ngayon sa bar pagmamay-ari niya. Alam ko kasi na kapag ganitong araw ay nandito siya. Kaya pagkababa ko ng bundok ay siya agad ang pinuntahan ko. “Can I talk to you?” Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bar counter at nagtungo kami sa kanyang opisina para mas makapag-usap kami ng maayos. Naupo ako sa itim at malaking sofa. Nasa tapat ko naman siya at halatang pa rin na inuusisa ang kabuohan ko. “So, explain it to me. Kumusta ka na? Simula nang mamatay si Lalaine hindi ka na namin nakita. Tapos ngayon susulpot ka sa harapan ko

