PRINSESA PRIYA Matapos ng lahat at ilang beses na nangyari sa amin ay nakatulog na ako sa bisig niya sa sobrang pagod. Hindi ko na nga namalayan ang oras. At nagising na lamang ako ay suot ko na din ang t-shirt niya na umaabot lang sa gitnang hita ko. Nagising ako ay wala na siya sa tabi ko papalubog na rin ang araw at nagkukulay kahel na ang langit. Napagod siguro ako ng husto kaya hindi ko na namalayan ang oras. Sino ba naman kasing hindi mapapagaod at makakatulog sa nangyari halos mawalan na ako ng malay habang walang tigil siya sa ginagawa niya sa akin. Tunay ngang matibay ang tuhod niya at napatunayan na niya yun kanina kaya hindi ko na siya tatawagin pang ermentanyo. Kahit masakit ang mga kalamnan ko pati narin ang gitna ng hita ko ay pinilit kong tumayo. Para akong nakipagbuno sa

