PRINSESA PRIYA Napabalikwas ako ng bangon nang may maramdaman akong gumalaw sa paligid ko. Iba na ang suot kong damit at nasa aking silid na rin ako. “Ina?” Kaagad niya akong niyakap at saka ko pa lamang naalala ang lahat ng nangyari. “A-anak…totoo bang pinagsamantalahan ka ni Fernan?” Humihikbing tanong niya sa akin na ikinagulat ko. Humiwalay ako ng yakap sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa aking narinig. “Hindi po Ina! Sino pong may sabi sa inyo?” Tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking pisngi at napangiwi ako dahil sa ramdam ko ang pamamaga nito. Pati na rin ang sugat sa gilid ng aking labi na kagagawan ni Amir kaya ako nawalan ng malay. Naalala ko ang kalunos-lunos na itsura ni Fernan kaya napababa ako sa kama suot ang mahaba kong pantulog. “Saan ka pupunta?!” Tawag ni

