PRINSESA PRIYA Sandali akong napatitig sa kanya. Hinagod ko siya ng tingin mula ulo hangang paa. Hindi ba ako nananaginip? Totoo kaya ang nakikita ko? Totoo kayang nakatayo sa harapan ko ay si Fernan? Bakit ganun? Imbis na galit ang maramdaman ko ay parang gusto kong bumaba at magpakulong sa bisig niya? Umalis siya na mukhang ermetanyo at sakay ng kabayo tapos ngayon babalik siyang nag-uumapaw sa kakisigan. Yung magulo niyang buhok ay maayos na nakasuklay. Yung malago niyang balbas at bigote ay wala na kahit kaunting bakas. Ang gusot niyang damit, ang tindig niya ngayon ay hindi ko na nakilala. Kasing puti ng ulap ang suot niyang damit. Mahaba ang mangas nito pero nakatiklop ito sa kanyang siko at nakabukas pa ang dalawang butones sa harapan nito. “Bakit ka bumalik? At sino ang mga kasam

