PRINSESA PRIYA Halos isang buwan na ang nakalipas nang mawala sila sa akin. Kasabay ng pagkawala ni Fernan at ni Dari ang pagkawala din ng aking ganang mabuhay. Apat na araw mula ngayon ay katapusan na ng lahat. Kapag nalaman nila ang tungkol sa nasa sinapupunan ko ay isa lang ang puwedeng mangyari sa akin. Ang pilitin nila akong patayin ang anak ko sa aking sinapupunan. Dahil naging bunga ito ng maling pagmamahalan para sa kanila. Kailangan kong protektahan ang naging bunga ng pagmamahalan namin ni Fernan. Ito na lang ang huling alaala na iniwan niya sa akin bago siya mawala. At hindi ko hahayaan na tuluyan nila itong kunin sa akin. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa gawin nila yun sa akin. Alam kung dahil dito ay hindi matutuloy ang pag-iisang dibdib namin ni Amir dahil hindi nila mat

